Oh 3 SAKIT SA PWET

523 9 0
                                    

Tagalog or English | Korean 사랑해 | 

Ang nakaraan sa Courting Oh Sehun...

Pagbaba namin sa lugar na yun, andaming tao. Bigayan ba ng relief goods at nakapila sila? Ba't andami nilang camera? Camera ba tawag dun eh parang telescope na eh. Wooow.

***

"Yung bunganga mo, masyado nang exposed." si Seoshin.

"Aysori." binalik ko na yung lower lip ko sa upper lip ko.

"Hanga ka 'no? Maganda talaga dito. Malapit lang dito yung bahay na sinasabi ko sa'yo."

"Ang galing mo talaga, Seoshin. Nagmana ka talaga sa akin."

"Magaling ako pero hindi galing sa'yo."

Pumunta kami dun sa may likod ng stage. Sasayaw ata kami eh.

"Seoshin, di mo naman sinabi sa akin."

"Na?" confused niyang sagot.

"Na artista na tayo. Di mo man lang ako nainformed. Ang pangit ko pa naman today but don't worry born to be a superstar ata ako."

Lumaki yung mata niya.

O________________O

"Dumadaloy talaga sa dugo natin ang pagiging asyumera." walang ka emo-emotion na sagot niya.

"So ibig mong sabihin?" Gets ko na siya. Hahahaha

"Oo! Akala ko di darating ang araw na 'to na magegets mo ako." nakangiti niyang sagot.

Syempre may schedule ang paggamit ko sa utak ko. "Trainee lang pala tayo. Okay lang, dadating din tayo dun."

Napa-facepalm siya. "Siguro nung nagpaulan ang langit ng katinuan, natutulog ka tapos nung kaengotan na, alive na alive ka at sinalo mo lahat. Manunuod ka lang. Ma-nu-nuod!" pasigaw niyang sabi.

Sakit naman nun sa heart. Lalaban pa dapat ako kaso nagrak en roll yung tyan ko.

"Seoshin, naano ako."

"Anong naano? Nakakalbo? Natatanga? Ano."

"Alam mo na yun." *hawak tyan*

"Di ko gets."

RATED SPG ANG SUSUNOD NA SASABIHIN. MAWALANG-GALANG NA SA MGA KUMAKAIN.

"NATATAE NA AKO!" bawas dignidad mga 1000%. Nagtinginan yung mga tao sa amin. Yeah, artista na ako.

"Anong gagawin ko? Huhugasan pwet mo? Saka pwede mo namang ibulong."

"Pwede mo ring hugasan if you want.  Ang slow mo kase kaya ayun naisigaw ko tuloy."

"Nagsalita ang di slow." pokerface niyang sagot.

"Saan ang CR?" mukhang ewan na tanong ko.

"Di ko alam."

"Nagtatrabaho ka dito tapos di mo alam? Niloloko mo ba ako? Maawa ka na sa akin." ang sakit na talaga ng butt ko eh.

Nagtinginan ulit yung mga tao. Puro na lang sila tingin ba't  hindi nila itry kausapin kami?

"Ang ingay mo talaga kahit kailan!" sermon sa akin ni Seoshin.

"Kung ayaw mong sabihin sa akin kung saan yung CR, ako na maghahanap. Che."

Paano kaya tatanggapin ng heaven si Seoshin sa sobrang bad niya sa akin. Tinatawag na nga ako ni Inang Kalikasan tapos keep calm pa rin siya. Tsk.

Makahanap na nga ng Cr. May nakita akong tent na parang bahay. Tawagin natin itong bahay-bahay.

"Buti na lang at may bahay-bahay dito. Kundi baka kung saan ko na lang ilalabas dito. teka, baka dito ako papatirahin ni Seoshin tas di magtatagal mapapansin ako nung entertainment ba yun? tas gagawin nila akong artista. Yehey."

Papasok na dapat ako sa bahay-bahay pero may humarang sa akin. 

"Saan ka pupunta?" 

"Magandang araw po sa inyo! Pinadala po ako ng langit para makakilala ng isang pangit. I mean sa bahay-bahay."

"Sino ka ba ha?" hinarap niya sa mukha ko yung malapad niya chest.

Tinulak ko yung chest niya papalayo sa mukha ko. "Manong, di porket malaki yang future mo eh magmamayabang ka na. That's bad. Don't worry kapag lumaki na yung ganyanan ko, magtutuos tayo."

"Loko ka pala eh!" sigaw ni ManongBoobs.

"Shishi po ang pangalan ko, di ko po kilala si Loko."

At may lumapit sa aming matanda. Nagbow sa kanya si Manong. Di ako tumingin dun sa matanda magdadial muna ako.

"Papasukin mo na siya." utos ni Lolo.

"Pero boss, wala po siyang I.D eh." 

"Di mo ba siya kilala? Staff siya dito."

"Sige pasok ka na.." matamlay na sagot ni ManongBoobs. Siguro malungkot siya kase di niya na ako makikita ulit. 

"Pagpalain po sana kayo." dumiretso na ako sa pagpasok sa bahay-bahay.

Teka, Asaan ba ang CR dito?

Tumingin ako sa left and right ko then tumawid, joke.

Aha! May arinola rin pala dito sa Korea. Akala ko sa Pinas lang. Nakasulat kase dun sa arinola namin sa bahay sa Pilipinas, MADE ONLY IN THE PHILIPPINES tas meron din pala dito. Sino kaya ang nagpirata ng arinola? Hay nako mamaya ko na lang iisipin yan.

Buti na lang at apo ako ni Josefa Llanes Escoda kaya may dala akong tissue at plastic na paglalagyan ng tissue. Mamaya ko na hahanapin yung CR dahil hindi ko na talaga kaya.

Habang nagmomoment ako with Arinoles, may nagbukas ng pinto. Hinila ko yung mga damit para matakpan ako. Panira moment talaga oh.

"Kris, tapos na ba yung pinapasulat ko sayo?"

"Malapit na. Tumulong ka kaya sa paggawa nito."

"Ako na nagbigay ng 1 at 2. Ang hirap isipin nun ah."

"Mahirap na ba yun sa lagay na yun?"

"Oo. Nagsearch pa ako sa internet para dun. Naka 1 hour ako nang paghahanap."

"It's lame."

"Edi ikaw na magaling manligaw."

Ang ingay naman nila. Nakikipasok na nga lang sila tas ang ingay pa nila. Natapos rin ako at nailabas ko na ang dapat ilabas. 

Inayos ko na ang sarili ko at ready to go na nang may kumuha ng damit. *nakashorts na po ako at may takip na si arinoles btw*

"Hyung, may tao sa damit!" sigaw nung negro.

[A/N: Tagalog or English | Korean 사랑해 | - Kung hindi niyo po ito gets ganto po yan.

Kapag hindi nakabold ibig sabihin tagalog  or english yung sinasabi 

Kapag nakabold letters naman ibig sabihin korean KUNWARI yung sinasabi hahahahahaha naexplain ko na,labyu!]

Courting Oh Sehun [EXO FANFIC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon