-Heart Attack-
***
Bakit feeling ko ang bigat ng atmosphere ngayon dito? Kung makipagtitigan naman kasi itong si Skyler kay Rain akala mo mangangain ng buhay.
"Bromance na ba yan?" tanong ko sa kanila kaya sinamaan ako ng tingin ni Skyler samantalang si Rain ay napangisi lang.
"Naasar ako sa mukha ng batang to." sabi naman ni Rain sabay turo sa mukha ni Skyler
"Mas naasar ako sa mukha mo. Matanda!" ganting sabi naman ni Skyler.
Magkaaway agad sila kahit ngayon lang sila nagkita. Hays.
"Ewan ko sa inyo." sabi ko na lang kaya parehas silang napangisi sa isa't isa. Hindi ko maintindihan ang dalawang to.
"Sorry na Heart. Hindi ko lang talaga gusto itong bata na to." sabi ni Rain na sinamaan ng tingin ni Skyler.
"Aish! Dun na nga lang tayo sa garden Rain! Baka magpatayan pa kayo diyan ni Skyler. At ikaw naman Skyler, hintayin mo na lang diyan ang kapatid ko. Parating na rin yun." sabi ko saka ko hinila paalis ng sala si Rain.
"Ano bang problema mo sa boyfriend ng kapatid ko?" tanong ko sa kanya nung parehas na kaming nakaupo dito sa may parang damo.
"Ewan ko. Ang bigat ng pakiramdam ko sa kanya. Feeling ko may gagawin siya sa akin na hindi maganda." kibit balikat naman na sabi ni Rain.
"Praning ka na naman. Nako Rain. Pag nalaman lang ni Hope yan baka sinipa ka na nun palabas ng bahay."
"Sus. Mas gwapo naman ako sa boyfriens niya."
"Lakas mo Rain. Hahaha." at ayun nagtawanan na lang kami ni Rain. Ilang minuto pa siguro yung lumipas at may tumawag kay Rain. Importante ata.
"Okay. I'll be there. Wait for me." pagkasabi niyang iyon ibinababa na niya yung tawag.
"Si Miracle?" tanong ko. Dahil alam kong ganyan siya makipag usap kay Miracle. Nagbabangayan sila sa personal pero may sweetness pag sa phone or text lang magkausap.
"No. My Sister. She's sick." bigla naman akong nag-alala para kay Sunny.
"Want me to come with you?" tanong ko. Baka kasi kailangan niya ng katulong sa pag-aalaga kay Sunny tutal wala naman akong ginagawa sa bahay.
"No. You'll stay here. I can handle her." napatango na lang ako sa sinabi niya. Hinalikan niya muna ako sa noo bago siy tuluyang umalis.
Bumalik na lang ako sa sala at nadatnan ko pa rin dun si Skyler. Wala pa si Hope?
"Wala pa si Hope?" tanong ko tapos tinignan niya ko.
Nakakaano naman yung tingin nito. Hindi ko alam kung nang-iinsulto o ano.
"Dont state the obvious." ay sungit! Hmpf.
Nanahimik na lang tuloy ako habang nanunuod ng tv. Ang drama ng palabas. Feeling ko maiiyak ako. Yung palabas kasi. Pinapaalala sa akin yung nangyari sa amin ni Cloud.
Aish akala ko talaga naalis na sa sistema ko si Cloud. May puwang pa rin pala
"Are you crazy?" napatingin ako sa nagsalitang si Skyler.
"A-ako ba?" napairap siya. Subgit talaga.
Paano ba napagtiisan ng kapatid ko to?
"Why are you crying?" tanong niya ulit na nakakunot noo.
"Yung m-movie kasi naka--"
"Kanina ko pa nilipat ng channel. Is it because of kuya Cloud?" nagulat ako sa tinanong niya. Pano niya nalaman? Sinabi ni Hope?
"How did you know?!"
"Aish. Just answer me. Is it because of him?" dahan dahan akong napatango. Para san pa kung itatago ko?
"He's my ex." panimula ko.
"I know."
"He broke up with me."
"I know."
"I love him so much."
"I know."
"I dont know why but I cant stop my self. I cant stop my self to love him even if it hurts."
"Love is so stupid."
"Sky.." naiiyak ako.
"Its Skyler. We're not close so dont call me Sky." -_____- nagdadrama ko tas paiiralin niya kasungitan niya.
"Fine. Pero.. masakit talaga sobra." hindi ko alam kung bakit nagsasabi ako sa kaniya ngayon.
"Never let the pain from your past punish your present and paralyze your future. Move on." pagkatapos niyang sabihin iyon. Tumayo na siya.
"Paki sabi kay Hope na hindi ko na siya mahihintay." at ayun umalis na.
Tama naman siya. Tama talaga.
---
"Nanggaling daw dito si Skyler, ate?" tanong sa akin ni Hope na kararating lang.
"Oo, hindi ka na nga niya nahintay. Kanina pa yun dito." sagot ko tapos napahinga siya ng malalim.
"Galing ako sa doktor ko ate." bigla akong napalingon sa sinabi niya.
Ayaw na ayaw pa man din ni Hope na nagpapacheck up siya ng siya lang mag-isa.
"Bakit hindi ka nagpasama sa akin?" tanong ko. Kung kanina ang sigla sigla niya, ngayon naman mangiyak ngiyak na.
Hindi.. hindi to masamang balita. Jinojoke lang ako ni Hope..
"Ate.." tuluyan ng umiyak ang kapatid ko. Hindi!
"Okay ka na diba?" tanong ko kahit na may pakiramdam akong hindi.
"Mamamatay na ako.." bigla ko siyang niyakap. Ano ba naman tong sinasabi ng kapatid ko?
"Wag kang magsalita ng ganyan." sabi ko saka ko siya pinanlakihan ng mata pero umiiyak na talaga siya.
"P-paano na si Skyler pagwala ako?" aish. Bakit si Skyler pa rin ang naiisip niya?
"Hindi niya pa alam ate. Hindi niya alam na may sakit ako. Natatakot ako. Natatakot ako na baka.. na baka iwan niya ko pagnalaman niyang may sakit ako." niyakap ko ung kapatid ko. Bawal sa kaniya to. Bawal sa kaniya ang malungkot ng sobra. Makakasama sa kaniya
"Sasabihin natin yan kay Skyler. Pero hindi ngayon. For now, kumalma ka muna." pagpapatahan ko sa kaniya.
"ATE! PANO KUNG HINDI NIYA KO MATANGGAP? PANO KUNG IWAN NIYA KO? PAANO NA KO?" Iyak lang ng iyak yung kapatid ko. Hindi ko alam yung gagawin ko. Nararamdaman ko na yung pagbigat ng hininga niya. Hirap na rin siyang magsalita.
"Hope.." tawag ko sa kanoya perp hindi na siya nakasagot dahil naghahabol na siya ng hininga niya.
"Hope!" kinakabahan na ko. Namumutla na si Hope!
"YAYA SI HOPE!" dali dali namang lumapit sa amin ang katulong. Hindi ko alam ang gagawin ko.
Nasa panganib yung kapatid ko at wala akong magawa para tulungan siya.
No, hindi pwedeng mawala si Hope. Hindi pa ngayon. Ako na lang please. Ako na lang wag na si Hope.
********
YOU ARE READING
Where Do Broken Hearts Go?
Teen FictionSaan nga pupunta ang wasak na puso? Sa taong laging nandyan para sa kanya ngunit mahal ng kaibigan niya? Sa taong isa ring wasak ang puso ngunit kapatid niya ang dahilan? O sa taong wumasak ng puso niya at muling nagbabalik para buuin ito?