Tagalog or English | Korean 사랑해 |
Ang nakaraan sa Courting Oh Sehun...
"VIRGIN PA AKO!!!"
***
"Wala naman kaming sinabi na hindi ah." si Higanteng budoy.
"At wala kaming balak kunin yun sa'yo." si Xiumin
"Ako meron." si Negro.
Binatukan nila si Negro. Kawawa naman ang kalahi ko.
Binasa ko ulit yung nakasulat sa paper.
Things to accomplished to win Oh Sehun's heart:
1. Give him flowers.
2. Give him chocolates.
3. Do something he'll never forget.
4. Be the Aegyo Princess.
5. Protect him.
6. Make him smile.
7.Teach him how to read "S"
8. Make him miss you.
9. Be his first kiss.
10. Make him cry.
11. Sacrificed for him.
"Di na kayo makatao, sobra naman 'to. Para niyo na ring sinabi na nagiging heart ang shape ng mundo. Sa cute kong ito mangliligaw ako? No way."
"Yan lang ang option mo para di ka makulong." si Kuya Girl
"Ganito na ba kapangit ang kaibigan niyo kaya nagrerecruit kayo ng manliligaw sa kanya?"
Isip muna kaunti.
"Actually, pag naging babae siya, mas maganda pa siya sa'yo." si KuyaGirl
"Maganda naman pala eh, ba't di mo ligawan. Teka, may naisip ako."
"Ano?" si Eyeliner
"Sa halip na ako ang manligaw o kung ano man. Si Seoshin Kim na lang. Pinsan ko yun at dito siya nagtatrabaho. Ako na bahala sa mga pinsala na magagawa niya. Mas matino siya sa akin ng 1 second lang naman. Hindi yun makakatakas sa inyo, matindi ang pangangailangan nun sa buhay."
Nagmukha atang pulubi ang pinsan ko. Sorry.
"Hindi pwede. Hindi naman si Seoshin ang nagsimula ng gulo." si Mr. Eyebags na hinarangan ako.
"Alam ko kase kayo ang nagsimula. Maawa na kayo please."
"Hindi pwede si Seoshin kase..." si Lakimats.
"Kase... wala siyang pag-asa sa kaibigan niyo?"
"Oo ay hindi maliban pa dun." si KuyaGirl
"Kase mas maganda ako sa kanya."
"Walang maganda sa inyong dalawa." si Eyeliner.
"Cute kase ako."
"To be honest, wag kang mabibigla." si KuyaGirl
"Ano yun? Mahal mo na ako? I love you too." mabilis kong sagot.
"Tangeks, isa si Seoshin sa nagpakana ng lahat ng ito. Sa tingin mo, sa paggamit mo lang ng arinola namin jackpot ka kaagad? Syempre, may source kami about you." si KuyaGirl
"Lahat?" tinalo ng laki ng mata ko ang mata ni Lakimats.
"Ewan ko lang dun sa arinola part." si KuyaGirl
Biglang may bumukas ng pinto.
"Shishi, nandito ka lang pala. Akala ko bumalik ka na sa kagubatan kung saan ka galing. Kanina pa kita hinahanap."
Sinampal ko siya at sinabunutan.
Joke lang.
"Seoshin, tulungan mo naman ako. Wag mo ng bayaran ang mga utang mo sa akin, itakas mo lang ako. Ipapakulong daw nila ako tapos naman ngayon ipapaligaw nila ako." turo ko sa mga gwapong anghel.
"Ipapaligaw?" sabay pa silang lahat.
"Sounds like. Manliligaw daw ako. Di ko nga kilala yung ipapaligaw nila sa akin eh, ano sila swerte? Ikung-fu kids mo nga sila!"
"Shishi.." si Seoshin.
"Wag mong sabihin na kasama ka sa plano nila." pacrying-ladies na ako.
"Ako ang mastermind, Shishi." pag-amin ni Seoshin.
"Wag ka namang magjoke, Seoshin."
"Hindi ako nagjojoke, Shishi."
"NAGSUMPAAN ANG NANAY MO AT ANG NANAY KO. ANG TATAY KO AT ANG TATAY MO. ANG ASO NIYO AT ANG ASO NAMIN. ANG CHISMOSANG KAPITBAHAY NIYO AT CHISMOSANG KAPITBAHAY NAMIN. ANG BAKOD NIYO AT ANG BAKOD NAMIN --." itutuloy ko pa dapat ng biglaang umextra si Seoshin.
"Wala kayong bakod."
"Wala rin naman kayong bakod. bleh"
"Halata ba?" si Seoshin
"Hindi."
"Ay hindi ba? sorry. AYAW KO. Ano halata na ba?" tinapik niya ako.
Aray ha.
"Shishi, ano ba ang gusto mo?"
"Ang paalisin niyo ako at magbabutterfly-butterfly na ako."
"Umayos ka nga, ano gusto mo ang makulong o ang manligaw sa isang poging tao?"
POGI ba ang narinig ko? Pogi is the right term. Basta pogi walang atrasan. Fight! Fight! Win! Win! Win!
"Pwede bang pag-isipan ko muna?"
"Bilisan mo lang ha. Hindi kami bampira na tulad ni PapaEdward Cullen na habangbuhay ay bata at buhay. Pakibilisan ang paggamit sa utak." si Seoshin.
"Kung makukulong ako, sayang ang cuteness ko. Paano na ang pagiging Ms. Universe ko? Pero kung.." huminto ako for more drama effect.
"YES!!!" rinig kong sigaw nila.
"Pagnanligaw naman ako, kahihiyan yun sa family natin. Everyone will laugh at me." Napa-english ako dun.
Ano kaya ang pipiliin ko?
KULUNGAN
O
KANDUNGAN
Edi ABANGAN.
BINABASA MO ANG
Courting Oh Sehun [EXO FANFIC]
FanfictionSuntukan tayo sa kanto kung madali manligaw kay Oh Sehun ng EXO. Copyright ©. All right reserved 2013.