-STORM-
*****
Nakaalis na sila Hope. Naiwan na ko dito. Gagawin ko naman yung mga binilin sa akin ni Hope eh. Babantayan ko yung Skyler na yun para sa pagbalik niya.
Kaya pupunta pa rin ako sa mansion nila Skyler para kausapin siya about sa kapatid ko, para sabihin sa kaniya na palakasin niya yung loob ni Hope habang nasa America ito.
"Saan ka ba pupunta?" tanong sa akin ni Rain na nakakunot pa yung noo niya.
"Kanila Skyler. Kakausapin ko siya tungkol kay Hope."
"Bukas mo na gawin yan. Magpahing ka nga muna, Heart. Pinababayaan mo na yang sarili mo." huminga ako ng malalim saka ko siya tinignan.
"Promise, magpapahinga ako pag naayos ko na to. Para sa kapatid ko naman tong ginagawa ko, Rain." napailing siya saka siya ngumiti.
"Bakit ka ganyan, Heart? Mas lalo tuloy akong nai-inlove sayo." natawa ako ng mahina dahil sa sinabi niya.
"Baliw ka talaga." sabi ko saka ko siya biglang niyakap.
Napaka thankful ko dahil may isang Rain Velasquez na nandito lagi sa tabi ko.
"Heart.."
"Thankyou sa lahat, Rain." sabi ko saka ako kumalas sa yakap ko sa kaniya.
"Gusto mo bang ihatid na kita?" tanong niya sa akin pero umiling ako.
"Wag na. Kaya ko na yung sarili ko saka baka kailangan ka pa sa company niyo." nakangiti kong sabi pero umiling siya.
"Nandun naman na si Papa. bahala n siya dun. By the way, sino nga pa lang magbabantay ng company niyo habang wala si tito?"
"Yung tito ko. Ayaw kasi ni papa na sirain yung isang taon niyang binigay sa akin para magsaya muna. Pero sabi niya naman na bisitahin ko paminsan-minsan yung company."
"Ang swerte mo sa magulang mo, Heart."
"I know, so una na ako, Rain ha? Para makabalik ako agad." Tumango na lang siya kaya sumakay na ako ng taxi.
Kaya mo to Heart, Fighting!
------
"Yey! You're here na!" sumalubong sa akin ang ngiting ngiting mukha ng kapatid ni Skyler na si Twinkle.
"Nasan si Skyler?" tanong ko sa kaniya kaya napasimangot siya.
"Hindi ka man lang naghello sa akin. Hmp. Katampo ka." napakunot lang yung noo ko sa sinabi niya.
Ano bang trip ng babaeng to? Maganda sana siya kaso mukhang may topak sa utak.
"Kailangan ko na kasing makausap yung kuya mo, Twinkle." seryoso kong sabi tapos bigla na lang nagliwanag yung mga mata niya.
"Yaaaa! Naaalala mo pa yung name ko! Yieee. Yung si Hope kasi kung di Crinkle ang itatawag niya sa akin Prinkle."
"Kung sinasabi mo sa akin kung nasan yung kuya mo edi sana natutuwa ako sayo." hindi ko na napigilan na sungitan siya.
"Haha. Highblood agad. Pababa n si kuya." nginitian ko na lang siya ng tipid saka ko itinuon yung pansin ko sa hagdan.
"Ate Heart." napatingin ako kay Twinkle ng tawagin niya ako.
"Hmm?"
"Kaano-ano mo si Kuya Cloud?" hindi ako nakasagot agad sa tanong niya
"He's my.. ex."
"Huh? Bakit kayo nagbreak?" napatahimik ako. Ayoko naman kasing sabihin na nabuntis ni Cloud yung kaibigan ko sa hindi inaasahang pangyayari.
"Hey Twinkle, stop that. Go to your room." Whoo! buti na lang dumating si Skyler.
YOU ARE READING
Where Do Broken Hearts Go?
Teen FictionSaan nga pupunta ang wasak na puso? Sa taong laging nandyan para sa kanya ngunit mahal ng kaibigan niya? Sa taong isa ring wasak ang puso ngunit kapatid niya ang dahilan? O sa taong wumasak ng puso niya at muling nagbabalik para buuin ito?