Pagkatapos ko gumawa ng homework kahapon natulog ako kaagad. Sobrang sakit na kasi ng mata ko. Tambakan ba naman ng homework. Hays. Pero okay lang, Saturday na ngayon kaya may SaturDATE ako. Naisipan ni Kim na makipag-meet up daw ako kay Kyle. Hindi naman pwedeng maging mag-bf and gf kami kung di pa namin nakikita mukha namin diba? Pero itext ko muna siya. You know, first impressions.
You have 1 text from an unknown number
Ay nako wala akong pake kung unknown number yan. Basta kung text, text. Kung scam yan, edi shing.
From: 0998*******
Hi! Ako nga pala si Kyle. Excited na kasi kitang makita eh, when ka ba free today? Maybe lunch? Mga 12:30. Dun lang sa tapat ng school na resto. Yung Cranium.
A/N: kay Karen Nicole F. Oco ko po nakuha ang resto na Cranium. Yo wazzup gurl! Haha.
Hala nag text na agad si Kyle. Excited na daw siyang makita ako. Loko loko din pala to hahaha. I think we will get along fine. Mukhang mabait naman, generous, and kind-hearted. First impressions ay di niya ako ever sasaktan. But those are just first impressions. Narealize ko na 11 am na pala and in 1 and a half hour may date na ako with Kyle.
Agad akong naligo pero siyempre I made sure na mabango ako, kasi nga diba, first impressions hehe. Nahirapan akong pumili ng damit. Ang dami ko kasing damit pero di ako masyadong fashionista. My simplicity is also my beauty. Naisipan ko na lang tawagan si Kim dahil siya naman mahilig sa mga ganito eh.
"Hello Kim? I need your help."
"Oh gurl, bakit ka napatawag? What help ba?"
"Fashion help."
"Haha, you really called the right person. So ang isusuot mo ay.."
++++++++++
It is now 12:00 pm kaya dali dali akong kumuha ng taxi. Kasi naman tong si Kim eh ang tagal tagal magdecide, pero maganda naman yung ipinasuot niya sa akin.
Pagkapasok ko sa Taxi umarangkada na si Manong kaagad. Pero hindi pa nakakalipas ang 5 minuto, stuck in traffic na kami kaagad. You see Pilipinas? Dahil lang sa lintik na traffic araw-araw na de-delay ang scheds ng mga mamamayang Pilipino. Ugh.
Tumaas ng tumaas yung bill ko sa Taxi dahil lang sa traffic na to. Kalahati na ako sa destinasyon ko pero ang bill ko 450.75 pesos na agad. Eh halos mga 3 km lang naman ang bahay ko dun sa resto na Cranium. Kasi tapat lang din yun ng school namin.
"Manong, malapit na ba dito yung Cranium?" Tanong ko sa taxi driver. Nagmamadali na talaga kasi ako. 12:45 na at baka pagka 1pm iwanan na ako ni Kyle.
"Yes ma'am. Dun sa may kanto na yun kakaliwa na po tayo tapos diretso hanggang sa dulo, tapos kanan po." Sabi ni Manong. Nahahalata na din ni Manong na nagmamadali ako, pero salamat sa pag explain niya medyo guminhawa na ako.
15 minuto na ang nakalipas at nakarating na din ako sa destinasyon ko. Yikes, 1pm na. Baka iniwanan na ako nun. Hays, iiwanan na lang ba talaga ako palagi?
Hinanap ko si Kyle pero ang daming tao sa loob ng Cranium, plus di ko pa alam kung ano mukha ni Kyle. Never seen him before. Bigla namang nagring yung phone ko.
Kyle calling
Omg, baka nakita na niya ako.
"Hello Kyle?"
"Uy Kiana, nakikita na kita, diretso ka lang dun sa may malapit sa counter tapos malapit dun may table. Tignan mo kung sino yung lalaking nakatingin sayo kasi I'm sure di mo pa alam mukha ko. Hehe."
"Ah sige sige. Don't hang up muna."
Dumeretso na ako dun sa may counter and I saw a guy looking at me with his phone held up to his ear.
OMG.
I did not see a Kyle that I don't know, pero nakita ko yung Kyle na kilala ko na dati pa.
Yung ka-MU ko nung 1st year of High School.
Madaming nagbago sa kanya. Dati gwapo siya, pero ngayon MAS gwapo na. As usual, ang ganda ganda pa din ng mga mata niya. Dati matangkad siya, pero over the years mas tumangkad ako sa kanya eh, but now, OMG, his height matches perfectly with his face and body. And his skin complexion, mygosh, kayumanggi pero yung talagang Pilipino yung kulay. Pwede mo na siyang ihambing kay Daniel Padilla, but without the eye bags hehe. But still, I love you Daniel, hope you will be happy with Kathryn. :) woah, na-off topic ako haha. So yun nga, pwede mo na siyang ihambing kay Daniel Padilla.
Nakatitig lang ako sa kanya, at nakatitig lang din siya sa akin. Our eyes met, and it met for about like a minute or two. Naweird out na ako kaya umupo na ako sa table at nagsalita.
"So Kyle, ikaw pala yan. The Kyle I've known since High School haha." Wala siya masabi kundi ngumiti. Nag-ngitian lang kami magdamag. Okay na sana pero biglang may dumating.
Si Ryan with his no goody two shoes girlfriend.
"Table for two please" sabi ni Ryan dun sa waiter. Tinuro naman nung waiter yung table na bakante sa tabi namin.
Oh, this is war.
BINABASA MO ANG
Bakit?
Roman pour AdolescentsMahal ko siya, mahal niya ko. Kaso nga lang magkaiba ang aming reputasyon. Ako si Kiana Anne Dela Cruz. Certified heartthrob, certified smart-ass, and certified loyal. At least alam ko sa sarili ko na loyal ako. Meet my boyfriend, Kyle Ryan Crisosto...