-HOSPITAL-

***

"Anak, magiging maayos rin ang lahat." sabi sa akin ni papa habang nakayakap siya kay mama na umiiyak din kagaya ko.

"Tama si tito, Heart. Magiging okay si Hope. She's strong." sabi naman ni Rain saka niya ko niyakap.

Malaki yung pasasalamat ko kay Rain ngayon. dahil kahit may sakit si Sunny ngayon pinuntahan niya pa rin ako. Kailangan na kailangan ko siya ngayon.

"K-kasi.." umiiyak lang talaga ko. Hindi ko maisip. Hindi ko alam kung bakit si Hope pa nagkaroon ng sakit sa puso e pwede namang ako.

"Hindi matutuwa si Hope pag nakita ka niyang umiiyak." sabi naman ni Rain saka niya pinunasan yung luha ko.

Ilang minuto pa kaming naghintay bago lumabas yung doktor na tumingin kay Hope.

"Kamusta na po yung anak ko?" tanong agad ni mama. Dali dali naman akong lumapit sa pwesto nila. Sana okay lang si Hope.

"She's fine." sabi ng doktor pero bakas sa mukha niya yung lungkot.

B-bakit?

"D-doc.."

"Kailangan na niyang sumailalim sa heart transplant. Masyado ng malala yung sakit niya. Mabuti nga at nadala siya agad kanina rito sa ospital dahil kung hindi baka hindi na namin siya nasurvive." malungkot na sabi ng doktor kaya napaiyak na naman ako.

Muntik na.. muntik ng mawala si Hope.

"Kailangan niyo ng humanap ng magdo-donate ng puso para sa kaniya. Dahil kung hindi yun magagawa within two months, Masasabi kong anim na buwan na lang ang itatagl ng buhay. Mauna na ako." parang nanghina yung tuhod ko sa sinabi ng doktor na yun.

Anim na buwan? Nababaliw na ba sila?!

Doktor sila diba?! Bakit hindi nila maisalba yung kapatid ko?! Napaka walang kwenta nila!

"Tahan na please Heart." patuloy lang si Rain sa pagpapatahan sa akin pero mas lalo lang akong naiiyak.

Hindi ko talaga lubos maisip na mawawala sa akin yung kapatid ko.

"Hindi--"

*BLANK*

--

Rain's POV
Nung tinawagan ako kanina ni Heart habang nasa bahay ako at kasalukuyang inaalagaan ng kapatid kong si Sunny, alam ko ng may masamang nangyari. Hindi tumatawag si Heart sa akin lalo na't kagagaling ko lang sa kanila.

Tapos nalaman kong isinigod nga sa ospital si Hope dahil inatake. Mabuti na lang at tulog non si Sunny kaya nakaalis ako at pinabantayan siya sa mga katulong. Mas kailangan ako ni Heart.

"HEART!" sigaw ni Tita ng bigla na lang mawalan ng malay si Heart sa mga bisig ko. Natataranta ako pero hindi ko na ipinahalat kanila tito. Ayoko na mas lalo pa silang magpanic.

Shit. Masyadong naapektuhan si Heart.

Dali dali namang lumapit sa amin yung nurse at dinala siya sa isang room dito.

Titig na titig lang ako kay Heart habang sinusuri siya ng doktor. Gusto kong ako ang una niyang makikita pag mulat niya. Hondi dapat siya nagpapagod. Fuck!

"Okay na ba siya? Kamusta na siya?" tanong ko agad nung matapos na siyang suruin ng doktor.

"She's fine. Nahimatay langvsiya dahil sa stress." pag tapos non lumaba sna yung doktor kaya napahinga na kami ng maluwag nila tito.

Hays. Heart hindi ko alam gagawin ko pag may nangyari masama sayo. Mahal na mahal kita.

"Tita, samahan niyo po muna si Hope sa kwarto niya ako na lang po muna bahala kay Heart." sabi ko kanila tita na sinang-ayunan naman nila.

Alam kong mas kailangan sila ngayon ng kapatid ni Heart.

"Salamat iho." sabi ni tito bago siya lumabas ng kwarto kung saan ngayon natutulog si Heart

"ANONG NANGYARI?! OMAYGAD! MALALA NA BA SIYA?! HEART! HEART!" napatingin ako sa pinto ng biglang pumasok roon si Miracle kasama si Spring.

