Chapter 15

111 6 1
                                    

Lucky's POV

"Ac! Buti gising ka na! Saglit lang at tatawagin ko ang doktor." Sabi ko sakanya at lumabas ako para hanapin ang doktor.

-----------------------

Gumagaling na si Ac. Unti unti ay bumabalik na ang kanyang lakas.

"Ac, nakausap namin ng Nanay mo ang doktor. Sabi niya ay after 1 week pwede ka na daw lumabas ng ospital at umuwi!" Sabi ko kay Ac at nakita ko ang kanyang reaksyon. Sobrang saya niya.

"Sa wakas makakalabas na ako dito! Ang boring kaya dito!" Sabi niya sa akin habang tumatawa.

Tinititigan ko lang siya. Ang saya ko dahil nakikita ko siyang masaya. Nakakamiss dahil ngayon nalang siya ulit tumawa at naging masaya ng ganto.

*After 1 week

Ac's POV

"Lucky! Sa wakas makakalabas na ako dito! Paglabas natin ipasyal mo ako ah? Namiss ko na kasi ang labas eh!" Sabi ko sakanya

"Oo naman. Ipapasyal kita sa mga dati nating pinupuntahan!" Sagot naman niya.

Habang inaayos ng Nanay ko ang mga damit ko ay nagkukwentuhan lang kami ni Lucky.

At nang matapos na nga mag ayos ang aking Nanay ay umalis na kami sa ospital.

Pag uwi namin sa bahay ay pinakain muna kami ni Nanay at umuwi na si Lucky.

"Ac, bukas nalang kita ipapasyal ah? Gabi na kasi eh. Pangako ipapasyal kita bukas kahit saan mo gusto! Bye na!" Pag papaalam ni Lucky sa akin.

"Sige pangako yan ah! Pag di mo ako pinasyal bukas lagot ka sakin!" Sagot ko naman sakanya habang parehas kaming natawa.

"Sige pangako! Aalis na ako, bye!" Sagot niya ulit

"Bye." Sabi ko naman at umalis na nga siya.

Maya maya ay pumunta na ako sa kwarto at chineck ko ang cellphone ko.

"Hayy! Ang dami ko ng hindi alam ah! Ang dami na palang nangyari!" Sabi ko sa sarili ko habang nag fe-facebook.

At biglang nagchat sakin si Lucky.

"Ac! Gabi na ah! Bakit online ka pa? Di ka pa ba matutulog? Maaga pa naman kitang susunduin at mamamasyal pa tayo." Chat niya sakin.

"Ayy, actually matutulog na ako tinignan ko lang saglit yung facebook ko! Ang dami na palang nangyari habang nasa ospital ko!" Reply ko naman.

"Ah oo! Pero dapat magpahinga ka na talaga. Sige na goodnight! Sweet dreams!" Reply niya.

"Oo ito na! Matutulog na nga! Goodnight! Sweet dreams!" Reply ko sakanya at natulog na nga ako.

Ok guys! Sa wakas nakapag update din! Hanggang diyan na muna! Tsaka guys yung next chapter ay ang last chapter! So sana magustuhan niyo yung finale!


StrangersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon