Chapter 11

2 0 0
                                    

-KAPIT BAHAY-

******

Sinara ko agad yung pinto ng makapasok ako sa apartment ng kapitbahay ko na hindi ko pa kilala.

Napasandal ako sa pinto at dun na nag-iiyak. Bumalik na naman yung sakit. Lahat ng sakit na kinalimutan ko noon.

"Umiiyak na naman ako ng dahil sa inyong dalawa." sabi ko sa sarili ko habang patuloy pa rin sa pag-agos yung luha ko.

Dear eyes, when will you get tired of crying? Parang hindi ako nauubusan ng luha.

"The fuck! who are you?!" napatingin ako sa pamilyar na boses na iyon. "Heart?!" gulat na gulat pa siya nung makita niya yung sabog kong mukha.

Hindi ko na lang siya pinansin at nagtuluy-tuloy na lang papasok ng apartment niya. Hindi ko na kailangan mahiya dahil kilala ko naman siya.

"Why are you crying? Is it because of kuya Cloud again? When will you get tired of crying Heart?" hindi ko na lang pinansin ang mga english niyang tanong.

Nag-iiiyak na lang ulit ako. Feeling ko kasi mas gagaan yung pakiramdam ko kung iiyak lang ako ng iiyak

"No one knows how broken I am right now." naramdaman ko yung pag upo ni Skyler sa tabi ko.

"Tumigil ka nga sa pag-iyak mo." tinignan ko lang yung inabot niyang panyo sa akin.

"May panyo ako hindi ko kailangan yan." tinaasan niya ako ng kilay saka niya ulit itinago yung panyo niya sa bulsa niya.

"Ano na naman bang iniiyak mo?" tanong niya sa akin. Bigla na naman naglabasan yung luha ko.

Wala naman sigurong masama kung sasabihin ko sa kaniya diba?

"Nalaman ko lang naman na hindi pala si Cloud ang ama ng anak ng kaibigan ko." tinry kong ngumiti pero alam kong mukha lang akong tanga dahil tuloy tuloy pa rin ang agos ng luha ko.

"What?" pinunasan ko na lang yung luha ko.

Bakit ba kailangan ko pang umiyak? Bakit kailangan ko pang magmukmok? Wala naman ng magagawa tong pag iyak ko diba? Hindi naman nito mababago yung mga nangyari na.

"Sorry." sabi ko. Nakakahiya. Naramdaman ko na yung hiya kasi mukhang naistorbo ko pa siya

"Sige umiyak ka muna diyan. Binilin ka ni Hope sa akin na wag kang pabayaan." napangiti ako ng mapait.

Isa pa si Hope, dapat nagpapahinga n lang siya ngayon para sa operasyon niya pero kaming dalawa pa rin ni Skyler ang iniisip niya.

"Skyler." tawag ko sa kaniya nung tumayo siya.

"Why?"

"Pwede makitulog? Sure kasi akong nandun sa apartment ko yung mga kaibigan ko. Hindi ko pa kasi alam ku--."

"Its okay. Basta ipagluto mo ako ng dinner later." sabi niya saka siya tuluyang pumasok sa isang kwarto.

Napasandal na lang ako. Masyado na kong stress. Napapagod na ko. Napapagod na ko sa lahat ng nangyayari. Gusto ko ng magpahinga. Gusto ko munang makalimot.

----

"Heart!" nagising ako dahil sa mga tapik sa balikat ko. Grabe. Nakatulog na pala ako sa sobrang pag iyak.

"B-bakit?" tanong ko kay Skyler saka niya iniharap sa akin yung laptop niya

"Ate!" biglang nagising yung diwa ko nung marinig ko yung boses ni Hope.

"Hope?"

"Bakit ganyan itsura mo ate? Umiyak ka ba? Pinaiyak ka ba ni Sky?"

"Hope, hindi ko pinaiyak yang kapatid mo. " depensa naman ni Skyer sa sarili niya.

"Wala lang to, Hope. natripan ko lang umiyak." nginitian ko si Hope pero tinaasan niya ako ng kilay

"Dont me. Anong nangyari sayo, ate?" napahinga ako ng malalim. Kinagat ko na rin yung labi ko dahil naiiyak na naman ako.

"Nalaman ko kasi... kahapon.. na hindi si Cloud ang ama ng anak.. ni Fortune."

"What?! Oh my Ghad ate. I want to punch ate Fortune's face. What's wrong with her?! Bakit sinabi niyang si Kuya Cloud?! Bakit niya kayo sinira?!" galit na galit na si Hope. Makakasama na naman ito sa kaniya.

"Hey Hope, Calm down."

"Can you hear yourself,Sky? How can I calm down? Nalaman ko lang naman na nasaktan yung ate ko ng dahil sa isang kasinungalingan!"

"Hope, It's okay. Tapos na yun. Nangyari na." todo pigil pa rin ako na wag umiyak sa harap ni Hope. Dahil alam ko na pag umiyak ako, may posibilidad na umiyak din siya.

"Pero! Aaargh!  Gusto kong bumalik ng Pilipinas! Gusto kong kalbuhin si Fortune!"

"Nag-sorry na sa akin si Fortune kanina. H--."

"Sorry is not enough!"

"Hope. Hindi ko naman tinanggap yung sorry niya kasi di naman ganun kadali yun." napasulyap ako kay Skyler na nakapikit na at mukhang nakatulog na sa usapan naming magkapatid.

"That's right. Wag mong tanggapin. Kasi pag tinanggap mo yan, Ate parang sinabi mo na rin na tinanggap mo yung panlolokong ginawa niya."

"Alam ko namang hindi ko matitiis si Fortune kasi kaibigan ko siya. Kasi tinuring ko na siyang kapatid noon."

"Why are you like that, Ate? Ang bait mo to the point na kahit ikaw na ang kawawa nagpapakumbaba ka pa rin."

"Kasi nga kaibigan ko siya, Hope. Naging parte na siya ng buhay ko." inirapan ako ni Hope. Galit na sa akin ang kapatid ko.

"Buti ka pa naisip mo yan. Eh siya? Nung niloko ka niya, inisip niya ba yan? Diba hindi?" sinisigawan na niya ko. Makakasama yun sa kaniya.

"Hope.."

"Fine! Kakalma na ko. Anyway, kamusta kayo diyan? Kumakain ba si Skyler?"

"Hmm. Hindi ko alam. Ngayon ko lang naman nalaman na kapit bahay ko pala tong boyfriend mo."

"Ate.. hindi na kami ni Skyler.."

"Pero akala ko ba okay na kayo?"

"Long story. pero seryoso ka? Ngayon mo lang nalaman na magkatabi apartment niyo eh kaya nga ako pinapayagan nila mama na matulog kasama si Skyler kasi alam nilang malapit ka lang." napaisip ako. Oo nga. Kaya pala ang lakas ng loob niyang makitulog kanila Skyler.

"Malay ko ba. Hindi mo naman sinabi sa akin."

"Sus. Alagaan niyo yung isa't isa diyan ate ha? Lalo ka na. Alagaan mo yang sarili mo. Sorry at kailanga ko na kasing matulog kasi may examination na gagawin sa akin bukas."

"Pagaling ka diyan, Hope. Namimiss ko na kayo nila mama."

"Yeah. Papagaling talaga ko. Kaya alagaan mo diyan si Skyler. I love you ate. Goodbye!"

"Goodbye and goodnight Hope." pinatay ko na yung laptop ni Skyler at iniwan ko na lang sa table kung saan nakapatong.

Napatingin ako sa orasan na nasa dingding. Alas siyete na ng umaga. Hindi ko pala naipagluto si Skyler kagabi dahil sa sobrang pagod.

Napatingin ako sa katabi ko at napangiti

"Akala ko masungit ka, mabait ka naman pala ng very light." sabi ko saka ako tumayo at lumabas ng apartment niya.

Ipagluluto ko na lang siya ng breakfast.

Atleast alam ko ng hindi ako mahihirapan sa pagbabantay sa kaniya kasi kapit bahay ko lang naman siya.

******

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 21, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Where Do Broken Hearts Go?Where stories live. Discover now