Lucky's POV
Pupunta ako ngayon sa bahay nila Ac para sunduin siya dahil mamamasyal kami kagaya ng pangako ko.
Pagdating ko sa bahay nila Ac ay sinalubong ako ng Nanay niya at pinapasok muna dahil naghahanda pa daw si Ac.
Pina upo muna ako ng Nanay ni Ac at nag cellphone muna ako habang hinihintay si Ac.
Pag baba ni Ac ay nagulat ako sa ganda niya. Parang nag slow motion ang lahat habang siya ay pababa sa kanilang hagdan.
Pinakain kami ng Nanay ni Ac ng paborito ni Ac na pancakes. Kitang kita sa mukha niya ang saya dahil ngayon nalang siya ulit nakakain nito.
Pag tapos naming kumain ay umalis na kami. Sumakay kami ng kotse at agad ko siyang dinala sa lagi naming pinupuntahan pag tapos ng school.
Pumunta kami sa Mall. Ito ang lagi naming tambayan dati.
"Ac naaalala mo pa ba to?"
"Naaalala mo pa ba nung pumunta tayo dito?"
"Yung pumunta tayong foodcourt? Tapos palagi kitang nililibre sa McDo kasi ayaw mong gumastos!"
"Ah oo naaalala ko. HAHAHA!"
Natawa nalang kami parehas habang inaalala lahat ng masayang alaala namin dun.
Kumain kami sa McDo at syempre libre ko padin siya!
Pag tapos naming kumain ay pumunta naman kami sa School.
Malapit lang naman ang Mall sa school namin. Walking distance lang.
Pag dating namin sa school ay tumakbo siya sa loob.
"Lucky bilis! Namiss ko dito!" Sabi niya habang hinihingal dahil sa kanyang pagtakbo.
Agad ko siyang pinuntahan at hinila niya ako papuntang room.
"Grabeee! Sobrang nakakamiss itong lugar na to!"
Habang nililibot niya ang classroom ay nakatitig lang ako sa kanya.
Sobrang saya ko. Sobrang saya ko dahil nakikita ko na ang saya saya niya. Yung mga ngiti niya, hayyy ang sarap niya lang titigan.
At madami pa kaming pinuntahan. Hanggang sa malapit nang maggabi.
Pauwi na kami. Naglakad nalang kami dahil gusto lang niya.
Habang naglalakad kami ay bigla siyang nagsalita.
"Lucky, thank you. Thank you so much! I appreciate it so much!"
"Walang anuman. Para sayo, kahit ano ok lang! Yan ang palagi mong tatandaan."
Tumahimik kami bigla.
And then I decided to break the silence.
"Ac....."
At bigla siyang tumingin sakin.
"I love you."
Nagulat siya sa sinabi ko.
"Lucky...."
Sabi niya at parang malungkot siya.
Nagulat ako ng bigla niyang sinabi...
"I love you too."
"What?!? Is that true?? Mahal mo din ako?"
"Gusto mo bawiin ko?"
Sabi niya habang natatawa.
"Syempre hindi! Myghad! Dahil diyan, pwede na ba kitang ligawan?"
"Oo naman." Sagot niya sakin.
"OHMYGHAD! YESSS! THANK YOU LORD!"
"YASSS! I LOVE YOU SO MUCH ANDREE CAMILLE BONIFACIO!"
"Uyy easy! Pinayagan palang kitang manligaw. Hindi pa tayo!"
Sagot niya habang siya ay natatawa.
"Alam ko. Pero syempre dun narin mapupunta yun!"
"Maybe so, maybe not, we'll see." Tanging sagot niya.
At patuloy na kaming naglakad pauwi.
*2 years later
"Mahal! Ang tagal mo naman? Malalate tayo sa movie niyan eh."
"Ito na mahal!" Sagot niya habang siya ay pababa ng hagdan.
"WOW." Tanging nasabi ko sa sobrang ganda niya.
"Jusko tara na nga!" Sabi niya sa akin at pumunta na kami ng sine.
1 year ago sinagot na ako ni Ac at 1st anniversary namin kaya magdadate kami ngayon. Hayy ang saya ko dahil hinei ko aakalain na tatagal kami. Kasi palagi kaming nag aaway dahil palagi ko siyang inaasar pero akalain mo nga naman at 1 year na kami.
At yan na nga ang finale! Maraming salamat po sa lahat ng nagbasa ng story ko! Sorry din kung matagal akong mag upadate kasi masyadong busy sa school. Sana po nagustuhan niyo yung story!
BINABASA MO ANG
Strangers
FanfictionNagsimula ang lahat ng si Lucky at Ac ay unang nagkita sa kanilang school. Saan kaya sila dadalhin ng tadhana? Magkakatuluyan kaya sila o hanggang STRANGERS nalang sila?