one BEGINNING

1.1K 18 2
                                    

one- BEGINNING

AARON

"Kath, mahal na mahal kita. Baka pwede pa nating maayos to? Kath I will do anything but please don't leave me."

"I'm sorry Aaron. Di ko sinasadyang saktan ka. Mahal kita alam mo yan. Pero mas mahal ko si Renz"

"Okay lang sakin kung sya yung mahal mo. Basta wag mo kong iiwan. Dito ka lang sa tabi ko. kahit iba pa ang mahal mo. Tatanggapin ko. Just don't leave me Kath"

"I'm sorry talaga Aaron! makinig ka! makakahanap ka din ng babaeng magmamahal sayo ng totoo. Yung di ka sasaktan. Please Aaron stop crying. I don't deserve those tears. Mas mahihirapan ka lang kapag ipinilit mo pa. I know in time you will find your happiness and that's not with me! Be strong Aaron! I'm so sorry"

And then she left me. Sobrang sakit. Siya ang unang babaeng iniyakan ko ng ganito. Pinagpalit niya ako sa bestfriend niya. Sabi ko na nga ba eh! Dapat di ako naging masyadong mabait. I knew that that guy likes Kath. Pero dahil nga bestfriends sila di ko na binigyan ng kulay.

Una pa lang daw si Renz na ang mahal niya, at nung magtapat na to sa kanya. Iniwan na niya ako. Ginamit niya lang ako. Parang wala lang sa kanya lahat ng pinagsamahan namin.

I'm starting to move on. Kailangan ko na lang magpakabusy para makalimutan ang sakit. Hindi na rin kame nagkikita ni Kath. Magkaiba kame ng School na pinasukan ng College. And that helps for my recovery.

After a year.

I'm starting to forget the past. Nakakamove on na ko. Unti unti ko ng nakalimutan ang lahat until this girl came. She's Zyra Mae. She reminds me of Kath. Their so much alike. Parang bumalik lahat ng sakit. Muling bumalik lahat ng sakit na dinulot sakin ni Kath.

This girl really irritates me! Nag momove on na nga ako diba? di pa ba sapat lahat ng sakit na naramdaman ko nung iniwan ako ni Kath na nararamdaman ko pa rin ngayon? Bakit ba ayaw akong tantanan ng babaeng to? Nakakaasar lang. Pag nakikita ko siya parang bumabalik lahat ng sakit.

"Hi Aaron, pinagluto kita ng paborito mo!"

"Baket ba ang kulit mo ha?! Tigilan mo nga ako"

"Ang aga aga ang sungit mo. Gusto ko lang naman iabot sayo tong niluto ko. Masarap yan. Kainin mo ah"

What the? Caldereta? Pano niya nalaman?

"Sino naman nagsabi sayo na ito ang paborito ko? Ayaw ko nito!"

"Naku! kunwari ka pa. Alam ko namang paborito mo yan. Nagresearch talaga ako para dyan. Di ko na sasabihin kung sino nagsabi baka magalit ka sa kanya eh!"

"Ang kulit mo rin eh no!"

"Haha. Ganun talaga. Sige ha! Mauna na ako. Malelate na ko eh! Enjoy your food"

Ano ba talaga problema ng babaeng yon ? Hindi niya ba ako titigilan ?

The next day dinalhan na naman niya ako ng pag-kain. She does it everyday. Ang kulit niya talaga. Ang daldal pa. Makwento. Like Kath.

It's almost 3 months na ginugulo ako ng babaeng to. Saan bang planeta galing to? Walang kapaguran!

"Good Morning Aaron!"

"Anong Good sa morning? eh nakita kita!"

"What's good? Lahat. The sun. This new day. Ikaw. That's what good in the morning"

"Siguro ang sayo good, pero sakin hindi"

"Alam mo masyadong maganda ang araw para magalit ka. Smile naman dyan"

"How can I smile with your presence?"

"Ganun? Grabe ka naman!"

"So if you want me to smile wag ka ng magpapakita sakin"

"Edi hindi ko rin nakita!"

"Your so irritating"

"Kahit irritating ako. Maganda ako. haha"

"Really? Are you sure? Sinong nagsabi sayo?"

"Oo naman. I'm pretty sure. Ikaw lang naman ang di nakakakita ng kagandahan ko eh!"

"Talk to my hand"

Yeah she's right. She's so beautiful but still irritating.

"Uy Aaron wait! Joke lang yun. Wag mo naman akong iwan, ang bilis mo naman maglakad"

"Tigilan mo na nga ako! Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?"

"Ako? Ginagawa ko?"

"Stupid! Sino pa bang kausap ko?"

"Ang slow mo naman! di mo ba talaga alam. haha"

"What's funny huh ?!"

"Cause your so slow! Ang manhid mo talaga. Diba obvious?"

"What? tatanong ko ba kung alam ko? tsk"

"I'm courting you Aaron! Dati I just like you. But now na lagi kitang nakakasama. Mas nakikilala kita. I'm falling for you"

"What a joke!"

"Mukha ba kong nagbibiro?"

"Listen. Tigilan mo na to. Wala kang mapapala sakin"

"Di ako susuko. Kahit ano pa ang sabihin mo. I will continue courting you. Mahal ata kita! I know in time mamahalin mo rin ako!"

"In your dreams!"

I leave her there. Lalaki ako tapos lagi niya akong hinahatid sa lahat ng klase ko. Nakakairita talaga siya. 

Ang tibay niya talaga. Sa kabila ng mga sinasabi ko sa kanya di niya pa rin ako tinitigilan. She's courting me? WTF! Lalaki lang ang nangliligaw no! Hindi pa ako handang magmahal muli. At kung magmamahal man ako uli hindi sa kanya! Hindi sa kanya na nagpapaalala sakin ng isang taong manloloko. Hinding hindi!

She's Courting MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon