Chapter 11

137 17 3
                                    

Lucky's POV

Hindi ko talaga alam ang gagawin ko! Ayokong masaktan si Ac dahil mahal ko siya! Lalayuan ko nalang si Kyla para hindi masaktan ang mahal ko.


*Kinabukasan


Napaka aga kong gumising para pumasok sa school dahil kailangan kong makausap si Ac at mag sosorry ako sa kanya.


Pagpasok ko hinintay ko si Ac sa gate ngunit ilang minuto na ang nakakaraan ay wala parin siya.

"Hala malapit na magsimula ang klase! Bakit wala pa si Ac?" Bulong ko habang hinihintay si Ac.

Pumasok na ako sa aming room dahil magsisimula na ang klase. Bakas sa aking mukha ang lungkot dahil hindi pumasok si Ac.

"Okay lang kaya siya? Baka may sakit siya! O kaya may nangyari sa kanyang masama!" Naku ano ba 'tong pinagsasabi ko! "Wag ka ngang mag isip ng ganyan!" Bulong ko sa aking sarili

*Uwian


"Uwian na! Pupuntahan ko muna si Ac sa kanilang bahay baka ano na ang nangyari sa kanya!" At pumunta na ako sa kanilang bahay.

Nang makarating ako sa kanilang bahay, agad akong kumatok at binuksan ito ng kanyang nanay.

"Magandang umaga po! Andyan po ba si Ac?" Bungad ko at shmagot naman ang kanyang nanay "Ikaw ba si Lucky? Andoon siya sa kanyang kwarto, ayaw ngang lumabas eh." "Sige po puntahan ko nalang po siya." Sabi ko at pumayag naman ang kanyang nanay.

Pagdating ko sa kanyang kwarto ay bukas ito kaya pumasok ako sa loob. "Uhm... Hi Ac!" Pagbati ko sa kanya at hindi siya umimik.

Nilapitan ko siya at paglapit ko... "AC!!!!" Napasigaw ako ng sobrang lakas sa nakita ko.



Ano kaya ang nangyari kay Ac? Abangan sa susunod na chapter! Sana po nagustuhan niyo!

StrangersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon