-MANSION-

******

Sobrang sakit talaga nung nalaman ko. Nabuntis niya? Nabuntis niya si Fortune?

Paano niya nagawa yun? San va ko nagkulang? Pano ba talaga nangyari yun? Ang dami daming tanong sa isip ko na gusto kong mabigyan ng kasagutan.

Sa sobrang dami naiiyak na lang talaga ko. Ang hirap. Sobra. Alam ko kasing mahal niya ko tapos.. ganito. Hindi na pwede kasi nga magiging tatay na siya. May nabuo sila ni Fortune.

Napasalampak na lang ako sa lupa nung malayo na yung natakbo ko palayo sa bahay nila Venus.

"Shit naman Cloud. Hirap naman nito eh." sabi ko habang umiiyak ako.

Umiiyak na naman ako ng dahil sa kaniya! Umiiyak na naman ako dahil sa mgavginawa niya! Sawang sawa na talaga ko

"Heart." napatayo ako ng marinig ko ang boses ni Cloud.

Sinundan niya ko. Para san? Para ipamukha na magkakaanak sila ng kaibigan ko? Tangna naman! Hayaan niya muna sana ako!

"Let me explain." sabi niya. Akmang hahawakan niya yung kamay ko pero lumayo lang ako sa kaniya.

"H-hindi mo na kailangan mag-explain. Wala naman akong karapatan sayo." matigas kong sabi. Kailangan kong maging matatag. Para sa sarili ko. Para di na ko masaktan pa

"Two months ago. Nag-away tayo. Hindi ko alam yung gagawin ko dahil hindi mo naman ako kinakausap. Hin--"

"Sinabi ng wag kang magpaliwanag!" sigaw ko. Mas lalo lang akong nasasaktan.

Kung tutuusin pwede namana kong tumakbo paalis. Ewan ko ba s amga paa ko! Ayaw gumalaw

"Hayaan mo kong magsalita, Heart. Tatanungin naman kita after mo marinig to eh. Just please. Listen to me." hinawakan niya yung kamay ko pero this time hindi ko na iyon hinila palayo dahil alam kong hindibko rin naman magagawa dahil ang higpit ng hawak niya sa kamay ko.

"Nag-away tayo nun. Hindi biro yung away natin na yun diba? Hindi mo ko kinausap ng halos isang linggo. Hindi mo ko pinansin, hindi mo kobkinibo at hindi ka rin nagpapakita sa akin sa school. Sobrang nadepress ako sa nangyayari sa atin noon. Hindi ko na alam gagawin ko. Feeling ko mababaliw ako. Tangna Heart. Hindi man lang kita mahawakan, makausap o makita man lang. Nakakabaliw! Ni ayaw sabihin sa akin ni Miracle kung nasaan ka. Hanggang sa nagpalipas muna ako. Nagbar ako. Dun sa bar na pagmamay-ari nila Fortune. Hindi ko naman alam na nandun din si Fortune at nagkataon na umiiyak din siya dahil sa nangyari sa kanila ni Storm. Sabay kaming uminom. Sabay kaming nalasing. After non wala na. Wala na kong maalala. Nagising na lang ako na nakahubad ako tapos umiiyak sa tabi ko si Fortune. Wala naman akong magawa. Nagdasal ako. Nagdasal ako na sana walang mabuo. Pero after one week, bati na tayo nun eh. Okay na lahat sa atin, pagkauwi ko galing sa inyo nagulat ako nung sugurin ako ng papa niya. Sabi nabuntis ko raw si Fortune. Na panagutan ko yung anak niya. Lumaban naman ako. Sinabi kong may mahal na ko pero tinakot nila ko. Mapapahamak ka raw kung di ko pananagutan si Fortune." umiiyak na rin si Cloud kagaya ko. Gusto ko man syang yakapin ngayon hindi ko ginawa. Pinigil ko yung sarili ko. Ayoko. Ayoko na.

"What's the point?" tanong ko. Hindi ako nakatingin sa mga mata niya dahil nanghihina ako. Nawawala yung galit ko pag nakatingin ako sa mga mata niya.

"Hindi ko kaya. Hindi ko talaga kaya na malayo ka sa akin. Hindi ko kaya na umiiyak ka na wala ako sa tabi mo. Heart, sumama ka sa akin. Magpakalayo-layo tayo."

"Paano yung baby?" tanong ko. Gusto kong malaman kung ako pa rin ang pipiliin niya. Gusto kong malaman kung mahal na mahal niya ako.

"P-papanagutan ko naman! Susustentuhan ko naman siya, Heart. Hahayaan ko namang makilala niya ko bilang ama niya. Please. Please Heart. Stay with me." tumingin ako sa kamay niya na nakahawak sa kamay ko.

Where Do Broken Hearts Go?Where stories live. Discover now