-GOODBYE HOPE-

*****

"Wag mo na munang hanapin yung Skyler na yun. Magpahinga ka muna. Sasamahan kita kaso hindi ngayon dahil hinahanap na ko ni Sunny." sabi sa akin ni Rain habang nakatingin sjya ng diretso sa mata ko.

"Oo, sige na. Umuwi ka na." napangiti siya saka niya kinurot yung pisngi ko.

"Ingat ka dito. I love you." sabi niya saka niya ko hinalikan sa pisngi at ayun! Tumakbo na palabas ng ospital.

Napailing na lang ako. Matigas ang ulo ko kaya hindi ako papayag na hindi ko sisimulan na hanapin ngayon si Skyler. Hindi rin naman kasi ako makakapagpahinga ng maayos lalo na't naiisip kong nahihirapan yung kapatid ko smanatalang ako, ito ang lakas lakas at walang iniinda maliban na lang sa sugat na iniwan ni Cloud at Fortune sa puso ko.

Hindi madaling maghilom ang ganun sugat.

Nung masigurado kong wala na si Rain agad na kong lumabas ng ospital pero hindi ko pa man din tuluyang naihahakbang yung paa ko palabas may tumawag na agad sa pangalan ko.

Hindi ko alam kung oa lang ba talaga yung puso kaya ganito siya magreact pero nung narinig ko ang boses ni Fortune parang nasaktan ako. Yung tinago kong sakit ng ilang linggo lumabas na naman.

"Bes Heart!" tawag niya ulit kaya nilingon ko na siya.

Kasama niya si Cloud. Magkawak kamay pa yung dalawa.

"Fortune." tawag ko rin sa kaniya. Dali-dali naman siyang lumapit sa akin kahit hirap na siyang maglakad dahil malaki na ang tiyan niya.

"Kamusta ka na bes?" kung makaarte siya ngayon parang walang namagitan sa amin.

Samantalang noon, halos ipamukha niya sa akin na mas mahal siya ni Cloud

"Magsisinungaling ako kung sasabihin kong okay lang ako." malungkot niya kong nginitian.

Madami siyang tinanong sa akin kaya sinagot ko na lang. Ayoko naman maging harsh sa kanila. Hindi na rin ako nagtanong ng about sa kanila dahil obvious naman na nandito sila para magpacheck up saka isa pa wala naman akong pakialam sa kanilang dalawa.

Mula nung niloko nila ako, nawalan na ko ng dahilan para pa mag-alala sa kanila.

"Sino ulit yung hinahanap mo?" natigil ako sa balak ko sanang paglalakad na paalis ng magsalita si Cloud.

Nanigas ata yung katawan ko dahil kinausap na niya ulit ako. Shit lang! May epekto pa rin pala siya.

"Si Skyler." sagot ko mg hindi nakatingin sa kaniya. Naikwento ko kasi sa kanila na hinahanap ko si Skyler.

"Skyler Salvador ba?" tanong niya ulit.

Salvador ba ang apelyido ni Skyler?

"Siya nga siguro yun, alam mo ba kung saan ko siya matatagpuan?" kahit hindi ako nakatingin nahagip ng mata ko yung pagkuha niya sa wallet niya ng isang... card?

"Ito ang calling card niya. Tawagin mo na lang. Kailangan na namaing mauna dahil hindi pwedeng ma-late sa check up si Fortune."

"Sige salamat." this time tumingin na ko sa mata niya at ngumiti. Ngiting hindi umavot sa mga mata ko.

"Bye bes!" paalam ni Fortune saka nila ko tinalikuran.

That word 'bes'. Aish! Tawagan ng mga plastik. Psh

Napatingin ako sa calling card na binigay sa akin ni Cloud..

Skyler Salvador

0909*******

Where Do Broken Hearts Go?Where stories live. Discover now