Chapter 9

50 3 2
                                    

CHAPTER NINE

Dominic Anthony’s POV

Ngumiti siya sa akin. “Sige, tara kukwentuhan kita. Mmm, wala naman na kong klase eh... So saan tayo?”

Nag-isip ako ng pwede naming puntahan. Hanggang naalala ko yung bagong bukas na coffee shop sa kanto malapit dito sa university. “Diyan tayo sa cofee shop sa kanto, gusto mo?”

Ngumiti siya. “Sige, libre mo ko ah?”

“Sure!”

Umalis na kami sa locker room at magkasabay na lumabas ng campus para pumunta na sa sinasabi kong coffee shop. Kukwentuhan niya daw kasi ako tungkol sa kanila ni Ken. Sa totoo lang nung isang linggo pa niya ko dapat kinuwentuhan pero di naman natuloy. Sabi niya, nililigawan na daw siya ni Ken. Haha. Akala mo namang di ko alam. Eh samantalang tinutulungan ko si Ken ng mga dapat niyang gawin... sinasabihan ng mga dapat ibigay. In short, ako ang nagtulak kay Ken. Bakit ko ginagawa yun? Kasi tinutupad ko lang yung pinag-usapan namin ni Nica. Tutulungan ko siya kay Ken. Ganito ang napag-usapan namin ni Ken last week... nung isang araw pagkayari nilang magkabati ni Nica sa bleachers, which is dahil din sa akin.

(flashback)

Naglalakad ako papuntang canteen nang makasalubong ko si Ken. Tinawag ko siya kaya bumalik siya at lumapit sa akin.

“Pare, bakit?” tanong niya. Medyo hindi pa maganda ang sagot niya sa akin. Syempre, di pa naman kami magkakilala although nagkita na kami dati.

Niyaya ko siya sa isang gilid at sinabi ko sa kanya yung tungkol sa mga papel na natanggap nila ni Nica sa locker nila.

“Ako naglagay nun sa mga locker niyo,” sabi ko. Ang ekspresyon naman ng mukha niya ay gulat na gulat.

“Ba...bakit?” tanong niya.

Kinuwento ko sa kanya yung napag-usapan namin ni Nica dati. Na tutulungan ko si Nica na mapalapit uli sa kanya. Parang nagulat naman siya. Tapos ayun, nagpaalam na ko at umalis. Pumayag naman siya na tulungan ko siya.

(end of flashback)

Pagdating namin sa coffee shop, medyo kakaunti lang ang tao. Umupo kami sa bakanteng table sa bungad dito malapit sa door entrance.

“Anong gusto mong orderin?” tanong ko kay Nica.

Saglit siyang nag-isip tapos ngumiti. “Mocha frappé na lang yung sa akin.”

“Okay. Dito ka lang ha, intayin mo ko.”

Pumunta ko sa babae at sinabi yung order namin. “Dalawang Mocha frappé.” tapos binayaran ko na.

Bumalik ako sa table namin at ilang minuto lang, dumating na yung Mocha frappé namin. Tumingin ako kay Nica. “Oh, kwentuhan mo na ko...”

“Ah, oo!” sumimsim muna siya sa straw ng kape. “Ganito kasi yun. One week ago... may natanggap akong letter sa locker ko.”

Tumango-tango lang ako at di nagpahalatang alam ko na yung kinukwento niya. “Tapos?”

“Tapos yung letter, sinasabi dun na pumunta ako sa bleachers ng mga 4PM. Pangalan ni Ken yung nakalagay. So, naisip ko na kay Ken talaga galing...” sumimsim muli siya sa kanyang kape.

“At nung pumunta na ko sa bleachers at nagkita kami ni Ken, napag-alaman kong hindi naman pala si Ken ang naglagay nung papel na yun sa locker ko.”

“Ha?? Panong nangyari yun?” kunwari wala akong alam. Haha!

Nag-kibit balikat siya. “Ewan ko nga ba. Basta hindi raw kay Ken yun galing. Tapos eto pa, si Ken naka-receive din ng letter. Ang guess what?”

“What?”

“Pangalan ko ang nakalagay dun sa papel. Kaya ang alam niya rin, ako ang naglagay nung papel na yun sa locker niya at ako ang nag-invite na magkita kami sa bleachers...” saad niya.

Humigop ako ng kape tapos humarap sa kanya. Weird hano? Kahit alam ko na lahat ng ikukwento niya eh inaya ko pa rin siya rito? “Pwew! Ang gulo naman! Sino naman yung letter sender?” tanong ko kahit alam ko naman ang sagot. Na ako yun... pero di niya alam. Si Ken alam na, na ako ang naglagay ng mga papel pero sinabi ko sa kanya na wag munang sabihin kay Nica.

