CHAPTER EIGHT
(Pagmumuni-muni ni author)
Naguguluhan na ako, ano na bang nangyayari sa istorya? Pati ako may mga tanong na sa sarili ko.
1. Itutuloy pa ba ni Ken ang panliligaw niya kay Nica?
2. Diba lumalayo na si Ken kay Nica, pero bakit nag-sorry pa siya? Iniiwasan niya ba talaga si Nica o hindi?
3. Ano ba ang relationship ni Ken at Nica?
4. May feelings ba si Dominic kay Nica?
God. Ewan ko pa sa ngayon dahil nagsisimula pa lang. Pero sinisigurado ko sa mga susunod na kabanata, iba na ang mangyayari. Masasagot din ang mga tanong. Enjoy na lang sa update! Merry christmas!
Dominic Anthony’s POV
Nang pumunta ko sa gym nakita kong nandun na si Ken pero mag-isa lang siya. Wala pa si Nica. Nagtago ako sa gilid ng parang mini stage. Maya-maya, nakita ko nang dumating si Nica. Umupo siya at nag-usap na sila ni Ken. Parang nagkakalabuan pa yata sila. God, mukhang papalpak pa.
Paglingon kong muli, nakita ko na si Ken na nakangiti at ino-offer ang kamay niya kay Nica para makatayo ito. Tumayo naman si Nica. Mukhang okay naman na sila. Maayos din naman pala ang kalalabasan. Tiyak masaya na niyan si Nica.
Suddenly, nakita kong niyakap ni Ken si Nica. Hindi ko lang alam pero iba ang naramdaman ko habang pinagmamasdan sila mula sa pwesto. Ewan ko ba, di ko rin maintindihan ang sarili ko. Dapat maging masaya ko kasi okay na sila. Masaya na niyan si Nica. Yun naman ang gusto niya diba? At dahil maayos na sila sa isa’t-isa, hindi na niya siguro kakailanganin ang tulong ko...
Unicca’s POV
As of the moment, nandito pa rin ako sa harap ng school. Wala pa kasing dumadaan na sasakyan. Napangiti ako nang maalala ko yung mga naganap kanina lang. Yung pagyakap ni Ken sa akin...
In fact, I’m bewildered. Dun sa relationship namin ni Ken ngayon. Kung ano ba kami? Friends? More than friends? Less than lovers? Itutuloy pa kaya niya ang panliligaw sa akin?
Enough with that. What important is... okay na kami. Magsisimula na sana kong maglakad nang makita ko si Dominic na papalabas ng gate. Huh? Bakit? Ngayon pa lang ba natapos ang last class niya?
Tinawag ko siya habang wine-wave ang kanang kamay ko.“Dominic!! Dominic!!”
Nakita kong lumingon siya pero blanko ang mukha niya. Walang ka-ekspre-ekspresyon. Ano naman kayang problema nitong lalaking ito?
Lumapit ako sa kanya at ngumiti. “Hey, how have you been doing?”
Tumingin siya sa akin and at last, he smiled. “Ba’t ngayon ka lang uuwi?”
Ano ba yan! Tinanong ko siya pero sinagot din ako ng tanong. Weird.
BINABASA MO ANG
My Bartender Guy (Ongoing)
عاطفيةNica had a smooth-flowing life, but everything turned upside down one night when she met this stupid bartender who stole her first kiss. Suddenly, she found herself letting him to enter her life. As the payment for the mess he brought to her life, s...