Chapter 12

120 6 4
                                    

a/n: wala talaga ako sa mood para mag-update ngayon. pero dahil mahal ko kayo, eto na po.

(di ko muna gagawan ng POV si Edga since wala pa siya sa sarili.)

Chrisha's POV

Hi, do you know me? I'm Chrisha Wu. at ako talaga ang mean girl dito sa school. pero wala akong alipores tulad nang mga binabasa niyong watty stories. but believe me or not, never pa akong nainlove.

But now, Oo.. patay na patay na 'ko sakanya. I never felt this way before.. at ang mas masaklap pa, inagaw sa'kin ng isang babae. at siya ang babaeng ayaw na ayaw ko. like duh, palagi nalang siya ang pabida-bida sa buong klase!

I should have my title! ako lang dapat ang pinakamas sikat sa buong campus! and usap-usapan narin na mag ka M.U na sila ni Cyan! yes, gusto ko si Cyan. he's so hot! tapos mayaman pa. then aagawin niya? NO. ang landi landi ni Edga!

I hate her!

Then I tried getting Cyan from Edga. eh ang tigas tigas nilang dalawa! dati dati ayaw na ayaw naman ni Cyan kay Edga, ah? then bakit ngayon... I mean... after yung sunod sunod may namamatay samin, parang mas naging close sila. see? ang landi ni Edga, diba?

"Chrisha, nakikinig ka ba?!" I went back to normal when Xena shouted at me. like duh, wala pang nakakasigaw sa 'kin ng ganito! this is what I hate about them!

Ginayuma ba sila ni Edga? bakit kamping-kampi silang lahat sa babaeng malandi na iyon?! nakakainis!

"Don't you dare shout at me! aalis na 'ko! nakaka walang gana rito! ang baho baho!" sigaw ko at hinigit ang bag ko para lumabas na.

I tried moving-on kay Cyan. tanggap ko na kung sila na talaga o hindi! tapos I fell inlove with Jhosh Ramos na taga ibang section! araw araw ko siyang sinusubukang kausapin!

Pero mas lalo akong sumaya nung pumalit siya sa section namin. siguro ay nagandahan siya sa 'kin. I know that kind of boys.. they're dying just to see me.

Pero anong nangyari? umepekto nanaman ang paglalandi ni Edga Villamor! napaka walang hiya! ang landi talaga. ang kati kati. nakakainis. tapos ngayon, pagalit galit siya kay Cyan porke't may bago na siya!

"Hey," napalingon ako sa nagsalita. it's him.

"Cyan, why are you here? hinahanap ka nila don kanina," pagsisinungaling ko. you know, ayokong isipin niya na nilalandi ko siya.

"Hindi mo 'ko madadaan sa acting skills mo," he laughed then sat beside me. nasa quadrangle kami ngayon nakaupo sa bench. see? he likes me. at masaya ako don.

Maybe na realize niya na mas maganda ako kay Edga, diba?

"I was just kidding. what's up?" sabi ko at hinawakan ang dibdib niya. agad naman niya hinawi 'yon kaya nawala ang ngiti sa mga labi ko.

"May nakalimutan pala ako sa computer lab. pwede mo ba akong samahan?" seryosong seryoso siya sa bawa't pananalita niya.

I knew it. gusto niya na may mangyari samin! hindi naman ako pakipot eh. bibigyan ko lang sakanya 'yan. syempre, pa hard to get pa to. kunyare may naiwan, ganon.

"Sure," malambing kong sabi at hinawakan ang braso niya. sabay kaming naglakad sa hallway.

It's class time at wala ang prof namin kaya free time narin. and the other students are busy sa kanilang klase kaya we can do it.

Napangiti ako. I'm excited. ano ka ngayon, Edga?

Nung pumasok kami, madilim ang computer lab. nagtaka nga rin ako eh.

Hinila niya ako papasok at sinarado ang pinto.

"Cyan, why is it so dark---"

"Mas maganda kung wala kang makikita," sabi niya at tumawa ng bahagya.

"W-what do you mean by that?" I asked while holding his cheeks. so he likes dark, huh? pagbibigyan ko naman siya. napangiti ako.

"I like you... gustong gusto kita.." bulong niya. napangiti ako. see? he likes me.. walang wala ang ganda ni Edga sakin.

He was whispering at my ears. I smiled and hold his chest.

"Masaya ka na? hindi mo pa nga ako pinapatapos.... I really like you as i've said.... gustong gusto kita.........

......Patayin."

Matigas niyang sabi kaya nanlaki ang mga mata ko.

At tuluyang nandilim ang mga paningin ko.

Vote & Comment!

Section mabini (Horror) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon