Chapter 12

48 2 2
                                    

CHAPTER TWELVE

Nagtatakbo ako papuntang gym. Lagi naman eh, lagi na lang ako tumatakas at tumatakbo. Umupo ako sa bleachers at dumukdok. Kahit anong pigil ang gawin ko, hindi ko pa rin mapigilan ang mata ko. Tears started to run down my face. Bakit ba ganito Ken? Bakit ba kelangan masaktan ako ng ganito?

“Tahan na.”

Napahinto ako. Dominic? Boses ni Dominic yung narinig ko ah. I looked up and then I saw him extending his hand, offering a handkerchief...

Inabot ko yung panyo at nagpunas ng luha. Okay, hindi ko inexpect na makikita niya ko dito and another thing, mas lalong hindi ko inexpect na siya pa ang magbibigay sa akin ng panyo.

“Masakit ba?”

With that, tears flow down my cheeks again. Buti pa siya may pakielam sakin, buti pa siya may pakielam sa feelings ko. Hindi katulad ni Ken na hindi man lang cinonsider ang magiging reaction o ang mararamdaman ko kapag nakita ko siya na may kasamang ibang babae. Sabagay, hindi ko naman siya pag-aari. Hindi nga naman naging kami eh. Pero bakit nasasaktan ako ng ganito?

Nagpunas ulit ako ng luha. Nakakahiya na kasi, sa harap pa ko ni Dominic umiiyak. Ibinalik ko sa kanya yung panyo niya at pinilit kong ngumiti.

“S-salamat ha. Ba-bakit ka nga pala nandito?” I said between sobs.

“Nakita ko. Nakita kita... nung kinuha mo yung bag mo sa kanya.”

Ha? Nakita niya?! Grabe naman oh. Anong swerte ba ang mayroon ako? Nakita niya pa pala yung eksenang yun. Na may kasama si Ken na ibang babae at ako naman ay parang tanga lang na nag-walk out agad nang makuha ang bag ko. Hay nako tadhana.. What now? Happy? Contented? Puro kagaguhan na ang nangyayari sa buhay ko oh? Itigil mo na ang pakikipaglaro sa akin!

Hay ewan. Para na kong baliw. Sisihin daw ba ang tadhana?

Tumingin ako kay Dominic. “Hayaan mo na yun! Sige ha, tapos na ang break time ko. May klase na yata ako eh. Pano? Una na ko?” I manage to forced a smile even though deep inside, I’m hurting like damn.

Tatalikod na sana ko pero...

“Kung hindi mo talaga kayang ngumiti, wag mong pilitin.” And with that, he left me.

Pagkayari kong marinig yun, nilisan ko na rin ang bleachers. Bumalik na ko sa classroom ko. Hindi rin ako masyadong nakapag concentrate nung nagkaklase na kami, nagsusumiksik pa rin sa bwisit kong utak yung mga nakita ko kanina sa canteen. Ewan ko nga ba. Bakit ba ganito ang buhay? Kelangan ba talagang ganito?

(Dismissal)

After mag-dismiss ni prof. pascual, nag-ayos na ko ng sarili ko. Kinuha ko ang bag ko at akma nang aalis pero humarang naman sa harapan ko ang dalawang magagaling kong kaibigan.

“Ano bang problema mo ha Nica?” tanong ni Zianne.

“Problema? Wala naman. Bakit ba?”

“Wala? Wag ka ngang magsinungaling sa amin. Halatang-halata ka! Kaninang umaga ka pa mukhang litang. Ni hindi ka nga nakikinig sa klase eh, akala mo ba hindi namin napapansin?” sabi ni Shaira.

Hay nako. Eto namang mga to oh, ibang klase. Katagal ko ng may problema tapos ngayon pa nila tatanungin? Nung uminom nga ako eh, hindi man lang nila nalaman. Kasi hindi nila tinanong kung anong nangyari kaya hindi nila nalaman na ang kaibigan nila ay nagpapakalunod na sa alak dahil sa sakit na nararamdaman.

“Wala nga! Wag nga kayong makulet! Masakit lang ang ulo ko!” I almost screamed.

Napailing si Shaira at halatang hindi kumbinsido sa sinabi kong excuse. “Bakit ba kasi ayaw mong sabihin sa amin ang problema mo? Hindi ba kami pinagkakatiwalaan ha? Sa pagkakaalam ko, magkakaibigan tayo. Eh bakit di mo sinasabi sa amin ang problema mo? Hindi mo ba kami tinuturing na kaibigan?”

My Bartender Guy (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon