-HOPE-

"Kung hindi ka lang talaga tumakbo kanina baka nasabunutan ko pa yung Fortune na yun!" sabi ni Miracle habang naglalakad kaming tatlo papunta sa apartment namin ng kapatid kong si Hope.

"Mag move on ka na nga sa nangyari kanina. Sakit sa tenfa ng boses mo." reklamo naman ni Rain ng tinaasan lang ng kilay ni Miracle.

"Ewan ko sayo! Mauna na kayo, bibili muna ako ng fishball." sabi ni Miracle saka saka siya tumakbo papunta dun sa bilihan ng fishball.

"Tara na?" yaya naman sa akin ni Rain pero hindi na ako naglakad. Nakatigil lang ako.

"Okay na ako dito." ngumiti ako ng tipid kaya napabuntong hininga si Rain.

"Heart. Nahihirapan akong nakikita kang ganyan." sabi niya sa akin saka niya hinawakan yung kamay ko.

"Ang hirap sa parte ko na nakikita kang umiiyak. Ikaw na babaeng mahal ko. Ikaw na kumukumpleto sa buhay ko." napayuko ako.

Ang dami ng nadadamay dahil sa amin ni Cloud.

"Hindi mo naman ako masisisi, Rain. Nasasaktan pa kasi ako. Sobrang sakit pa para sa akin nung nangyari. Oo, alam kong isang buwan na yung lumilipas mula nung /aghiwalay kami pero kasi, Rain mahal na mahal ko yung taong yun. Mahal na mahal ko si Cloud." Umiiyak kong sabi sa kanya

"Sakit naman na pinamukha mo sakin na wala talaga kong pag-asa sayo, haha."

"Rain.." naiilang ako minsan sa mga ganyan niya.

"Oo na oo na titigal na po. Hahaha." pinunasan niya yung luha sa pisngi ko.

"Wag kang mapikon sa akin. Mahal kita, Heart. Ingat ka pauwi!" sabi niya saka siya tumakbo papalapit kung asan si Miracle.

---

Nung makauwi ako sa apartment ko nagulat ako kasi hindi ko nalock yung pinto. Buti na lang walang masamang tao dito sa lugar namin.

Pagpasok na pagpasok ko umupo ako agad sa couch at dun na nga tumulo yung mga luha ko na kanina ko pa pinipigil.

Nakakasawa ng umiyak. Nakakapagod na lagi na lang ganito. Hanggang kelan ba to? Tagal eh.

Bakit pa kasi kami ni Cloud yung napili ni Lord na hindi magkaroon ng forever? Bakit si Fortune at Cloud pa?

"AISH! AYOKO NA UMIYAK." sigaw ko pero umiiyak pa rin ako.

Pagganto talagang mag isa ako ang dami kong naiisip. Wala na kasi akong mapaglibangan kaya lagi ko ng naaalala yung sa amin nila Cloud.

Mas naaalala ko kung pano kami naghiwalay

"Baby! Kanina pa kita hinihintay." ngiting ngiti ako nung pumasok na sa may apartment ko yung pinaka poging nilala sa mga mata ko

"Tigil na natin to, Heart." Hanu daw? Itigil ang alin?

"Alin yun, By?" nasa harap na nya ko at nakangiti pero sita nakapoker face lang. Wala na naman siguro to sa mood. Hays. Nabadtrip na naman siguro sa mga team mates niya sa baksetball.

"Break na tayo, Heart." Parang tumigil yung mundo ko. Hindi agad ako nakagalaw.

For real yung sinabi niya?

"Bakit? Cloud.. wag namang ganito." huminga siya ng malalim saka siya tumalikod sa akin at lumabas ng apartment ko.

Ni hindi nga ako hinayaan ni Cloud na magdrama nung nakipaghiwalay siya.

Pakshet na buhay talaga.

"Umiiyak ka na naman." mabilis kong pinunasan yung kuha ko nung marinig ko yung boses ng kapatid ko.

Hindi. Hindi niya ko pwede makitang miserable. Ma-istress siya. Baka atakihin siya.

"Hindi ah. Napuwing lang." palusot ko na sana naman gumana.

"Sus. Alam ko naman na dahilan ng pag-iyak mo. Oh." sabi ni Hope saka niya inabot sa akin yung papel na hawak niya

"Ano ito?" tanong ko pero napairap siya. Aish. Napaka iksi talaga ng pasensya ng isang to.

"Basahin mo ng malaman mo. Ano ba yan, ate. Nabroken hearted ka lang nawalan ka agad ng common sense." umupo siya sa tabi ko.

"Kanino galing to?" tanong ko ulit pero sinamaan niya ko ng tingin.

"Kay Kuya Cloud." biglang binitawan yung papel na binigay niya.

"Bakit? Para san yun?" tanong ko ulit kaya napabuntong hininga siya

"Mula nung lumipat ka rito sa apartment mo one month ago, nagtataka na ko kung bakit lagi na lang sinasabi sa akin nila yaya na nasa labas daw si Kuya Cloud. Tinatanong nila kung bakit pero pangalan mo lang daw sinasagot. Nung una di ko pinansin yun dahil nga galit ako sa kanya kasi sinaktan ka niya. Hindi ko naman lalabasin yun kung di lang umulan ng malakas kagabi. Ayun binigay niya yung sulat na yan saka tumakbo paalis."

"Tama na nga, Hope." sabi ko saka ako tumayo at pumunta sa kusina pero sumunod naman siya.

"Ate feeling ko may gustong sabihin sayo si Kuya Cloud saka ate pag nalaman mo na yung reaons niya baka madali na sayong tanggapin yung nangyari. Ate nasasaktan din kasi ako pag nasasaktan ka." tinignan ko si Hope na nakasimangot sa akin..

"Hindi pa ko ready na kausalin sila o kahit siya lang. Masakit pa kasi Hope." sabi ko kaya lumapit na siya sa akin.

"Natural lang yan, Ate. Natural lang na mahirapan ka pero paano gagaan yan kung lagi kang di ready?" tanong niya sa akin.

"Para saan ba yang sinasabi mo?"
"Para kausapin mo si Kuya Cloud. kahit wag na. Kahit basahin mo na lang yang letter. Yang letter na yan ang magde-decide kung mag-uusap pa kayo o hindi." binulsa ko muna yung letter.

Hindi ko babasahin. Mamaya nakalagay langvpala sa bwisit na letter na to kung gaano niya kamahal si Fortune edi mas lalo akong nasaktan.

"Sige. Umuwi ka na nga. Magagabi na oh." sabi ko sa kanya kaya tumayo na siya sa inuupuan niya.

"2 months na lang at babalik ka na ulit sa mansion. Haha! Yieee. Namiss ko na kayang matulog aa kwarto mo." napailing na lang ako .

"Hatid na kita?" tanong ko pero umiling siya.

"Hindi. Nagpaalam kanila mama na sa apartment ako ni Skyler matutulog.''

"Hoy Hope magtigil ka! Mamaya hindi lang tulog gawin mo dun."

"Ang dumi ng utak mo ate! Saka hindi naman ako papayag no! Hindi manyak si Skyler." sabi niya saka siya lumabas ng apartment ko.

Tinignan ko yung sulat na binigay niya.

"Mula ngayon, pipilitin ko ng hindi umiyak kung ikaw lang din naman yung dahilan." sabi ko dun sa sulat saka ko pinunit at tinapon sa basurahan.

-After One Week-

Sa isang linggong lumipas, pinilit ko yung sarili kong hindi umiyak pero di ko talaga magawa. Naiiyak pa rin ako.

From Venus

Psst. Punta kayo bukas sa bahay nakauwi na ko from Canada

-end-

Sigurado akong pupunta rin sila Fortune bukas. Aish. Ayoko na. Di na lang ako pupunta.

*******

Where Do Broken Hearts Go?Where stories live. Discover now