Part 9

288 9 2
                                    

Kiana's P.O.V

Papunta na sana ako sa garden..kaso may trail of roses akong nakita. Ang bango. Sobra. Tapos yun pa yung favorite kind of rose na nakapaligid sa floor. Yung pink roses. Super fav ko yun eh. Teka? Baka naman ito yung trail papunta sa back garden? Ah..baka hinanda ni Ryan. Sundan ko na nga lang.

Sinundan ko naman at idinala naman ako nito sa back garden. Nakahanda na ang lahat ah. Kaso. Napatigil ako kasi parang may red carpet na nakalatag sa floor...pagkaapak ko sa red carpet may music na nagplay..

Matagal tagal din..nawalan ng gana..pinagmamasdan ang..dumaraan..lagi na lang matigas..ang yoong...sabik na may maramdaman..di ka man bago sa paningin..palihim kang nasa yakap ko't lambing..sa bawat pagtago..di mapigilan ang bigkas ng damdamin..

Walang sagot..sa tanong..kung bakit ka mahalaga..walang papantay sayo..walang sagot sa tanong..kung bakit ka mahalaga..walang papantay sayo..maging sino man sila..

Yung kanta...kanta namin yun eh. Napaluha tuloy ako ng konti pero agad ko naman itong pinunas nung makita ko si Ryan. Gusto ko sanang maging cold. Here it goes.

"What do you want and why are you here?" Sabi ko. Eh, cold nga.

"Gusto ko sanang makipagusap with you?...and also apologize..and say something important." Important? Wow. Marriage?! De jk lang hehe. Pero ano kaya? Sige na nga lang makikipagusap na lang ako.

"Sige. I'll give you 15 minutes to talk with me. I have other important things to do." At umupo na lang ako. Walang pagkain, nubayan. Food is life pa naman huhu.

"Um..Kiana. Sorry sa lahat ah. Sorry talaga. I'll make it up to you and I promise na hindi na to mauulit pa. I promise...the chix that you saw on the paper..it was nothing. Eh, lam mo naman minsan mahilig ako magshortcut eh. Chix is for chicken at nagkataong mga babae ang nakaassign dun..at eto na nga paparating na yung chicken." May mga babae na nagdala ng pagkain. Oh, sila nga. Pagkatingin ko sa plato ko..chicken curry! Favorite ko.

"Ah ok." Yun lang nasabi ko.

"Inday, tingin ka sa akin.." Wait..so if nalaman ng iba na gagawa siya ng date for us..nalaman na din ng iba na kami?! Hindi pwede!

"No! Manong! No! Nalaman na ng iba na tayo! Nalaman na nila na I have a boyfriend like you! An ugly, non-sporty, nerdy outcast like you! Hindi pwede! Masisira reputation ko!" Nakita ko na lamang na tumutulo ang luha sa mga mata niya..

"Ganun ba tingin mo sa akin? Ganun ba talaga? Bakit ganun? Wala naman silang comment about sa ginawa ko for you. Kinikilig pa nga sila eh. And you really thought about your reputation over me?.." Sobrang galit na ko kay Ryan hindi ko na alam kung ano pa ang mailalabas ko.

"Oo! Parang ganun na nga! Yung reputation ko! Sirang sira na!" Hindi ko na talaga alam sinasabi ko sa sobrang galit at napapaluha na lang ako.

"Ah?! Kung ganun mas mabuti pa magbreak na lang tayo....its over Kiana..goodbye the love of my life...I'll miss you..pero di ako ang nawalan. Ikaw ang nawalan. Nawalan ng taong nagmamahal sayo ng totoo.." Tapos umalis na si Ryan with his final words...break na kami. No more Inday and Manong...

Feeling ko guguho na Mundo ko. Naalala ko nga pala na ako ang nagalit pero siya ang nakipag-break. Hindi ko naman alam na mahahantong sa ganito eh. Gusto ko lang naman na hindi masira reputation ko. Pero tama nga siya. Mas pinili ko yung reputation ko over my love for him. Wag siyang mag alala dahil makakahanap din ako ng iba na mas better sa kanya. Ah, ganyan pala ah. Hmp!

~~~~~~~~~~~

Hello! Sana nagustuhan niyooo. May bago nga pala akong libro na I think magugustuhan niyo. Ang title ay "Lalaki Ang Gusto Ko". At sa ngayon ay may sinosponsor po ako. Siya po ay si TheMaskedWriter0123. Seventeen fan po siya. Di ko po alam kung ano yung Seventeen na sinasabi niya eh. HAHAHA. Pero kung Seventeen fan ka po or may kilala kang Seventeen fan, I advice you to read her book entitled "Once Upon A Time" oh pak English! Hahahaha sige. Mauna na ko, may lakad pa ako eh HAHAHA jk lang. Sana suportahan niyo pa ako sa next chapters ng librong ito at suportahan niyo din po yung isa ko pang libro at yung kaibigan ko. Salamat! Lav yaaa!

_SuperStar_

Bakit?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon