Chapter 11

39 2 1
                                    

CHAPTER ELEVEN

Dominic’s POV

“Aaaaaahhh!”

Napatalon ako sa sigaw ni Nica. Ang lakas eh. Ang sakit sa tenga. Pinuntahan ko siya sa kama at nakita ko ang pagtataka sa mga mata niya. Parang nagtataka siya kung bakit ba siya nandito.

Ganito kasi yon. Kagabi, nasobrahan siya sa inom at sobrang hilo na rin siya. Inilabas ko siya sa bar para makauwe na siya pero napagisip isip kong hindi ko pala alam kung saan ang bahay niya. Kaya naman wala na akong nagawa kundi iuwi siya sa apartment ko. Hindi ko rin naman alam yung bahay ni Zianne pati bahay ni Shaira.

Lumapit ako sa kanya. “Hoy! Anong sinisigaw sigaw mo diyan?”

Nanlaki lalo ang mga mata niyang kanina pa man ay malaki na. “ANONG NANGYARI?!! BAKIT AKO NANDITO?! ANONG GINAWA MO SAKIN!!?”

And with that, muntik na kong humagalpak ng tawa. Ano bang iniisip ng babaeng to? Tsk! Masyado namang marumi ang utak niya. Samantalang wala naman akong ginawa sa kanya. Hay nako, mga babae nga naman.

“Anong pinagsasasabi mo ha?”

Tumayo siya sa kama at inakap niya yung sarili niya. Yung bang cinover niya yung mga braso niya sa sarili niya. “Sagutin mo yung tanong ko!! BAKIT AKO NANDITO?!”

Tatawa sana ko dahil nakakatawa yung hitsura ng mukha niya pero hindi ko rin nagawa dahil seryoso siya. “Okay. Makinig ka ha? Ano ang huli mong naaalala?”

Parang nag-isip siya saglit tapos napakunot noo siya. “Nasa bar ako... dun sa bar na pinagtatrabahuhan mo.”

“Tapos?”

Umiling iling siya. “Wala na. Yun lang!! Now, tell me. Bakit napunta ko dito ha? Bakit ako nakarating dito?”

Hinarap ko siya. “Kagabi, lasing na lasing ka. Ayokong bastusin ka dun ng mga lalakeng customer kaya napagpasyahan kong ilabas ka sa bar. Tapos naisip kong hindi ko alam kung saan yung bahay mo. Kaya eto, inuwi muna kita dito sa apartment ko. Wala naman kasi akong maisip na ibang pagdadalhan sayo. Hindi ko alam ang bahay ng dalawa mong kaibigan. Don’t worry, wala akong ginawa sayo. Ikaw lang ang natulog diyan sa kama dahil sa lapag ako natulog. Okay na?”

Nagbuntong-hininga siya tapos napansin kong parang namumula yung mga pisngi niya. Is she blushing? Siguro nahihiya siya. Tumalikod na ko at bumalik sa niluluto ko. Syempre, marunong na din akong magluto, no? Nagpapaka-independent nga diba?

Napatigil ako nang nagsalita si Nica. “Aalis na ko. Pasensya na, salamat din.”

Pagharap ko ay ang likod na lang niya ang nakita ko. Lumabas siya agad ng pinto. Itinuloy ko na lang ang pagluluto. Mayamaya ay kumain na ko, naligo, at gumayak tapos pumasok na ko sa school.

(After 3 hours)

Pumunta ko sa cafeteria para kumain. Break na kasi namin eh. Habang naglalakad papasok, nakasalubong ko ang pamilyar na mukha ng dalawang babae. Sina Shaira at Zianne. Agad akong lumapit sa kanilang dalawa.

“Shaira!! Si Nica?”

“Dominic? Ah, wala eh. Absent siya.” sagot ni Shaira.

“Ganun ba. Sige, salamat.”

Absent daw siya? Bakit kaya? Ano kayang nangyari dun? Pumunta na ko sa isang table at kumain. Pagkatapos kong kumain ay umalis na ko dun at bumalik sa classroom ko.

Nica’s POV

Pagkagaling sa apartment ni Dominic, dumiretso na ko nang uwi sa bahay. Grabe! Sobrang sakit ng ulo ko!! And another thing, nahihiya ako kay Dominic. Kasi naman eh, nasobrahan pala ko sa pag-inom kagabi. Tuloy ayun, hindi ko namalayan na nilabas niya ko sa bar at inuwi sa apartment niya. But the point is, nahihiya talaga ko! Kung anu-ano ang pinagsasabi ko sa kanya. Kesyo ano ang ginawa niya sa akin, bakit ako nandun sa kama niya, etc. Ikaw ba naman kasi ang gumising sa kama ng lalaki, hindi mo ba maiisip ang salitang “rape?” Of course, that was my initial reaction, ang sumigaw at tanungin kung ano ang nangyari. Anyway, too much for that. Pagdating ko sa bahay ko, naligo na ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ngayon. Papasok ba ko sa school? Baka mamaya hindi na hinalikan session ni Ken at ng babaeng malandi ang makita ko. Hay, ibang klase rin yung si Ken. Akala ko okay na kami. Akala ko ako lang talaga ang gusto niya. Pero may ibang babae rin pala siyang gusto. Hmp, bahala nga sila! Magsama sila! Tama nga, nakakamatay talaga ang maling akala.

My Bartender Guy (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon