-PREGNANT-
[Gusto mong sampalin kita dyan, Heart?] mas lalo akong napasimangot sa sinabi ni Miracle
Tinawagan niya kasi ako para sabihin na hindi sila makakasama ni Rain. May lakad daw sila
"Wala na kong kakampi niyan pag wala kayo." pagmamaktol ko pa .
Hindi naman kasi alam nila Venus na wala na kami ni Cloud.
[Sus Heart! Ito na nga yung time mo para ipakita sa kanila na strong ka eh! Nako ipamukha mo kay Fortune na mas lamang ka sa kaniya!] sigaw na naman ni Miracle kaya inilayo ko na yung phone ko sa tenga ko.
"Alam mo namang nasasaktan pa rin ako pagnakikita ko silang magkasama." narinig ko ang pagbuntong hininga ni Miracle sa kabilang linya.
[I know , pero Heart hindi naman pwede na ikaw yung iiwasan. Kailangan mo ring matutunan kung pano ka gagalaw pag nandiyan sila. Heart hindi kasi habambuhay iiwas ka na lang.]
"Basta hindi pa rin ako pupunta!"
[Bakit ba ang tigas ng bungo mo, Heart? Nabubuhay lahat ng patay na buhok ko sayo eh.]"Okay na ko dito sa apartment."
[Tatanong ko kay Venus kung pumunta ka at pagnalaman kong hindi, tatanggalan kita ng kilay makita mo.]
"As if naman na kaya mo."
[Talagang kaya ko! Kung kay Spring nga nagawa ko yun sa sobrang inis ko eh.]
"Aish oo na oo na! Punta na. Maliligo na ko."
[Hahahaha. Sige bye! Ingat! Labyu.]
*toooooooot*
At tulad nga ng sinabi ni Miracle, pumunta kong mag-isa sa bahay ni Venus sinalubong naman ako ng iba.
Nilibot ko yung paningin ko para hanapin sila Cloud pero hindi pa ata sila dumadating.
"Asan si Ulap?" tanong agad sa akin ni Destiny.
"Ma at Pa." simpleng sagot ko.
"Ma at pa?" taka namang tanong ng boyfriend niyang si Winter.
"Malay ko at pakialam ko?" masungit kong sago kaya napa 'woah' sila.
"Mukhang nag-away kayo." sabi naman ni Spring na tinignan ko lang. Ayoko magsalita ng tungkol sa amin ni Cloud.
Hanggat maari hindi ko ipapakita sa kanila na apektado pa rin ako sa nangyari sa amin ni Cloud.
Kaibigan ko sila, ayoko na sirain tong mga gantong bonding namin dahil sa broken hearted ako.
"Kamusta Canada, Ven?" tanong ko na lang kay Venus.
"Ayun nakakapagod. Nakakaasar na kasi si Jupiter aba! Walang kwenta!"
"Kuya mo pa rin si Kuya Jupiter Venus." paalala naman ni Spring.
"Nakakabeastmode siya eh." nakangusong sabi ni Venus.
Si Venus, mula nung nakagraduate siya kinuha na siya ng parents niya para sa Canada na raw to tumira pero makulit si Venus kaya bumabalik siya para makasama kami. Hindi niya raw trip ang mga gusto ng mga babae sa Canada dahil pusong lalaki siya at walang panahon sa make up
Si Destiny, Siya yung pinaka maintriga samin. lumipat siya ng school dahil may nakaaway siya sa school namin kaya napilitang umalis.
Si Winter, siya yung boyfriend ni Destiny mula pa nung highschool minsan na lang din namin makita dahil parehas silang lumipat ni Destiny. Mahal niya kasi.
Si Spring, busy sya sa pagiging designer katulad ni Venus graduate na rin siya. Siya naman yung kabaliktaran ni Venus kasi pusong babae siya.
Si Storm, wala na kaming balita kay Storm. Huli na kasi nung nalaman namin na hiwalay na sila ng kaibigan kong si Fortune
YOU ARE READING
Where Do Broken Hearts Go?
Teen FictionSaan nga pupunta ang wasak na puso? Sa taong laging nandyan para sa kanya ngunit mahal ng kaibigan niya? Sa taong isa ring wasak ang puso ngunit kapatid niya ang dahilan? O sa taong wumasak ng puso niya at muling nagbabalik para buuin ito?