Tumayo ang mga balahibo ko, ngayon ko lang narinig ang boses na yun ah. Ngayon nga lang ba? Parang narinig ko na yun kanina ah basta.
"Shishi?!!" sigaw nilang lahat.
"Teka lang, kalma mga beybeh. Ngayon lang nakakita ng maganda?" tas nagpose siya nung pangmodel. Nakakadiri lang tignan hay.
"Akala ko tumino na siya." Bulong ng isa sa mga hyung ko.
"Maraming namamatay sa maling akala." Sagot naman ng isa sa kanila. Pustahan si Tao yung nagsabi nun *insert pogi sign*
"Pag tumino yan, hindi na yan si Shishi. " sabat naman ng isang alien
Tumango naman ang iba kong mga hyung kasama na rin si Seoshin, yung mga mukhang inosenteng nauto ganun. "Ay oo nga no."
Inihanda ko na ang aking paawa face. Pipilitin kong itago ang bratty sehun sa aking katawan. Pinaparusahan na nila siguro ako kase sobrang pogi ko tas natatabunan ko na sila, sabi na eh kasalanan talaga ang maging gwapo. Habangbuhay na akong makukulong nito, wawa naman sehunnie.
"Mga hyung, paalisin niyo na yan dito. Ako na maglilinis, maghuhugas ng pinggan, maglalaba ng mga brief niyo-" bigla namang sumabat si Kai. Kahit kailan talaga papansin yang nognog na yan, lungkot tuloy ako.
"Maglalaba ng brief namin? Hindi mo nga malabhan yung sa iyo eh." Tignan ko siya ng masama.
Nagpeace sign siya. "He he he joke lang sehunnie, ikaw naman di mabiro eh."
Sa sobrang inis ko sa kanya dinala ko siya sa kusina at tinusta ng buhay joke. "Maawa na kayo mga hyung, wag niyo siyang papalapitin sa akin. Very good naman ako ah." With matching pacute pa.
Bigla naman akong inakbayan ni Luhan. "Kaya nga nandito si Shishi sa harap mo dahil magsisilbi siyang reward dahil good boy ka."
Uutuin pa ako ng matandang 'to eh kung sabunutan ko kaya siya, asar ha. "Ba't yang bata pa na yan yung reward ko? Pwede naman yung mas sexy ah hindi yung tatlo yung likod." Eh kung si Miranda Kerr my loves na lang edi sana pinaghahalikan ko pa ang mga paa nila. Sexy sexy nung loves ko no? hihihi kilig ako.
Kumunot naman ang mga noo nila sa sinabi ko. "Tatlo likod? Ha? Di ko gets." Naguguluhang sabi ni Seoshin.
"Flat chested saka walang pwet edi tatlo likod niya." Sabi ko sabay turo dun sa batang na may tatlong likod na sasaeng. Pandak pa nga eh, di ko na dinagdag baka masaktan pa eh.
Nagtawanan naman silang lahat sa sinabi ko. Yung totoo, clown ba ang position ko sa kwentong ito? Naaasar na ako hmp.
"Tatlo pala likod mo, Shishi eh." Pang-aasar ni Seoshin dun sa pinsan niya.
Lalong lumakas ang tawa ni Luhan. "Ang lakas naman magsalita ng mas flat kay Shishi." Sani ni Luhan hyung habang umiiling.
"Kung makapagsalita naman yung iba diyan parang nakita na niya yun akin." Sabi ni Seoshin na merong smirk sa mukha.
"Tigilan niyo nga yang asaran niyo, agaw eksena kayo eh." paninita ni Kris. Ayan huli tuloy kayo, epal sa story ko eh layas nga shoo.
" Isipin niyo naman yung mga pinagsamahan natin. Huwag niyo naman ako ipagkanuno sa isang pader huhuhu. Xiumin, ipagtanggol mo naman ako oh. Lay, mabait ka sa akin di ba? Help me. Tao, magkaibigan naman tayo kahit sinasabihan kita na panget ka. Huwag kang mag-alala di na kita sasabihan nun kahit yun yung totoo." Naluluha na sabi ko.
Anong klaseng pagmamakaawa ba ang gusto nila? Kailangan ko ba lumuhod, humiga o kaya naman magpagulong-gulong? Magpasagasa kaya ako para di na nila ako ibigay dun sa bata.
BINABASA MO ANG
Courting Oh Sehun [EXO FANFIC]
أدب الهواةSuntukan tayo sa kanto kung madali manligaw kay Oh Sehun ng EXO. Copyright ©. All right reserved 2013.