Chapter 14

31 2 0
                                    

CHAPTER FOURTEEN

(Kinabukasan)

Dahil saturday ngayon, masaya ako. Bakit? Syempre saturday eh, walang pasok. Haha. At saka syempre, masaya din ako para sa aming dalawa ni Ken. Ayiiiie, nako, kinikilig tuloy ako. Haha.

At dahil saturday ngayon, kelangan kong pumunta sa mall para mag-grocery. Kasi naman eh wala ng laman yung refrigerator ko. Nauubusan na ko ng stock ng pagkain. Kelangan kong bumili ng maraming stocks.

Kumain na ko ng breakfast at nagpahiga na mga ilang minuto. Tapos naglinis din ako ng bahay kasi medyo nagkakaalikabok na ang mga bintana. Matagal na rin kasi akong di naglilinis ng bahay eh. Hindi ko na naaasikaso. After kong maglinis, maglampaso, at mag-map ng floor, naupo muna ko sa sofa at sinindi ko ang aircon. Grabe ha, nakakapagod! Magpapahinga muna ko ng ilang minuto bago ko maligo.

(After 3 minutes)

Naggayak na ko ng bihisan at naligo. Simple lang ang sinuot ko. Pants at tee lang. Syempre, kailangan ko pa bang magsuot ng bongga eh sa mall lang naman ang punta ko. Pagkatapos kong gumayak, lumabas na ko ng bahay at pumunta sa MRT. Diba nga lately lagi ng MRT ang sinasakyan ko? Nakakayamot kasi ang traffic eh pag naka-taxi eh. So ayun, nag-MRT na lang ako. Okay lang naman kahit medyo siksikan sa loob ng MRT. Mahalaga mabilis akong makakarating sa paroroonan ko. Pagdating ko sa mall, agad akong pumunta sa Save More. Kinuha ko na lahat lahat ng dapat kong bilhin na mga pagkain. Kumuha rin ako ng mga cup noodles, yung jampong. Mahilig kasi ako sa ganun. Tapos ayun, pumunta na ko sa counter. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon, nabunggo ng tinutulak kong cart na kinalalagyan ng mga pinamili ko ang isa ding cart. Papunta kasi siya sa kanan eh ako naman diretso lang.

“Sorry,” mahinang sabi ko nang hindi tumitingin sa kung sino man ang may tulak sa cart. Nakakahiya naman, nakabunggo pa ko.

“Okay lang yu—Nica?”

Tumingin ako sa kanya at laking gulat ko nang makita ng mga mata ko si Dominic. Siya ang nabunggo ko? Great, just great. “Dominic? Oh, what a chance. I didn’t expect to see you here,” sabi ko at saka ngumiti ng nag-aalangan na ngiti.

Bakit ba sa lahat ng taong makakasalubong ko dito eh siya pa?! Nahihiya kasi ko sa kanya eh. Nakita niya kong umiiyak dati sa bleachers.

“Ako rin, hindi ko inexpect na makikita ka rito,” sagot niya habang nakangiti.

“Ah, hehe. Ikaw? Anong ginagawa mo rito?” Ay, ano ba namang tanong yan, Nica! Malamang namimili ng mga pagkain. Eh ano pa ba kasing pupwedeng gawin sa save more?

Natawa siya sa tanong ko. “Malamang nag-go-grocery. Naubusan na kasi ko ng stock ng pagkain sa apartment ko.”

Tumango-tango na lang ako at ngumiti. “Ako nga rin eh. Naubusan ng stocks. So, paano? Mauna na ko ha?” I said then went already to counter.

Binayaran ko na lahat lahat tapos huminto muna ako sa food court, which is harap lang ng save more. Inilapag ko na rin muna sa table ang mga dala ko. Grabe ha! Marami-raming paper bag din to! Ang bigat bigat pa. Great, paano na lang ako magliliwaliw mamaya kung dala dala ko tong mga to? Ah, alam ko na. Ipapa-baggage counter ko muna. So ayun, pumunta na ko sa baggage counter at dineposit ang mga pinamili ko. Kinuha ko yung plastic card na pinaglalagyan ng number ng mga dineposit ko tapos umalis na ko. Kailangan kong pumunta sa salon para magpa-ayos ng buhok. Pumunta na ko sa escalator na paakyat sa 2nd floor. Ngunit katatapak ko pa lang sa escalator nang biglang mag-ring ang cellphone ko. I pulled it out from my pocket then look at the screen.

Calling... Ken <3

“Hello,” I said as I answer.

“Tingin ka sa kanan mo,” sabi niya.

My Bartender Guy (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon