Part 12

234 1 0
                                    

"Let's order na Kyle?" Sabi ko. Jusme baka mag war freak pa ako dito just because katabing table lang namin yung si Ryan and KARINA. That's right people. Pinagpalit ako para kay Karina. Or rather, pinagpalit ko siya? I don't know anymore.

"Ah sige, I'll call the waiter." Sabi ni Kyle.

"WAITER PLEASE."

"WAITER PLEASE."

Sabay na pagbikas ni Ryan at Kyle. Nakatinginan silang dalawa pero wala namang masamang koneksyon. In fact, si Ryan lang ata yung nakatingin ng masama kay Kyle. Tinignan ako ni Ryan na para bang nandidiri and then he looked away? Tss. Jealous much?

"Yes Sir?" Lumapit yung waiter kay Kyle. Humirit naman tong si Ryan. Ugh.

"Sir, ako po nauna, fyi." Saad ni Ryan sa waiter. Sus kala mo kung sino.

"Sorry Sir, pero nauna po siya eh. Kanina pa po siya naghihintay. This is a come in first, serve first basis Sir." Sagot ng waiter kay Ryan. Come in first, serve first??

"Anong klaseng basis, basis yan ha?! Stupid!" Sabi ni Ryan sa waiter. Maka-stupid ah. Eh ano tawag sa kanya?

"I demand to know why you are freaking out like an idiot in this very store of MINE." Ooooh. Lakas maka-mine ni Kyle! That's my future boy! Hehe joking.

"Yours?? Walang sayo dito Kyle! Gags! Di naman sayo itong store na to eh. Ayan parating na yung owner nang shop sa pintuan tignan natin ah!" Sagot ni Ryan kay Kyle. Aba.

"Hi anak, how are you." Bati ng Tatay ni Kyle which happened to be the owner of the shop. Tss, Ryan. "Is this your date? Haha. Hi, young lady, what's your name?" Tanong sa akin ng Tatay ni Kyle.

"Umm, I'm Kiana po." Maikli kong sagot. Ngumiti lang siya sa akin at umakyat na sa kanyang office.

"So, what's your excuse Ryan? Tss." Sabi ko kay Ryan ng naiinis. Sinamaan lang kami ni Ryan ng tingin at bumalik na sa kanyang girlfriend. Buti hindi na nakisali yung girlfriend niya. At palaban na pala si Ryan ngayon, hays nasaktan nga naman.

"Sorry sa abala Kiana ah, yang Ryan na yan kasi. Yabang yabang. Palagi yang andito sa store eh palaging nagmamaktol sa mga workers dito. Naaawa na nga ako eh. Buti di pa siya banned." Sabi ni Kyle na halatang galit na galit.

"Nga pala, paano mo kilala si Ryan?" Dagdag niya. Gusto ko sanang sabihin na 'he's my ex' pero wag na. Let's not get personal here first.

"Uh, ka-batch ko siya and inside the school mayabang din siya. He's very popular kasi." Sagot ko kay Ryan. Eh totoo naman, Simula nung naging popular si Ryan kala niya siya na yung hari, bait-baitan nga eh, tss. Kaasar. Pero sa ibang tao ang sama niya. Plano ko nga ipabagsak yan eh. Teka, pwede naman diba? Ooooh. Good plan. Pababagsakin ko yang Ryan na yan hanggang sa marealize niya na nagkamali siya ng ginulo.

"Kyle, do you want revenge against...Ryan? Nagtatanong lang. Kasi ako, gustong gusto ko." Saad ko kay Kyle..with encouragement! Siyempre ayaw ko naman na ako lang ano.

"Well, anything for you. So what do we do?" At nagtinginan kami ni Kyle ng seryoso. Kakilig haha jk.

Bakit?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon