Oh 9 RAINBOW MAN

380 7 7
                                    

Tagalog or English | Korean 사랑해 | 

Ang nakaraan sa Courting Oh Sehun...

Aba mga loko pala talaga ang mga amo ni Seoshin, nahawa siguro sa kanya. Kawawa naman sila.

KUNG MAKAPAGPALAYAS SILA AKALA MO SILA ANG MAY-ARI EH, ALAM KO MAY ARI SILA PERO  NAGTATRABAHO LANG DIN SILA DUN. HAAAAAAY!

***

Paglabas ko ng tent, bumungad sa akin yung cr. Malapit lang pala siya sa tent di pa ako sinabihan edi sana hindi ako manliligaw ngayon. O baka naman nilipat ni Seoshin yung cr at binalik ulit dito? Haaaaaaaay! 

Pagkatapos kong mag i love you, goodbye kay chocolate hills at linisan ng unti *basa-basa keme, nilagay ko na si Arinoles sa libingan niya. Ang basurahan. Papalitan ko na lang siya. huehuehue

"Shishi!" bungad sa akin ni Seoshin.

"Ano ikaw naman ngayon ang natatae? Buti nga sa'yo." 

"Nag-diatabs ako. Saka tungkol dun sa bahay na sinasabi ko sa'yo, pupuntahan ba naten mamaya?"

"Pumunta ka mag-isa mo. Mamaya kasal na yang ialok mo sa akin. Wala kang awa." hinila ko siya at tinapon na din sa basurahan, joke.

"Galit ka pa rin ab sa akin, Shishi?"

"Hindi lang galit! Kinasusuklaman kita." nanahimik siya sa sinabi ko at umalis . 

Hala, kawawa naman yung pinsan ko. Nasobrahan ata ako.

"Shin! joke lang yun. Kahit ba ipapatay mo ako, okay lang sa akin. Pinsan kita eh and i love you. Ikaw lang ang natitira sa akin kaya ayaw kong mawala o magalit ka sa akin. I'm not kidding." isinigaw ko sa kanya. 

Totoo naman eh, pag nawala pa si Seoshin sa akin. Si Edward Cullen na lang ang nandyan para sa akin. hahahaha

"Shishi, sorry talaga ha. Kung gusto mo bawiin na natin yung kasunduan?" niyakap niya ako bigla.

"Nababaliw ka na ba? Itatry ko lang naman manligaw nothing else. Pag nainlove ako sa oh sen na yun katangahan ko na yun. Alam ko naman in the first place walang mangyayari. Kasalanan ko rin naman, papasok-pasok ako sa lugar na bawal." 

"Paano kung na set-up ka lang?" umiiyak siya.

"Hindi kasama sa set-up ang sumakit ang tyan ko. Hindi kasama ang pagbasa ko nung story hanggang madaling araw. Tadhana ang lahat. Wag ka ngang umiyak dyan, dapat ako yung umiiyak di ba? Iyak pa, sasampalin kita dyan." 

"Ang sama naman neto. Paiba-iba ka talaga ng ugali. Minsan tanga, minsan palengkera pero madalas maganda." nagtawanan kami.

"Sa dinami-dami ng pinsan ko, ikaw talaga ng pinakamatalino."

"Tayong 2 lang ang magpinsan sa pamilya."

"Ay oo nga pala. Yung tungkol sa bahay, kunin mo na."

"Ano?" pinunasan niya yung uhog niya.

"Rentahan mo na yung bahay. Bumili ka na rin ng tissue, nakadiri ka."

"Di mo pa nag nakikita, bibilhin agad natin."

"Beauty is in the eye of the beholder. Rerentahan lang hindi bibilhin."

"Sound like. Rerentahan talaga naten? Paano yung bahay mo?"

"Parang ayaw mo ata. Doon na naten papatirahin sila Tita at Tito saka gusto mo yung bahay di ba? Edi go."

"Buti na lang wala kang kapatid, Shishi"

Courting Oh Sehun [EXO FANFIC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon