Edga's POV
"Naku. 'yun talaga si Cyan kahit kailan pasaway! Tita Tito, kung umuwi nalang po muna kayo. ang sabi kasi ni Cyan, pauwi na raw siya." sabi ko sa mga magulang ni Cyan at inalok sila ng snacks.
"Masama ang kutob ko na may nangyaring masama sa anak kong iyon." napahawak siya sa kanyang noo.
"P-po? wag po kayong magsalita ng ganyan. wala pong mangyayari kay Cyan. masamang damo 'yun kaya imposibleng mamatay." sabi ko at tumawa.
"Tama si Edga, Honey. wag kang mag-isip ng masama diyan. mas lalong may mangyayari sige ka.." pagbabanta ng kanyang asawa sakanya.
Napangiti ako. ang sweet lang nila! sana ganoon rin kami ni Cya---WALA.
"O sya.. mauna na kami. thank you for taking care of our son.." ani nila. tumango tango ako.
KINABUKASAN maaga akong nagising para pumunta ng school. tumigil na kasi ang bagyo. salamat sa diyos at hindi kami affected dun. maayos naman ang bahay namin.
"Edga Edga..." hinihingal na salubong sakin ni Charise. galing siguro to sa room namin.
"B-bakit?" tanong ko. halos ang mga tao sa paligid nagbubulungan. may nagsusuka at may umiiyak. mas lalo tuloy akong kinabahan.
".... Si Cyan patay na..." paulit-ulit iyon nag echo sa tenga ko.
Agad akong tumakbo papuntang classroom namin. muntik na akong masuka sa nakita ko.
S-si Cyan.. ang brutal ng pagkapatay sakanya. hubad ito at halos durog durog na ang katawan na may halong maraming dugo. kahit sino ang makakita neto, masusuka.
"C-cyan!" sigaw ko habang umiiyak. hindi. hindi siya pwedeng mamatay!
"Miss, kung maaari, lumayo ka muna sa bangkay. kami muna ang bahala dito." sabi ng mga pulis.
Agad naman akong kinaladkad ni Charise palabas ng classroom. hanggang ngayon umiiyak parin ako.
Noong elementary palang, crush na crush ko na si Cyan. pero hindi niya ako pinapansin kasi suplado siya. ayaw na ayaw niya sakin. pero kasi makulit ako kaya wala siyang choice. pero ngayon...
"Shh.. tahan na, Edga.." Charise hugged me. she's trying to comfort me.
"*sob* kung sino man *sob* yung pumatay *sob* sakanya sana *sob* masaya na siya!" sabi ko habang umiiyak.
Parang may dumururog sa puso ko na hindi ko magets.
Ano nalang sabihin ng mga magulang ni Cyan sakin?! ang tanga tanga ko! kung sana hindi ko siya iniwan kahapon, buhay na buhay pa siya! ang tanga tanga ko! shit lang!
"Hoy kayong mga student council, tatayo tayo nalang kayo diyan?! Diba kayo ang incharge sa pagtingin sa mga cctv! tignan niyo kung sino 'yung pumatay! ano ba kayo!" sigaw ko.
"We're doing our best here! at nawala ang signal nung cctv when the incident happened! ang creepy nga nun eh." sabi nung isa sakanila.
"So ang ibig niyong sabihin, tinakpan nung tao ang cctv bago niyang pinatay si Cyan?" tanong ko.
Umiling ang silang lahat.
BINABASA MO ANG
Section mabini (Horror)
Horrorika nga nila, once you say "yes", you can never say "no" again. ganoon rin sa klase nila. Once nasa section mabini ka na, kahit anong kawala mo, hinding hindi mo matatakasan ang sumpa. at ang mas malala, sunod sunod kayong namamatay. so, are you re...