Chapter 7

47 1 0
                                    

CHAPTER SEVEN

Unicca’s POV

DISMISSAL. Thank God at natapos din ang huli naming class. Medyo sumakit din ang ulo ko sa madugo-dugong computation na yun ah!

“Oy, tayo na,” yaya ko kina Zianne at Shaira.

I grabbed my bag then we went out the room. Sabay-sabay kaming naglakad papunta sa back gate. Once in a while, theres one thing popped out in my mind while we are walking.

“Wait, guys,” ang kanang kamay ko ay napahawak sa braso ni Zianne at ang kaliwa naman ay kay Shaira.

“O, bakit? May nakalimutan ka ba?” tanong ni Shaira.

Napadukot ako sa bulsa ng bag ko at nilabas ko yung papel na nakuha ko kaninang umaga sa locker ko. Pinakita ko sa kanilang dalawa.

Napatango silang dalawa. “Ah, oo nga pala.”

Napatingin ako sa wristwatch ko. “4 PM na. Kailangan ko pa palang pumunta sa meeting place namin ni Ken. So, mauna na ko, ah?”

“O sige. See you tomorrow na lang.”

“Good luck sayo, girl. Enjoy ka sa date niyo!”

DATE!? Baliw ba si Zianne? Magkikita lang naman kami ni Ken eh. Wala namang date na magaganap.

“Okay, kitakits na lang tayo bukas!” bumeso ako sa kanilang dalawa at naglakad papunta sa gym.

Pagdating ko sa gym, naglakad ako papunta sa bleachers. And there, I saw Ken. Unti-unti akong lumapit sa kanya...

“Hi!” pinasigla ko yung boses ko. Alam ko kasing maganda ang mangyayari ngayon kasi magkakabati na kami.

Lumingon siya at may pagtatakang tumingin sa akin. Ngumiti lang ako at lumapit. Umupo na rin ako sa tabi niya.

Bakit ganun? Parang kakaiba ang atmosphere dito? Parang may mali. Hay, napa-paranoid lang siguro ko.

Hindi pa rin siya nagsasalita. Bakit kaya? Sa pagkakaalam ko siya ang nag-decide na magkita kami rito. So meaning... may sasabihin siya? May ibibigay? Or...

“Bakit?”

Ano daw?? “H-huh?”

“Bakit mo ko pinapunta dito?”

“Ba...bakit ki..kita pinapunta di..dito??!” halos nautal na ko sa pagsasalita. My goodness! I should be the one asking that!

Kinapa ko ang papel na nakuha ko sa locker ko na kasalukuyang naka-bulsa sa skirt ko. “As far as I know eh ikaw ang nagpapunta sa akin dito. Sumulat ka pa nga eh.” dinukot ko yung papel at pinakita sa kanya.

Inabot niya ito at binasa. After reading, he seemed to be dumbfounded. Maya-maya ay may dinukot din siya sa bulsa ng bag niya. Isang papel na kasinglaki ng papel na pinakita ko sa kanya. Inabot niya yun sa akin. Binasa ko yun and with that napatayo ako. Grabe, naguguluhan ako. Bakit ganun? Here is what the letter says,

Ken, kita tayo mamayang 4pm sa bleachers. Hihintayin kita.

Nica

What the heck is this? Ano to? Bakit ganito ang nangyayari. Humarap ako sa kanya habang nakatayo at hawak hawak yung papel. Oo nga pala, nagpalitan kami ng papel.

“What is the meaning of this? San mo to nakuha?” I asked him.

“Sa locker ko.”

“H-hindi ako ang naglagay niyan doon. Hindi rin ako ang nagsulat niyan. Pero dun ko rin nakuha sa locker ko ang sulat na yan.”

My Bartender Guy (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon