-WHAT THE HELL?-
*****
Bakas na bakas sa mukha ng iba naming kasama yung gulat mung nakita nila si Storm. Gusto ko ngang tumawa kasi ang epic ng mga mukha nila pero hindi ko na ginawa.
Ganun din naman kasi yung naging reaksyon ko kahapon sa bahay nila Skyler nung nakita ko siya.
"Bakit parang nakakita kayo ng multo? Ano bang meron?" tanong ni Storm na sinang-ayunan ko. Mukhang nakikiramdam pa sila kung sinong sasagot.
"Seryoso? Nagtatanong ka kung anong meron, Storm? Ipinanganak ka ba kahapon?" pamimilosopo ni Miracle
"Oo nga. Bwisit ka talaga Storm no? Pang-asar amp." kunot noong sabi naman ni Destiny.
"Hahahaha." tawa namin ni Storm.
"Tangina mo pre! Laki ng pinagbago mo!" sigaw ni Rain na tinawanan na ng lahat.
Hindi pala lahat. Si Fortune lang ang hindi tumawa.
"I-welcome niyo naman ako guys!"
"Gago! Di ka kawelcome-welcome!" pabirong sigaw ni Venus.
"Sabi ko sa inyo magugulat kayo eh. Ang papanget ng mukha niyo nung nakita niyo si Storm. Sana pala pinicturan ko." tatawa tawa kong sabi saka ako bumalik sa inuupuan ko kanina. Sa gitna ni Fortune at Rain.
Uupo na rin sana si Rain ng pigilan siya ni Spring.
"Hindi ka uupo!"
"Trip mo? Nakakangalay tumayo." reklamo naman ni Storm. Bakit ba hindi pa rin niya iniimik si Fortune? Nagpapasama pa nga siya sa akin kahapon.
"Tatanungin ka muna namin, bro." sabi naman ni Winter na sinang-ayunan nila Miracle.
"Sabi na eh. Hindi ako namalikmata kahapon." napatingin ako kay Rain ng sinabi niya yun. Nakita niya rin pala si Storm.
"San mo siya nakita?" tanong ko. Mukha pa siyang nagulat na narinig ko yung sinabi niya.
"Ah kahapon habang pauwi na ko." nginitian ko siya at nginitian niya rin naman ako.
"Storm.." himdi ko na nilingon ang katabi kong si Fortune mung magsalita siya. Wala naman akong pakialam sa sasabihin niya.
"Bakit ka ba kasi nawala Storm?" tamong ni Miracle sa nakatayo pa ring si Storm.
"Kinailangan ko kasing umalis para sa dalawang napaka halagang tao sa buhay ko." sagot ni Storm saka siya sumulyap kay Fortune na nakayuko lang ngayon at pahikbi hikbi.
"Ah! Alam ko na! Si Fortune yung isa dun diba?" ngiting ngiti pa si Destiny.
"Oo nga! pero sino pa yung isa bro?"
"Yung baby namin." nanahimik kaming lahat dahil sa sinabi ni Storm.
Baby nila.. baby nila...
Hindi ko alam kung OA lang ba talaga ko kaya biglang nagsitulo yung luha ko.
Ang daming tumatakbo sa isip ko. Ang daming what ifs na nasa utak ko.
"Heart..." naramdaman ko na lang yung biglang paghawak ni Rain sa kamay ko at yung biglang paglapit sa akin ni Miracle.
"Anong baby niyo?" tanong ni Miracle na bakas na yung inis.
Hindi naman sila slow para hindi maisip ang nasa isip ko ngayon.
Na si Storm ang ama ng baby ni Fortune at hindi si Cloud.
"Hindi naman busog si Fortune kaya lumaki ng ganyan yung tiyan niya. Malamang buntis siya." kunot noong sagot naman ni Rain.
Tinignan ko si Miracle na ang sama sama ng tingin kay Fortune.
"Gusto mong lumabas muna tayo?" tanong ni Rain sa akin pero umiling ako.
May mga bagay pa kong gustong marinig.
Ayaw ko mang gawin, tinignan ko pa rin si Fortune na sobrang umiiyak na. Unti unti na rin niyang binibitawan yung kamay ni Cloud.
"Alam naming buntis siya! Limang buwan na nga eh! Pero hindi ikaw ang ama non!" sigaw naman ni Destiny na ikinagulat ni Storm.
"Panong hindi ako?"
"Si Cloud ang ama nung bata Storm!" sigaw rin ni Venus.
"Teka, hindi ko maintindihan."
"Wala rin kaming maintindihan!" sigaw ni Miracle.
Kinagat ko na yung labi ko dahil hindi ko na talaga mapigilang umiyak.
"Heart.. be strong." bulong sa akin ni Rain saka niya hinigpitan yung hawak sa kamay ko.
"Fortune.. ayan na yun diba? Yung baby natin? Yung baby na sinabi mo sa akin five months ago?" tanong ni Storm kay Fortune na dahan dahang tumatango.
"WHAT THE HELL?!" sigaw ni Cloud saka niya masamang tinignan si Fortune.
"Fortune.." hindi ko alam kung bakit lumabas yun sa bibig ko.
"Heart.. Im so sorry." tinignan ako ni Fortune na iyak na rin ng iyak.
"Sorry kung nagsinungaling ako sa inyo ni Cloud. Sorry kung nasira ko kayo. Sorry Heart. Sorry." hinawakan niya yung isang kamay ko pero inilayo ko ito sa kaniya.
Gustong gusto kong saktan si Fortune pero hindi ko magawa kasi nga buntis siya! Hindi ako makapaniwala n unti unti kong tinanggap na magkakaak n sila ni Cloud pero hindi naman pala yun totoo.
Anong klaseng kaibigan ba tong si Fortune? Paano niya ba nagagawa sa akin to? Ano bang kasalanan ko sa kaniya.
"Nanggigigil ako sayo Fortune!" sigaw ni Miracle saka siya lumabas. Sinundan naman siya ni Spring.
"Sorry sa ginawa ko.."
"PUTANGINA. SANA NGA MABABALIK NG SORRY LAHAT NG KAGAGUHAN MO." sigaw ni Cloud.
Mabilis na lumapit si Storm lay Fortune.
"Tangma brad, wag mong sigawan. Buntis yung tao." sabi ni Storm pero hindi na siya pinakinggan ni Cloud.
Kitang kita ko yung galit n nasa mata ni Cloud. Kung galit siya, mas galit ako.
"Fortune pano mo nagawa samin to?" tamong ko kay Fortune. Iyak na rin ako ng iyak kagaya niya.
Naiinis ako. Naiinis ako na nasasaktan.
Humantong pa kasi sa punto na kailangan namin magkasakitan ni Cloud ng dahil sa isang kasinungalingan.
"Gusto kitang sapakin, Fortune! Gustong gusto kitang saktan!" sigaw naman ni Venus.
Hindi ko na alam iisipin ko . Kailangan kong umalis. Hindi ko kaya na makasama pa ng matagal sa iisng lugar itong traydor kong kaibigan.
Sarado ang utak ko kung babalakin niyang mag explain. Hindi ako makikinig kasi galit ako. Galit na galit.
Bakit ganito? Bakit puro sakit na lang nararamdaman ko? Kelan ba? Kelan ko ba hindi mararamdaman to. Hirap na hirap na ko sobra.
Buong lakas kong hinila yung kamay ko sa pagkakahawak ni Rain. Kailangan ko ng hangin. Kailangan kong magpalamig ng ulo. Kailangan ko ring ilabas tong galit ko dahil ramdam kong sasabog ako.
Tuluyan na kong lumabas ng apartment ko, naramdaman kong sinundan ako ni Rain at Cloud laya mabilis pa sa alas kwatro akong naghanap ng pwede kong taguan.
Mabuti na lang at bukas ng pinto ng kapit bahay ko. Bahala na. Basta ang alam ko lang, ayoko munabg makausap ang ni isa sa kanila.
Gusto ko munang mapag-isa.
******
Jusko. kung di kayo slow, malamang umpisa pa lang ng story alam niyo ng mangyayari to. May mga pahiwatig ako no. Apat na buwan pa lang na hiwalay si Heart at Cloud tapos limang buwan ng buntis si Fortune. Hahaha.
YOU ARE READING
Where Do Broken Hearts Go?
Teen FictionSaan nga pupunta ang wasak na puso? Sa taong laging nandyan para sa kanya ngunit mahal ng kaibigan niya? Sa taong isa ring wasak ang puso ngunit kapatid niya ang dahilan? O sa taong wumasak ng puso niya at muling nagbabalik para buuin ito?