KYLA'S POV
"Kainis talaga yang Ac na yan! Akala niya maaagaw niya saakin si Lucky?!? No way! Uunahan ko na siya"
AC'S POV
"Ac! Tara na baka malate pa tayo!" Nagmamadaling sigaw sakin ni Andrea "Ito na!" At nagmamadali naman akong tumakbo papunta sa kanya
LUCKY'S POV
"Ac pwede ka ba mamaya? Labas naman tayo yung tayong dalawa lang may sasabihin ako sayo eh"
Aaminin ko na kay Ac ang aking nararamdaman para sa kanya! "Pre kinakabahan ako" Sabi ko kay Jk "Ngayon ka pa ba kakabahan? Kaya mo yan! Susuportahan ka namin ni Harry! Diba Harry?" Sabi ni Jk "Oo naman basta pag kailangan mo kami text ka lang!" Sabi naman ni Harry "Salamat Jk at Harry! Hayaan niyo babawi ako sainyo!" Sagot ko naman sa kanila.
KYLA'S POV
"Bes ano na plano mo ngayon?" Tanong sakin ni Gigi "Basta tignan niyo nalang gagawin ko" Sabay ngumisi ako sa kanila ni Nikka.
Nagkasalubong kami ni Lucky at sakto may dala akong mga libro kaya binangga ko siya. Nalaglag yung mga librong hawak ako at tinulungan niya akong pumulot nito.
"Ok ka lang?" Nag aalalang tanong sakin ni Lucky "Ah oo ok lang ako, salamat sa pagtulong sakin sa pagpulot ng mga libro ah" Sagot ko sa kanya "Wala yun" Sagot ni Lucky at hinalikan ko siya sa lips dahil nakita kong paparating si Ac!
"A-ah s-sige m-mauna na ako" Pautal utal niyang sagot at hinabol niya si Ac dahil bigla nalang itong tumakbo pagkakita niya samin
AC'S POV
Naglalakad kami nila Andrea at Hailee ng nakita kong hinalikan ni Kyla si Lucky sa lips! Agad akong tumakbo dahil hindi ko na napigilan ang luha ko na pumatak.
Umuwi nalang ako at pumasok agad sa kwarto. Hindi ko alam ang gagawin ko ang sakit! Nakakainis talaga yang Kyla na yan eh! Bakit ba niya inaagaw sakin si Lucky?!? At tsaka sa lips pa niya talaga hinalikan si Lucky eh pwede naman sa pisnge! Urghh!! Nakakainis talaga!
Sa wakas nakapag update din ako! Sorry po kung maikli! Sorry din po kung late na ako nag update! Sana magustuhan niyo!
BINABASA MO ANG
Strangers
FanfictionNagsimula ang lahat ng si Lucky at Ac ay unang nagkita sa kanilang school. Saan kaya sila dadalhin ng tadhana? Magkakatuluyan kaya sila o hanggang STRANGERS nalang sila?