Ryan's P.O.V
"Psst!! Kiana" ang sabi ko. Naka-dorm lang kasi kami ni Kiana at room mates pa kami. Ito kasing si Kiana ang mantika matulog.
"Hmm..anong oras na ba?" Sabi ni Kiana ng paantok antok pa. Hayss kelan ba tong babae na to matututong magising ng maaga?
"8:30 na late ka na!" Oh yan..para magising naman ng onti.
"Hah?? 8:30 na lagot late tayo! Ikaw rin kaya dali!!" Sabi niya pang nagmamadali. Tingnan mo. Buti na lang walang orasan dito sa loob ng kwarto namin.
"Oy wala akong klase ngayon!" Hahaha meron naman ako talagang klase trip ko lang manira ng umaga.
"Hahh?? Edi ako lang papasok mag-isa? Di bale na malapit lang naman sige ligo na ako!" Dali dali niyang pagtakbo. Natapilok nga siya ehh.
"Oh? Okay ka lang? Yan kasi ang late mo magising...Hoy! Masipag ako kaya ako ganun ano. At tiyaka ok lang ako. Basta strut and pose lang!
Hayy nako. Makaligo na nga rin hehehe. Pero sana di siya maoffend o mainis after this. Hayyss.
*After 30 minutes*
"Oh Ryan! Nakabihis ka ah? Akala ko di ka pupunta ng school?" Sabi ni Kiana. Hayy nako. Besides mantika si Kiana uto uto rin siya hehehe.
"Huh? Wala akong sinabi na di ako papasok ah!" Hehehehe. Uto uto, uto uto.
"Meron kaya!" Haha defensive.
"Wala. Sabi ko di ako papasok ng MAAGA pero on time."
"Eh anong on time? 9:00 na kaya!" Hahaha revelation in 3..2..1..
"Hoy Inday, tingnan mo kaya yung wall clock. 7:30 pa lang. Haha joke ko lang yun para magising ka ng maaga. Uto uto ka kasi ehh." Sabi ko ng patawa. Tawa lang talaga ako ng tawa. Dapat nakita niyo yung mukha niya. Parang ewan na namumula.
"Why you!!!!!"
"What you gonna do about it huh?"
Di siya sumagot. Kundi tumalikod at dumiretso sa kusina. "Huy! Ano? Tampo si Inday?" Wala pa rin. Dire-diretso lang siya hanggang sa makarating siya sa lababo at naghugas ng kamay.
"Uyy ano na? Sorry na Inday." Sabi ko. Oo na. Aaminin ko nagsisisi na ako.
Biglang...'splak!'
Nabasa ako. Nabasa yung mukha ko ng sobra at medyo nabasa rin ng konti yung uniform ko. Anak ng pating naman...alam na ngang papunta ng school eh! Good grooming nga diba?
"And sorry rin sayo Manong! Ginusto mo ehh, gustuhin mo. Minahal mo ako eh, tanggapin mo! Hahahaha" tawa tawa pa siya. Kain na nga lang ako. Tayo na idamay ko na siya baka mas mabaliw pa.
"Halika na nga! Kain na tayo! Baliw ka na ehh."
"Baliw daw eh ikaw nga diyan..." Ay wow ha. Maganti si Inday.
"Halika na nga Inday ehh kain na tayo." Kulit ko sa kaniya. Pareho kaming makulit that's why.
"Manong, wala pang naghanda ng pagkain. Magluto na tayo ng mabilis at in 30 minutes time na sa school."
"Hayy Inday, kaya labss kita ehh"
~~~~~~~~~~~~
Haii guys! Hope you like the story. Alam ko ang tawagan nila parang weird. Inday at Manong. Pero cuteee :))). Please patuloy niyong subaybayan dahil madami pang exciting things ang mangyayari soo..yeah!! Alam ko parang ang saya saya nila pero yung description ng story malungkot. Don't worry, the time will come. For now, good vibes muna hehe.
Let's do the drill: Follow me :)), comment, vote, and share. Thanks :))
Xx_Miz
BINABASA MO ANG
Bakit?
Teen FictionMahal ko siya, mahal niya ko. Kaso nga lang magkaiba ang aming reputasyon. Ako si Kiana Anne Dela Cruz. Certified heartthrob, certified smart-ass, and certified loyal. At least alam ko sa sarili ko na loyal ako. Meet my boyfriend, Kyle Ryan Crisosto...