Isa akong babae pero di isang ordinaryong babae. Bakit? Nakakatawa mang isipin, nanliligaw ako sa isang lalaki. Umaga man o gabi, naligo man siya o hindi, patuloy pa rin ang panliligaw ko sa kanya. Ano bang magagawa ko? Ganun ko siya kamahal eh. Pagtawanan man ng maraming tao, sipain man ng kabayo, siya pa rin ang tinitibok ng puso ko. At ako heto, umaasa na isang araw ay sagutin niya ako.
Para di sayang kuryente niyo at mafeel niyo yung kwento ko, paki-play nung multimedia. Baka gusto niyo ako pa magplay niyan para sa inyo. Hahaha.
"Uy, tawag ka daw." sabi nung pinsan ko.
"Kitang nagdradrama ako eh. Tawag nino?" asar kung sabi
"Ni Loverboy. Hahaha."
"Wag mo nga akong lokohin. Kilala kita."
"Totoo na'to, sa may fountain daw. He'll wait for you, sige ka baka magbago isip nun."
Kinuha ko yung salamin ko.
"Maganda na ba ako? Maayos ba ang buhok ko? May muta ba ako o ano?" pag-aayos ko sa sarili ko.
"Asus. Lumalandi si Ateng. Oo na, maganda ka na. Go!"
Hay, ito na ang araw na pinakahihintay ko. Ang araw na makakamit ko ang matamis niyang OO. Ang corni man, Hahaha. Nagdadalaga eh.
Pumunta ako sa may fountain at nagswimming dun. Joke lang. Nandun na siya.
Hala. Baka ilang oras na siyang naghihintay sa akin.
Lalapit na dapat ako sa kanya nang gumalaw siya. At nakita kong may kasama siyang iba. Ibang babae.
"Hah- ba't naman ako magseselos, di pa nga niya ako sinasagot." sinabi ko sa sarili ko.
Baka nagkamali lang ng rinig yung pinsan ko. Aalis na dapat ako nang biglang magsalita yung babaeng kasama niya.
"Tapatin mo nga ako, gusto mo ba talaga ako o hindi?"
Lakas fighting spirit ni Girl. Nagtago ako sa may halaman para marinig ang kanilang usapan.
"Ano di ka ba sasagot?" hinampas-hampas siya nung babae.
"Maganda ka at sexy.." sagot ni Loverboy.
Lumaki yung mata ko
O___________________O
"Tapos?" niyakap siya nung babae.
"Maganda at sexy ang mga qualities na hinahanap ko sa isang babae."
Tumingin ako sa sarili ko. Awts, ang taba ko. Huhuhu. Kinuha ko yung salamin ko, tiningnan ko yung mukha ko. Wala ako kumpara sa beauty niya.
"Maganda nga ako at sexy pero di naman ako yung gusto mo. Narinig ko na ipinapatawag mo yung babaeng nanliligaw sa'yo. Sasagutin mo na siya di ba?"
Tumawa si Loverboy.
"Nagjojoke ka ba? Kung oo, pwes bumenta ka. Hindi naman ako papatol sa isang aso. I didn't mean na aso as in btch pero aso as in yung sunod ng sunod na parang yaya. Yung panliligaw pa lang niya sa akin, pinakita lang niya na may future siyang maging yaya. And who knows? baka siya pa yung head. Wag kang mainsecure sa kanya, walang-wala siya kumpara sa'yo. Ginagamit ko lang siya. Masama bang maglaro muna? Don't cry, sssh." niyakap niya yung girl.
PAKPAKPAKPAKPAK! Ang sarap magbadfinger ngayon. Hoo, yaya? playmate? Wow. Akala ko ito yung araw na magiging sobrang saya ako yun pala, wow just wow. Mukhang di nagkamali ang pinsan ko na papuntahin ako dito.
Hindi ko na'to keri. Di ako ginawa ng nanay at tatay ko para lang paglaruan o pagtripan. Tumayo ako at aalis na pero nagsalita si Loverboy. Yuck.
"May narinig ka ba?" nakatalikod ako sa kanila.
"Wala." pakunwari kong sagot at nakatalikod pa rin ako.
"Wala pala siyang narinig eh. Wrong timing ka naman. You're supposed to hear everything. Gusto mo take two?" yung girl.
"Wag." sabi ni Loverboy. Yuck ulit.
"Bakit wag? Akala ko ba nakikipaglaro ka lang sa kanya. Oo, nakikip[aglaro lang siya sa'yo. Wake up my dear."
Nakatalikod pa rin ako sa kanila.
"Hey! Wag mo nga kaming talikuran. Wag kang bastos ha. Wag mong dibdibin okay?"
Humarap ako sa kanila.
"Sabi kase ng status ng bestfriend ko na kakaupdate lang niya kanina, wag daw dibdibin lahat, may likod daw para gamitin. Kaya ayun, yung MAGANDANG likod ko ang pinaharap ko sa inyo. VIP kayo ah, 7,000 ang talent fee ng likod ko." nakangiti ako sa kanila.
"Wow, at ang lakas mo pang magjoke ha. Smile really hides everything right?"
"And that goes the same with the two of you. Hindi lang ikaw ang marunong mag-english okay? Saka if I know, pang-close up ang smile ko kaya naiirita ka. Salamat kay Doctora Ewanko."
"Sorry.." nagsalita ang kriminal.
"Sorry for what?"
"Sorry. Lahat naman ginawa mo para mapaibig ako pero di ikaw ang gusto ng puso ko."
"Mapaibig? Ohno. Big word. Lust lang siguro yun. Ako dapat ang magsorry sa sarili ko dahil lust lang eh nagpakatanga ako agad. Ang pathetic ko. Pero wait, puso? Meron ka ba nun? I mean kayo nun? Naririnig mo ba yang mga sinasabi mo? Gusto mo bilhan ko kayo ng hearing aid?"
"Sorry. Makakalimutan mo din ako." at dahil dun umalis silang dalawa sa paningin ko.
At napaluha ako.
BINABASA MO ANG
Courting Oh Sehun [EXO FANFIC]
FanfictionSuntukan tayo sa kanto kung madali manligaw kay Oh Sehun ng EXO. Copyright ©. All right reserved 2013.