-START-

Hindi ko alam kung bakit may mga tao pa rin na kayang manloko kahit na ibinigay na sa kanila ang lahat. Hindi ko alam kung bakit kailangan pa nilang humanap ng iba kung binusog mo naman sila ng pagmamahal mo.

Hindi ko maintindihan kung bakit ang kakapal ng mukha ng mga lalaking yan manloko. Ibinigay mo na lahat kahit wala ka ng itira sa sarili mo maging masaya lang sila pero kulang pa rin. Naghahanap pa rin ng iba.

Kesyo sawa na sila. Na nasasakal na sila. Na wala na raw spark yung relationshop. Minsan nanghihingi pa ng space yan.

Bwisit lang. Hindi naman sila astronaut. Kainis.

Okay lang sana kung pinagpalit ako ni Cloud sa ibang babae. para kahit papaano hindi ganun kagrabe yung sakit pero hindi.

SA KAIBIGAN KO PA.

Bukod sa nawala na siya sa akin, nawala na rin si Fortune sa akin. Hindi nila alam kung gaano kasakit yung pinagdadaanan ko ngayon. Hindi nila alam kung gaano kahirap sa akin na makita silang masaya samantalang ako eto, nagdudusa at naghihirap pa rin sa sakit na binigay nila.

Ang unfair eh. Bakit ako lang? Bakit ako lang yung nasasaktan? Bakit hindi man lang sila makonsensya sa panlolokong ginawa nila sa akin?

Hindi ko alam kung saan ako nagkulang. Hindi ko alam kung saan ako nagkamali para maagaw sa akin ni Fortune si Cloud kasi alam ko naman sa sarili ko na, binigay at binuhos ko lahat ng pagmamahal ko kay Cloud.

Hindi naman kami nag-aaway ng malala. Kaya paanong naagaw ni Fortune yung boyfriend ko? Wala naman kaming problema na dalawa eh.

Parang maniniwala na ata ako sa sinasabi sa akin ng iba ko pang kaibigan na malas ako sa lovelife. Na lahat na lang ng taong minamahal ko iniiwan ako.

Hindi naman kasi ito ang unang beses na niloko ako ng naging boyfriend ko. Marami pang nauna. Pero iba itong kay Cloud eh. Dahil nagtagal kami ng five years. Si Cloud na yung lagi kong kasama tuwing nag-iimagine ako tungkol sa future.

"Okay lang yan, Heart. Makaka move on ka rin." sabi sa akin ng katabi kong si Rain.

Hindi okay. Kasi sobrang sakit pa
"Sarap pektusan sa lungs ng Fortune na yan punyeta siya!" inis na inis na sabi ng nasa harap kong si Miracle. Malungkot lang akong ngumiti

"Hindi ako sanay, Heart." malungkot na sabi sa akin ni Rain.

Wala talaga ko sa mood magsalita.

"Sorry." sabi ko kaya niyakap ako bigla ni Rain.

"Nandito naman kasi ako. Ako na lang, Heart. Ako na lang mahalin mo." sabi ni Rain saka siya kumalas sa yakap niya sa akin.

Sana nga ganun kadali yun eh.

Pero hindi, inaamin ko naman na madali talagang mahalin si Rain. Nasa kanya na kasi ang lahat wala ka ng hahanapin pero mahal siya ni Miracle.

Gusto siya ng bestfriend ko kaya irerespeto ko.

Naisip rin kaya ni Fortune respetuhin yung mararamdaman ko nung inagaw niya si Cloud?

"Sadista ka ba, Rain?" poker face na tanong ni Miracle sa katabi kong si Rain.

"Tigilan mo ko, Miracle."

Aware kami pareho ni Miracle about sa feelings sa akin ni Rain pero hindi siya nagalit sa akin. Ni konting inggit wala siyang naramdaman. Hindi ko naman daw kasi kasalanan na ako yung nagustuhan ni Rain. Na ako yung napansin ng puso niya at hindi siya.

Pero sa lagay namin ni Fortune? Hindi ko magawang hindi magalit sa kanya. Hindi ko magawang hindi magtanim ng sama ng loob sa kanya. Kasi kami na ni Cloud bago pa niya naagaw.

Where Do Broken Hearts Go?Where stories live. Discover now