Part 13

359 3 2
                                    

"So first things first, may importante akong sasabihin. Na makakatulong siya sa plan natin, actually. Wag ka mabibigla pls." Sabi ko na kinakabahan. Ano kaya ang gagawin niya once na malaman niya na THE RYAN CRISOSTOMO was my ex boyfriend. Hayst.

"Sure, anything. Anything for you." Sabay smile. Ihh! Ang cutie niya.

"Well, ex ko si Ryan." Tapos tinignan ko siya ng seryoso. Alam ko naman na huhusgahan niya ako because of this.

"Ano ka ba, alam ko na yun hahaha. Nandun ako nung nag sorry si Ryan sayo. Isa ako dun sa mga nanood. Isa din ako dun sa naka-witness na nagalit ka ng lubos kay Ryan. Pero okay lang yun, baka siguro nangyari yun kasi di talaga kayo itinadhana. You know what I'm saying? Hahaha." Aw, ang bait pala ni Kyle. Dati din naman pero, hindi ko inexpect na ganito na pala siya kabait. Di ko din inexpect na ANG CUTE PALA NG TAWA NIYA! Hehe. Everything about him is cute. Ang ganda ng mata niya, ang kapal ng labi niya, in a good way siyempre. Tapos ang ganda ng pagkakaayos ng buhok niya. Tapos ang cute cute ng face niya. Tapos ang tangkad niya. Tapos ang tapang niya. Tapos ang bait niya. Oh diba! All in One package na itong si Kyle. Nagbago na nga siya. At ako? Magbabago na din.

"Hello? Kiana?" Narealize ko na kanina pa pala ako nakatitig sa kanya. Narealize niya din siguro na kanina pa ako nakatitig sa kanya. Toingkz!

"Hehe sorry. Pero Kyle, kalimutan na lang muna natin si Ryan. Why don't we just be happy for a bit? Then we can go back for some revenge. Para you know, get to know each other. Hehe. Okay lang ba?" Saad ko na medyo kinakabahan. Ewan ko ba, palagi akong kinakabahan pag kasama ko si Kyle.

"Oo naman! That's a great idea. Para hindi tayo maging nega agad, diba? You know I really like you, Kiana." Nagblush ako pero di ko pinahalata hehe. Grabe talaga tong si Kyle! Pampaganda ng araw!

"Ah hehe sige, kain na tayo." Nako kinakabahan na naman ako.

*Pagkatapos kumain*

"Oh siya, mauna na ako ha? May lakad pa kasi ako with Kim eh, sige bye!"

"Bye cutie!" Tapos hinalikan niya ako sa pisngi. Yiiee! Nagbublush naman si acoe. Hahahaha. Napatulala ako ng ilang segundo tapos kumuha na ako ng taxi pauwi.

~~~~~~~~~~~~

Pagdating ko sa bahay ay agad nang andun si Kim. Naabutan ko siyang kumakain at umiinom ng juice. Pinakain siguro siya ni Mama.

"Uy Kiana! Buti at nakabalik ka na. May importante akong sasabihin sayo. Halika." At hinila niya ako papunta sa kwarto ko.

"Ano naman ang sasabihin mo?" Tanong ko sa kanya pagkadating agad sa kwarto.

"Eh kasi gusto ko lang ipaalam sayo ang isang bagay na hindi ko alam kung ikatutuwa mo or ikalulungkot mo or ikagagalit mo." Ano naman kaya iyon? Ilang minuto ding hindi siya nakasalita at nakatingin lang sa kamay niya.

"Ano ba kasi yun, Kim?" Tanong ko sa kanya. Nasususpense na kasi ako.

"Kiana...may gusto ako kay Ryan." Sabi niya.

Hindi ko na alam kung ano pang mararamdaman ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 14, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bakit?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon