First shot

446 16 3
                                    

Cyan's POV

(Lalaki po si Cyan.)

Gabi na. masyadong delikado umuwi ang mga ibang estudyante. at ang mas masaklap pa, umuulan ng malakas. ito kasi ang pinakamalakas na bagyo sa buong mundo. bagyong Yolanda.

Huli na kasi nilang sinabi na walang pasok. ito ba naman kasing principal ng eskwela, nakikita na nga niyang halos lumipad na ang mga bubong. pero sa awa ng diyos, agad naman siyang pumayag na isusupend muna ang klase sa buong levels.

"Cyan, hindi ka pa'ba uuwi?" tanong ni Edga habang binubuksan ang kanyang payong. andito ako ngayon sa classroom. ang iba, nagsisiuwian na. habang ako, eto lang.

"Ah. hinde. mauna ka'na. kailangan ko kasi tapusin ang report namin sa chemistry. alam mo na, dun kasi ang pinakamas mababang grade ko. kaya dapat akong bumawi don." mukhang hindi naman siya nakuntento sa sagot ko.

"Ano ka'ba, delikado na oh! tara, idadaan kita sa bahay ninyo! tutal may kotse naman dala ang papa ko. baka tataas ang tubig dito. at isa pa, hindi ka naman siguro bibigyan ng mababang grade ni ma'am chemistry." sabi ni Edga.

Napakamot ako ng batok.

"Okay lang talaga ako, Edga. sige, mauna ka'na. kaya ko na dito." sabi ko.

"Sigurado ka? mukhang ikaw nalang kasi ang maiiwan dito. okay lang talaga, Cyan. ihahatid ka naman namin sa bahay ninyo eh." pangungulit ni Edga.

"Sigurado ako, Edga. okay lang ako dito. malapit ko naman ito matapos eh. tapos uuwi na agad ako." sabi ko.

"O s-sige. itext mo nalang ako pag kailangan mo ng tulong or nakauwi ka'na." nag-aalala niyang sabi at umalis na.

Napa-iling nalang ako. bakit ba ang kulit kulit ni Edga? sinabi ko na nga na ayaw ko diba? haist. mga tao talaga ngayon oh! nakakainis. at ngayon, ako pa 'tong nakokonsensya!

Hindi ko nalang pinansin at itinuloy ang report ko sa Chemistry. hapon palang pero pagtignan mo sa labas parang gabing-gabi na. ang sama talaga ng panahon. may thunder pa. ang ingay, di ako makapag-concentrate!

"Argh!" napamura ako at tumayo para silipin ang bintana. napaisip ako. sana sumunod nalang ako kay Edga. pasaway talaga ako.

*Tok tok*

May kumatok sa pinto kaya agad akong napalingon. i sighed.

"Edga? naman on! kailan mo ba ako titigilan?! ang sabi ko nga sayo, ayaw kong sumama!" sigaw ko. pero walang tao pagbukas ko ng pinto. malakas na hangin ang sumalubong sakin.

"E-edga? wag mo nga akong gaguhin! hindi ito nakakatuwa! tayo nalang dalawa ang nandito kaya wag ka'na makipag biruan!" sigaw ko sa labas ng hallway.

Agad nagbukas-sindi ang mga ilaw. hanggang sa classroom at sa hallway. agad akong nakaramdam ng takot.

"E-edga?! tangna, wag ngayon!" sigaw ko ulit.

Edga calling..

"Hello?! Edga?! ano bang kalokohan ito, ha?! hindi nakakatawa!"

[Huh? anong pinagsasabi mo, Cyan? tumawag ako para sabihin sayo na nag-aalala na ang magulang mo sayo. pumunta pa sila dito sa bahay namin para malaman kung andito ka sa bahay ko.]

Tangina!

Napalunok ako, "Nasaan ka'na, Edga?"

[Ako? nasa bahay na. ikaw? umuwi ka'na nga, Cyan! nakita mo na nga na umuulan ng malakas, ngayon ka'pa gagawa ng report?! sa susunod mo na 'yan gawin! nag-aalala na ang mga magulang mo!]

"Oo sige, uuwi na."

[C-cyan? may k-kasama ka b-ba d-diyan?] nagulat ako sa sinabi ni Edga.

"Wala. bakit?"

[Umuwi ka'na! natatakot na'ko para sayo! may naririnig akong kung ano.]

"Ha?! ano? hindi ko marinig! hello----"

binabaan niya ako ng tawag. FVVCKKKKK!

pagbaba ko ng tawag, agad namatay ang mga ilaw. kaya agad kong binuksan ang flashlight ko sa cellphone.

"Laro tayo.." bulong sa may tenga ko. SHit.

"Mamamatay kayo! mamamatay ako! mamamatay tayong lahat!" fvck! napahawak nalang ako sa tenga sa lakas ng mga sigaw.

agad bumukas ang mga ilaw at tumambad sakin ang nakakatakot na mukha ng isang babae.

Malaki ang kanyang mata at madugo o sunog ito. nakakatakot!

at dahil dun, nawalan na'ko ng malay...

----

Talaga ba ang multo ang pumapatay?

O di kaya'y...

May pumapatay mismo sa classroom nila?

Alamin.. by voting and commenting in this story!

Section mabini (Horror) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon