Chapter 10

121 7 3
                                    

a/n: wahaha! ba't napapansin ko hindi pantay ang mga reads sa bawat chapter? hahah! baka nag sa summarize kayo ah.

Ewan ko ba kung ba't nawala ang original na chapter 10 ko. huhu! kaya ngayon, magsusulat ako ulit. so ayun, enjoy reading! wahahahah!

_____

Edga's POV

Nagsisitakbuhan na ang mga estudyante sa cafeteria para silipin kung ano ang nangyayari. at dahil natakot ako para kay Walter, agad akong tumayo kaso hinila kaagad ni Drake ang braso ko, "Drake ano ba!"

"Tara na! baka kung ano na ang nangyari kay Walter!" sigaw ko habang sinusubukang tanggalin ang nakahawak niyang kamay sa braso ko.

"W-wag! d-dito lang tayo. d-delikado." nanginginig niyang sabi.

"Ano ba, Drake! mas delikado ang buhay ni Walter ngayon, okay? at saka hindi mo ba alam kung sino ang nakasunod sa attendance list ha?!" pasigaw kong sabi.

Naiwan siyang nakatulala sa mesa habang binibitawan ang braso ko. tumakbo na sana ako kaso nagsalita siya..

"Edga, basta binalaan na kita. ikaw nang bahala kung susunod ka. basta ang sinasabi ko, lumayo ka sa mga ganitong sitwasyon. sinasabi ko ulit sayo, delikado." wala sa sariling sabi niya. napalunok ako at patuloy ng lumabas para hanapin si Walter.

Ano bang sinasabi ni Drake? layuan ko ang bawa't sitwasyon na ganito? pero paano? nasisiraan na ba siya? classmate namin si Walter! at syempre kailangan namin siya bantayan!

Nakita ko si Chrisha sa may malayo kaya agad akong tumakbo palapit dito, "Anong nangyayari?!" hinihingal kong tanong.

"Are you talking to me?! I don't know. we heard Walter shouted from some where." maarte niyang sabi at inirapan ako.

"Chrisha!" pasigaw kong sabi.

"What do you want, bitch?" pagtataray niya ulit.

"Ano ba, Chrisha! pwede ba kung may galit ka sa'kin, wag ngayon! buhay ang nakataya rito! itabi mo muna yang galit at insecurities mo sa'kin!" sigaw ko.

"What?! are you out of your mind? insecure? yucks. dream hard, girl. you bitch, wala ka ng ibang ginawa kundi agawin ang mga lalaking gusto ko!" sigaw niya.

"Lalaking gusto mo?" nagtataka kong tanong.

Tumango siya, "Oo, mga lalaki ko! alam mo naman sa umpisa palang may gusto ako kay Cyan eh! at alam mo naman rin na may gusto rin sa'kin si Cyan! pero anong ginawa mo? nakisali ka!" sigaw niya.

"Cyan loves me! not you, bitch! then when the time comes, I fell for Jhosh! pero anong ginawa mo? you ruined everything! lahat nalang, Edga! malandi ka!" sigaw niya pa ulit.

Hindi ako makasalita. wala akong ganang makipagaway sakanya ngayon. masakit na sabihan akong malandi pero kailangan ko talagang malaman kung ano ang nangyari kay Walter.

"Chrisha, tama na 'yan." suway sakanya ni Zendro at nilayo.

"Edga, okay lang si Walter. nahimatay siya habang naglalakad ng hallway. siguro nalipasan ng gutom sa kakaisip sa mangyayari sa'kanya. ang sabi ng nurse, give him time to rest muna." sabi ni Zendro.

Tumango ako at nakahinga ng maluwag, "Thank you.."

"Are you okay? gusto mong pumunta muna tayo sa garden para magpahangin?" tumango ako sa sinabi ni Jhosh.

"Hey, what's up?" sabi niya. I know na sinusubukan niya lang akong ipasaya.

"Thank god, okay si Walter.." sabi ko at tumingin sa kawalan.

Section mabini (Horror) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon