Guys, it's been a year na siguro eh. I'm so sorry ewan ko kung may magbabasa pa ba neto pero ipupush ko parin to.
I love you all x :***
Here's my update.
Jhosh's POV
"Edga, wag pasaway! hindi ka pa nga daw pwedeng umalis ng bahay hangga't hindi ka okay," suway ko sakanya at pinaupo ulit siya sa kama. ang kulit, e.
"M-mamamatay tayo!" sabi niya at biglang sumigaw. I can see that she's scared. naging ganito siya for the past twenty-four hours. ang sabi ng doctor, na mini trauma daw siya. at kailangan ilayo ang mga bagay na nakakapag aalala sakanya sa nangyari.
"Hindi tayo mamamatay, okay? relax. just get back to sleep. are you hungry?" I asked with my husky voice. hanggang ngayon kasi, puro tungkol sa "patay" o "multo" lang ang nababanggit niya sa 'kin. she still can't talk normally.
"Iho, lumalalim na ang gabi. pwede ka nang umuwi. kami na ang mag-aalaga sa anak namin," sabi ni Tita sa likod ko. she's Edga's mother. nasa likod rin niya ang tatay ni Edga.
"Tita, I can handle her po. can I stay? or kahit sa sofa nalang ako matutulog," sabi ko sakanila.
"Tutal may tiwala kami sayo, o sya, dun ka nalang sa sofa matutulog. mahirap na, babae ang anak namin," sabi ni Tito. I smiled.
"Yes, thank you po.."
"Salamat nga pala sa pag-dala kay Edga sa ospital, ha? malaki ang utang na loob namin sayo, Jhosh. hindi ko akalaing may magandang loob ka pala," sabi ni Tita at umupo sa tabi ko. tinapik naman ni Tito ang balikat ko.
"Kung wala kang magawa sa bahay ninyo, you are free to stay here hanggang kailan mo gusto. may guest room kami rito kaya pwede ka 'don," napangiti ako sa sinabi ni Tito.
"Thank you, po. my parents are both abroad.." I said. pareho silang tumango.
"Nabalitaan ko raw na hindi ka talaga sa section nila Edga. lumipat kalang daw. may I know why?" tanong ni Tita.
"Because I wanted to protect your daughter. tila may kung anong meron sakanya na hindi ko maintindihan. but I promise, i'll protect her forever," sabi ko.
"Maaasahan namin 'yan," nakangiting sagot ni Tita. sinuklian ko rin siya ng ngiti.
"Sige iho, doon na kami. basta tawagin mo lang kami kapag may problema," aniya. tumango nalang ako.
Napatingin ako kay Edga na ngayon ay natutulog na. she must be really tired. hindi niya deserve ang mga nangyayari sakanya ngayon. sana ako nalang, not her.
--
Nagising ako dahil sa sikat ng araw. tumayo ako at nakitang wala si Edga sa kama niya. agad akong kinabahan at tumakbo papuntang CR para icheck. agad ko itong binuksan.
"Oh, Jhosh? nagmamadali ka ata? gusto mo bang maunang mag shower sakin? tutal may pasok pa tayo, oh." aniya na parang wala lng sakanya ang pagka trauma niya.
"Are you okay?"
"Oo naman. bakit hindi? may problema ba?" nagtataka niyang tanong.
"Edga.."
"Jhosh, may problema ba? kasi kung hindi, mauuna na akong maligo." sabi niya.
"W-wala. I was just asking kung okay na ba ang pakiramdam mo.." sabi ko at bahagyang ngumiti. sinuklian niya rin naman ako ng ngiti.
"Okay sige. i'll go ahead." sabi niya kaya tumango nalang ako at hinayaan siyang pumasok ng banyo ulit.
Nagmamadali akong bumaba ng hagdan para sabihin kanila Tita at Tito na okay na ang anak nila. it's actually really weird. na-trauma siya and now she's fine? nakakapagtataka lang. but still, I'm thankful that she's fine now.
"Okay na po si Edga.." pagsisimula ko at nginitian ko pa sila Tita.
Pero nanlaki ang mga mata ko kasi pag harap niya ay mukha ni Charise ang nakita ko. sunog ito at nakakatakot.
Umiling siya at ngumiti sa'kin. tinaas ni Charise ang kanyang kamay at tinuro ang kwarto ni Edga sa taas.
"H-hindi siya iyon.." ngiti ni charisse habang tinuturo parin doon sa taas.
Kahit natatakot na'ko, I want to talk to her. ask her kung ano pa ang gusto niya samin. kung bakit at sino ang pumatay sakanya.
"C-charise, anong pa ba ang kailangan mo?" lakas loob kong tanong.
"Sino ang pumapatay sa section ninyo? natin?" dagdag ko pa.
"Hindi kita ganon kakilala pero even just a fucking clue, please?! how to stop this sh*t? bestfriend ka ni Edga!" I shouted.
"Kwarto... pulang kwarto...." nakita kong umiyak si Charisse at tuluyan ng nag laho.
"Iho?"
Bumalik ako sa katotohanan ng magsalita si Tito. "nakikinig ka ba sa sinasabi namin?"
"Hayaan mo na honey. baka pagod lang. kulang ng tulog tong bata na 'to sa kakabantay kay Edga. Iho, mabuti pa umuwi ka nalang muna ngayon. bumalik ka lang anytime." nakangiting sabi ni Tita.
"Salamat po. p-paki sabi nalang kay Edga aalis na po ako. naliligo pa siya." ngiti kong sabi. tumango sila at tuluyan na akong umalis.
Pulang room? where the f*ck can I find a f*cking red room?!
While I'm on my way to school, hindi ko tuloy naiwasan isipin, pati sarili ko dinadamay ko dito. pero para sakanya, lahat kakayanin ko kahit mahirap.
"Bakit ba kasi yun? ang sabi ko ituloy mo! ituloy! bakit ba kasi yun? bakit ba kasi?" nagulat ako ng makita si Cyan na nag-uusap.
akala ko ito ay may earphones at may kausap pero laking gulat ko na wala. sino ang kausap niya? sarili niya? sh*t.
f*ck.
nakakatakot man isipin pero wala nga talaga siyang kausap kundi parang sinasabihan niya ang kanyang sarili.
Is he okay?
"Bro.." halos mapatalon ako sa gulat ng biglang lumingon sakin si Cyan. seryoso ang mukha niya.
"b-bro? anong ginagawa mo dito sa labas? diba may pasok?" I asked. para mawala ang kaba.
"Wag kana maraming tanong. pumasok kana." sabi niya at ngumiti.
pero yung ngiting yun...
creepy.
isang nakakakilabot na ngiti...
-
Vote vote vote! mwah guys <3
BINABASA MO ANG
Section mabini (Horror)
Terrorika nga nila, once you say "yes", you can never say "no" again. ganoon rin sa klase nila. Once nasa section mabini ka na, kahit anong kawala mo, hinding hindi mo matatakasan ang sumpa. at ang mas malala, sunod sunod kayong namamatay. so, are you re...