CHAPTER FIVE
Unicca’s POV
Pagkauwing-pagkauwi ko ng bahay, naka-receive ako ng phone call from my Mom na kasalukuyang nasa Korea. Thank God at uuwi daw sila dito sa bansa para daw bisitahin ako. Buti nga at naisipan nila eh. Ang buong akala ko ay talagang nakalimutan na nilang may anak sila dito sa Pilipinas.
After thinking too much and wasting few annoying hours, I decided to went out from my house. Sa labas na ko kakain. Nagugutom na kasi ako and I’m too lazy to cook for my own.
While foods are the only thing sticked on my mind, I walk down the streets. I am thinking of what delicious foods that I would eat when someone bumped into me. Making me out of balance...
I looked up and ready to kick the ass of that crazy bastard. But seems like the fate was kidding me. It was Ken, the one who bumped with me.
I stand up and arranged my clothes. “A-ah, K-ken...” I was about to talk to him when he immediately turned his back.
Asar! What’s the matter? Oo, galit siya sa akin. Alam ko yon. Pero bakit kailangang isnobin niya na ko? Kakausapin ko lang naman siya ah. Magso-sorry ako, magpapaliwanag, maglululuhod sa harap niya hanggat tanggapin ang sorry ko pero bakit dinedma niya ako? Huhu. Ang dami ko pa namang dapat ipaliwanag!! Another thing, bakit di man lang siya nag-sorry sa pagkakabunggo niya sa akin?
Enough, Nica. Kumain ka na nga lang.
After thinking too much, I finally realize that I am hungry. I fastly went to McDonalds, the nearest one here in my place. I went straight at the counter. (counter nga ba tawag dun? XD)
With a big smile on her face, the crew handed me my foods. Then once in a while, I was stunned. Cause when I look around, there was no vacant table! Damn! Bakit ba hindi table ang una kong chineck kanina? Stupid, Nica.
“Excuse me, Miss. Wala na ba talagang vacant table?” I asked the crew.
She looked around and her eyes stopped in one corner. “Dun po oh,” she pointed out. “Iisa lang ang nakapwesto. Pero pang-dalawahan naman yung table kaya I’m sure may one vacant chair pa dun. Maki-share na lang po kayo.”
I looked at the corner she pointed out. At nakita ko ngang meron dung isang lalaking kumain in a table for two. Nakatalikod siya and he was facing the glass wall kaya hindi ko makita ang mukha niya. Okay, I’m gonna share with him. Siguro naman mabait yon at papayag na maki-share ako.
I started walking toward the said table. As I arrived, I immediately put down my tray of foods. “Would you mind if I sit here? Wala ng vacant table eh,” I said in my sweetest tone.
“No, I wouldn’t. Sige lang, upo ka,” he said without looking up on me, and just continously eating.
But the heck! I have this weird feeling when I heard his voice! It’s kinda familiar...
A part of my mind speak up, My goodness! Kakain ka na nga lang kung anu-ano pa ang iniisip mo! Napaparanoid ka lang!
I already sit down. As I hold the spoon, he looked at me. While me... was also looking at him.
With that, I was stunned. Seems like he gave me a stunning spell to the point that I cant even move any part of my body. Including my eyes...
I just stared at him with a shocked face! Sa dinami-dami ng pagkakataon na pumunta at kumain ako rito, bakit ngayon pa?! Bakit ngayon ko pa kailangang makasabay si Ken? Malas talaga ko, malas!!
Fate must be playing with me. Parang kanina lang nakasalubong ko siya? Bakit kabilis naman niyang nakapunta dito?
Ken’s POV
Pagkayari kong maglakad-lakad sa park, napagpasyahan kong pumunta sa McDo. Nagugutom na kasi ko at tinatamad pa kong umuwi sa bahay.
Naglalakad na ko nang may bigla akong nabundol. Shet. Medyo madilim kasi sa street na to. Pagtingin ko sa babaeng nabundol ko, nakasalampak na siya sa baba. Tss. Lampa!!
Pagtayo niya, saka ko lang nakilala kung sino siya. Si Nica.
Nagpagpag at nag-ayos siya ng damit. “A-ah, K-ken...”
Ano naman kayang sasabihin nito? Tinalikuran ko siya agad at naglakad na papalayo. Hanggang ngayon, inis ako sa kanya dahil sa nangyari sa canteen. Sabi niya kasi hindi niya kilala yung lalaki yon pero bakit naghalikan sila? Siguro talagang sinadya niya yun. Inaya niya lang siguro kong pumunta sa canteen at sabay kami kunwari mag-lunch para ipakita sakin yung gagawin nilang “kissing scene” nung lalaki yun.
Tss. Bakit ko ba sila iniisip?
Pagdating sa McDo, agad akong pumasok at bumili ng pagkain. Swerte ko rin dahil may nag-iisa pang bakanteng table sa isang sulok. Nagbayad na ko sa crew saka pumunta na sa table. Nasa kalagitnaan na ko ng pagkain nang may taong biglang lumapit sa table ko at naglapag ng tray.
“Would you mind if I sit here? Wala ng vacant table eh,” sabi niya.
Babae at pamilyar na pamilyar ang boses. Kilala ko to eh...
“No, I wouldn’t. Sige lang, upo ka,” sabi ko nang hindi inaalis ang tingin sa pagkain ko.
When I raised my head, I was shocked to see Nica. Sinasabi ko na nga ba eh, kaya pala pamilyar yung boses. Pero bakit nandito na siya agad? Nakasalubong ko lang siya kanina ah?
Hindi ako nagpahalatang nagulat. Pero siya, gulat na gulat ang reaksiyon. Hindi na ako sumagot at nagpatuloy lang sa pagkain. Maya-maya, bigla siyang nagsalita.
“Ah, s-sorry ha. Kung nakiupo ako dito. Wala na kasi talagang bakanteng table.”
Hindi ako sumagot. Kain lang ako nang kain pero nararamdaman kong nakatingin siya sa akin. Wala naman kasing dapat ipag-sorry sa ginawa niyang pakikishare.
“K-ken, yu...yung tungkol sa nangyari sa canteen—”
Di ko na hinayaang ituloy pa niya yung sasabihin niya. “Drop it, Nica!”
“Mageexplain lang naman ako. Alam ko naman kasing galit ka eh.”
Tss. Ayoko ng ganyang drama!! Tumayo na ako at lumabas ng McDo. Habang naglalakad ako papalayo ay naririnig kong tinatawag niya ko, sinisigaw ang pangalan ko...
Gusto kong lumingon at balikan siya pero nanaig pa rin ang katigasan ng puso ko kaya di ko na ginawa. Sorry, Nica.
Kung alam mo lang kung bakit ako nagmamatigas, kung alam kung bakit kita iniiwasan at kung bakit ayoko ng lumapit sayo. Para rin naman sa akin to eh. Para sa isang katulad kong naga-assume. Alam ko kasing wala akong lugar diyan sa puso mo... At alam ko rin na yung lalaking yun ang gusto mo. Ayoko lang masaktan kaya habang maaga pa, papatayin ko na lang siguro yung feelings ko para sayo.
Author’s NOTE
Hindi ko alam kung magugustuhan nyo ang update na to. Hindi ko kasi masyadong napagbuti eh. Minadali ko kasi sobra na kong busy, nagsasabay-sabay na talaga. Pero sana kahit papano matanggap ninyo ang mga nagaganap at ang mga susunod na mga magaganap. HAHA! Sana rin magbigay kayo ng feedback para naman malaman ko kung okay pa ba ang nangyayari. Thank you!!
This chapter is dedicated by the way, to my Dre na patuloy sa pagsuporta sa story ko na to. ☺
BINABASA MO ANG
My Bartender Guy (Ongoing)
RomanceNica had a smooth-flowing life, but everything turned upside down one night when she met this stupid bartender who stole her first kiss. Suddenly, she found herself letting him to enter her life. As the payment for the mess he brought to her life, s...