“Hindi nga namin alam eh! Pero despite all of that mysteries...”

Mysteries? Mystery na ba yun?! Grabe naman tong babaeng to.

“Oh?” sabi ko na parang nabibitin sa kwento niya.

“Nagka-ayos kami ni Ken. Nag-sorry siya sa akin. Sa lahat lahat... yung pag-iwas niya sa akin at... basta lahat lahat!” she said, smiling widely... Mali pala, grin pala yun.

“Ah... kaya pala sobrang saya mo nung hapon na yun...” sabi ko habang tumatango-tango.

“Oo, ang saya saya ko nun. Di ko kasi inakalang yun ang magiging outcome ng pagkikita namin ni Ken.” sinipsip niya ang natitirang laman ng Mocha frappé niya at saka itinaas ang lalagyan!

“Ow! Ubos na oh...”

Tumawa ako. Ang bilis naman niyang maka-ubos samantalang ako di pa nangangalahati! “Gusto mo pa ba?”

“Oo pa sana, kaso its dark na. Kelangan ko ng umuwi.”

Napatingin ako sa glass wall nitong café. Madilim na nga. Di na kasi namin namalayan ang paglipas ng oras eh. Tumingin ako sa relo ko, 5:35 PM. Kelangan ko na rin palang umuwi, may trabaho pa ako.

“Tayo na?” tanong ko kay Nica.

“Oo, tayo na.”

Lumabas na kami at nag-abang ako ng taxi para sakyan niya. Pinara ko ito.

“Ano? Mauna na ko ah? Salamat sa Mocha frappé. Sa uulitin! Hehe!” sumakay na siya sa taxi.

“See you!” sabi niya at nag-wave ng kamay habang umaandar ang taxi.

Nagsimula na kong maglalakad para umuwi. Papasok pa kasi ko sa bar. Nilingon ko ulit yung coffee shop at may natanaw akong parang pamilyar na lalaki. Huminto ako sa paglalakad at medyo inaninag yung taong nakita ko.

“Ken??” si Ken nga ba yun?

Ken’s POV

“Ken??” sabi ni Dominic na parang sinisigurado kung ako nga ito.

Tumalikod ako at naglakad na palayo. Bakit ganun? Bakit magkasama sila? At bakit ganito ang nararamdaman ko? Parang nasasaktan ako...

Ilang beses na kasi akong tawag nang tawag kay Nica. Hinintay ko siya kanina sa school, sa gate. Sa pagkakaalam ko kasi, ngayon niya na ko sasagutin. Pero hindi ko siya naabangan sa gate. Ni anino niya di ko nakita. Nag-abang din ako sa main gate, pero wala siya. Tapos nung maglakad-lakad ako at nagawi dito sa kanto, dito sa bagong bukas na coffee shop, nakita ko silang magkasam ni Dominic... Natanaw ko sila sa glass wall.

Ayoko sanang bigyan yun ng kahulugan. Iniisip kong magkaibigan lang talaga sila... pero hindi ko mapigil ang sarili. Parang... nagseselos yata ako? Oo, nagseselos nga ako. Mahal ko si Nica eh.

Nung nakita kong lumabas na sila sa coffee shop, lumingid ako at nagtago para di nila ko makita. Tapos nakita kong pumara si Dominic ng taxi at sumakay si Nica. Magkaibigan lang ba ang ganun? O may iba na sa kanila?

Shit. Kahit anong isipin ko, yun ang pumapasok sa utak ko. Kahit isipin kong magkaibigan lang talaga sila, sa huli naiisip ko pa ring may namamagitan na sa kanila. Pakshet! Bakit ganito? Hindi ba talaga ko gusto ni Nica?? Pinapaasa niya lang ba ko? Tangina naman! Ginagamit lang siguro ako nung dalawang yun!

Author’s note

Bakit ganun? Andaya! Yung mga kapamilya ko, hayun, mga nagkakasiyahan na. Nagpa-party party na! Samantalang ako, eto. Walang ginawa kundi mag-type nang mag-type ng update! Tsk. (-_-) Ge, Merry christmas na lang ulit. (Pang-ilang beses ko na ba tong greet? XD)

Pagpasensyahan niyo na lang ako, hindi ako mapakali kaya lagi akong may note sa dulo ng bawat update! Haha!

My Bartender Guy (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon