It's been one week since my bestfriend Charise died. it's also been one week, nagpapakita sa'kin ang kaluluwa niya. it's been one week, nagmumukha akong baliw sa paningin ng mga tao.
Pero ang huling sabi sa'kin ni Charise nung nakita ko siya. ang sabi niya, 'yung attendance list..' anong meron sa attendance list ng class naming mabini?
"Ang lalim naman ng iniisip ah." napalingon ako sa nagsalita. it's Cyan.
"Alam mo, kung nandito si Charise tiyak di 'yun matutuwa sa mga galaw mo. patay na siya Edga. tanggapin mo nalang ang katotohanan. masakit man para sa'tin pero kailangan talaga." aniya.
"Yes, I promise. hindi ko na siya iiyakan." sabi ko at ngumiti.
Tumango siya, "Dalawa na ang namatay sa section naten." napalunok ako sa sinabi niya.
"B-bakit kaya? S-sino kaya yung pumapatay? ang sama naman niya!" nanginginig kong sabi.
"May sasabihin ako sayo.." napatingin ako sakanya. ano naman ang sasabihin niya? This is the first time na nag-oopen up siya sa'kin. at aaminin ko, natutuwa ako dun.
"Nung araw na na-suspend yung klase.. ako lang ang naiwan dito diba?" pagsisimula niya. tuloy tuloy ang tango ko, "May nagpakita sa'kin na isang babae. nakakatakot ang mukha niya. binalaan niya ako. tayo. yung buong section naten." nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
"S-so ang ibig sabi--"
"Oo, Edga. nakakakita ako ng multo. at nung nangyari 'yun, mabuti nalang at nakatakas ako pag gising ko. nawalan ako ng malay." napapikit siya.
"Paanong si Karl---"
"Hindi ko alam. maaaring andun pa siya sa mga oras na 'yun. maari rin siya ang pumatay kay Karl." sabi niya.
"...At nung pagpunta mo sa bahay namin, nakita kong nakasunod sa likod mo si Charise. nung una di ko pinansin pero nagulat ako sa sinabi mo na.. patay na raw ako." sabi niya.
"Nakangiti lang si Charise habang nakasunod sa likod mo. her face was.. fvcking scary." aniya.
"Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit si Karl ang namatay.." sabi niya.
"Pero bakit sa'tin nagpapakita si Charise?! at sa aura niya parang may malaki tayong kasalanan sakanya?! ayos naman diba?! wala tayong problema nung buhay pa siya! bakit sa'tin ha?!" sigaw ko.
"Di ko alam.. maaaring gusto niya ng hustisya. alam niya kasi na tayo lang ang makaka-ayos neto. pero di ko talaga alam." mahinahon niyang sabi.
"M-may sinabi ba sayo si Charise nung nagpakita siya sayo?" Tanong ko.
"Wala. puro nakakakilabot at nakakatakot na mukha lang ang ipinapakita niya." aniya.
"Sinabi niya sa'kin na umalis na tayo sa section mabini bagong mahuli ang lahat. at yung attendance list natin." sabi ko.
"Siguro nasobrahan kalang sa stress. magpahinga ka nalang muna. but promise me, kalimutan na natin si Charise, okay?" aniya. tumango ako.
"Y-yung hustisya--"
"Edga.. not now, okay? at isa pa, hindi ako sigurado kung ano talaga ang gusto niya. wag tayong padalos dalos." sabi niya.
--
Break time namin ngayon kaya imbes sa canteen ang punta ko, dumiretso ako sa office.
BINABASA MO ANG
Section mabini (Horror)
Horrorika nga nila, once you say "yes", you can never say "no" again. ganoon rin sa klase nila. Once nasa section mabini ka na, kahit anong kawala mo, hinding hindi mo matatakasan ang sumpa. at ang mas malala, sunod sunod kayong namamatay. so, are you re...