Nagsisi tuloy akong tinext pa siya kanina. Ang ingay! Baka magising si Heart. Ngayon na nga lang makakapagpahinga ng maayos tong mahal ko.

"Manahimik ka nga muna. Nagpapahinga si Heart." irita kong sabi saka ko hinawakan yung kamay ni Heart saka hinalikan.

"Pahinga?! No! Bata pa ang bestfriend ko para magpahinga!" sigaw na naman niya saka niya niyugyog si Heart. Todo pigil naman si Spring.

"Ano ba! Hindi pa oras ni Heart!" Tinulak na ni Miracle si Spring kaya napaupo naman ang bakla.

Damn it. Ginugulo ng dalawang to si Heart.

"Will you please stop shouting?! Heart is fine. Natutulog lang siya." napatigil naman si Miracle sa pagyugyog kay Heart saka siya napaupo sa may couch.

"Shet! Kinabahan ako don! Makatext ka naman kasing Ulan ka! sakit mo sa bunbunan ha!"

"Hindi si Heart ang inatake. Si Hope. Nahimatay siya dahil sa stress. Hindi mo lang naintindihan ang tinext ko sayo." irita kong sabi. Napakaingay talaga niya!

"Calm down, Miracle."

"Anong calm down ka diyan, Spring?! Hindi mo kasi nabasa yung text nitong Ulan na to eh!"

"Hinila mo na lang ako basta papunta dito."

"So kasalanan ko pa?! Tss." napailing na lang ako saka ko ibinaling ang tingin ko sa tulog na si Heart.

She's so beautiful.

"I love you." bulong ko sa tenga ni Heart saka siya hinalikan sa noo.

---

Hearts POV
Nagising ako dahil sa sigawan na narinig ko. Ano bang nangyari sa akin at puro puti ang nasa paligid ko?

Nasa langit na ba ko? Hala! Hindi pwede. Kailangan ako ng kapatid ko. Sinampal ko ang sarili ko. Nasaktan naman ako kaya imposibleng patay na ako. Ano bang nangyari sa akin?

"Heart! Wag mong saktan ang sarili mo." napalingon ako nung marinig ko ang boses ni Rain sa gilid ko.

"Si Hope?" tanong ko agad ng mapatunayan kong buhay talaga ko.

"Nasa kabilang kwarto lang siya. Magpahinga ka muna diyan nandon naman sila tita." napaupo ako saka ko iginala ang paningin ko. Doon ko nakita si Miracle at Spring na masamang nagtititigan.

"Ehem." sabi ni Rain kaya naputol yung laser beam sa pagitan ni Miracle at Spring saka sila napatingin sa akin.

"OMG HEART! GISING KA NA?! OKAY KA NA BA? WALA NA BANG MASAKIT SAYO?" agad na tanong sa akin ni Miracle nung makalapit siya sa akin at chineck ang katawan ko.

"Okay lang ako. Ano nga palang ginagawa mo dito?" tanong ko sa kaniya.

"Nagtext kasi si Rain kaninang umaga. Papunta na sana kami ng Cebu nitong si Spring kaso naudlot dahil sayo."

"Nagulat na nga lang ako ng bigla kong hinila palabas ng kotse nitong amazonang to at pinatakbo."

"Choosy ka pang bakla ka!" napailing na lang ako saka ako tumayo.

"Saan ka pupunta?" tanong sa akin ni Rain mung mahawakan ko na yung door knob.

"Kay Hope. Titignan ko kung okay lang siya. Iwan ko na muna kayo dito." sabi ko saka ako ngumiti at lumabas na ng tuluyan.

Nung nasa tapat na ko ng kwarto ni Hope biglang nangilid yung luha ko. Hindi ko alam kung anong magiging rekasyon ko pag nakita ko na yung kapatid ko. Natatakot ako.

Pinihit ko na yung door knob ng kwarto ni Hope pero hindi pa man ako tuluyang nakakalapit sa kaniya. Nakarinig na ko ng tinig na para bang nag-aaway.

Si Hope ba at si Skyler?

******

First, gusto ko munnag sabihin na imbento ko lang yubg sakit ni Hope. Wala talaga kong alam na sakit sa puso. Bobita ang author eh haha.

Where Do Broken Hearts Go?Where stories live. Discover now