Eleven

535 8 0
                                    

Konti na lang matatapos ko na talaga 'to. Naway sipagin ako :)

*****

Eleven

*AARON

Maaga akong nagpunta sa school. Hindi ko na kasi sinundo si Mae. Ilang araw na rin syang absent. Hindi man lang nya sinabi sa'kin kung bakit.

Pero kapag ako ang nawala kailangan kong sabihin kung ano ang nangyari sa'kin. Bakit kapag sya hindi ko pwedeng malaman? Nag-aalala ako. I care because.. because she's my friend. Pinapaalam ko sa kanya ang mga nangyayari sa'kin kasi ayaw kong mag-alala sya. May pagkabaliw pa naman 'yun. I don't know kung kelan nag- umpisa but I just found myself sharing my activities to her.

Saan kaya nagsuot si Jane? Ang tagal ko na ring di nakikita ang isang 'yun.

Bigla namang nag-vibrate ang phone ko. And speaking of, Jane is calling.

"Hey, where are you?" tanong ko pagkasagot na pagkasagot ko ng phone. "Hindi ka ba a-attend ng class?"

"Nope. I have important things to do," sagot nya naman. "A..Aaron."

"Why Jane?" parang bigla naman akong kinabahan sa tono ni Jane.

"Can we talk?"

"Nag-uusap na tayo," I state the obvious.

"I mean, can we talk? Maybe over dinner?"

Sigurado ako na importante kung ano man ang gustong sabihin sa'kin ni Jane. Pwede naman na over na phone na lang pero gusto nya pa sa personal. This is unusual of her. Hindi ako sumagot kaya naman nagtanong uli sya, "Can we Ron? Please. I need to tell you something. Something very important,"

"O..ok. Are you ok, Jane?"

"Yeah, just see me at dinner tonight," she said then she hang- up.

Very important, huh? Ano naman kaya 'yun?

***

*JANE

This is it. Ito na talaga. Wala ng atrasan. Kailangan ko nang sabihin kay Aaron kung gaano ko sya kamahal.

Pinilit ko naman patayin yung nararamdaman ko para sa kanya, eh. Pero parang tuwing ginagawa ko 'yun, lalo lang lumalala. Lalo ko lang syang namimiss. Lalo ko lang syang hinahanap.

Binigyan ko ng chance si Mae to prove herself to Aaron. Pero wala talaga eh. Sana 'wag nya na ipilit ang ayaw. Ako naman ang susubok. It's now or never. I have to take the risk. Pwedeng mahalin nya din ako pero pwede ding mawala na ang nag-iisang bagay na nag-uugnay sa'min ni Aaron, friendship. Sana hindi lang ako hanggang doon. I want more. I want to be his girl. I will be.

--

Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Dalawa lang ang maaring kalabasan ng pagtatapat ko. Sana, du'n ako sa sa positibo.

Nakita ko na ang sasakyan ni Aaron sa labas ng restaurant.  Inayos ko ang aking pagkakaupo at muling isinaisip ang mga dapat kong sabihin. Kailangan masabi ko sa kanya lahat.

"Kanina ka pa?" tanong nya bago pa man makaupo. Ito na naman ang abnormal na tibok ng puso ko. Nanginginig ang mga kamay ko. Sana maging maayos ang lahat.

"Hindi naman. Kakarating ko lang," sagot ko naman na may ngiti.

Nag-order na rin kami ng aming kakainin. Kaunti lang ang inorder ko para sa akin. Sa estado ng kaba ko ngayon, siguradong hindi rin ako makakakain.

"Ano bang napakainportanteng mong sasabihin at kailangan pa sa personal?"

Huminga ako ng malalim. Ito na Jane. Wala na talagang atrasan.

"Aaron, hindi na ko magpapaligoyligoy pa," panimula ko.

Agad namang dumating ang mga inorder namin.

"Ano nga 'yun Jane? Kibakabahan ako sa'yo eh,"

"Aaron gusto kita, gusto kita higit pa sa kaibigan. Mahal na kita Aaron,"

Biglang nanlaki ang mata ni nya sa rebelasyon ko. Hindi ko alam kung magugustuhan nya ako o ang set-up na bestriend nya na nagkagusto sa kanya. Doon kasi sya nasaktan, nang mahalin ni Kath na ex nya ang bestfriend nito. Hindi ko alam kung may pag-asa ba ang sitwasyon ko.

"J-jane.." gulat pa rin ang makikita sa kanyang mukha.

"Pasensya na Ron kung bigla ko na lang sinasabi sa'yo. Hindi ko na kasi talaga kayang itago 'tong nararamdaman ko,"

"Kelan pa 'to?"

"Matagal na Aaron, matagal na. Sorry,"

Napailing na lang sya. Parang naghahanap ng sasabihin.

Nagpatuloy lang ako, "Natatakot kasi ako na baka mahulog ka ng tuluyan kay Zyra. Oo, inaamin ko. Minsan ko nang sinabi sa'yo na bigyan mo ng chance si Zy pero iniisip ko pa lang na magiging kayo, parang binibiyak na yung puso ko," nagsimula na akong umiyak. "Alam ko napaselfish ko, pero Ron sana akin ka na lang. Hindi ko kakayanin pag napunta ka kay Zy,"

"Jane," tinawag nyang muli ang pangalan ko.

"Ron please, give us a chance. Malay mo tayo pala? Kilala mo ko Ron, hindi kita kayang saktan. Hinding hindi kita iiwan."

Hinawakan ko ang kamay ni Aaron na nakapatong sa table at mariin yung pinisil. Dinig na dinig ko ang pintig ng puso ko.

Ron please say yes.

*AARON

Hindi ko alam ang dapat sabihin. Hindi ko sigurado kung ano ang mararamdaman.

Kababata ko si Jane. Sya 'yung taong 'di nawawala sa tabi ko. Sya 'yung lagi kong kakampi at ang taong hindi ako iniwan ano man ang nangyari. Para ko na syang kapatid. Prinsesa ang turing ko sa kanya.

Sign ba ito na hindi talaga si Mae ang para sa'kin? Hindi ko alam. Naging kaibigan ko na rin si Mae at alam ko kung gaano nya ako kamahal. Alam kong masasaktan sya kapag naging kami na ni Jane. Pero 'di ko rin kayang saktan ni Jane. Ang bestfriend ko na simula pa lang ay nagpahalaga na sa'kin.

Ang magiging desisyon ko ay maaring magpabago ng buhay ko.

"Ok Jane, let's try,"

***

Lels!

Two more chapters na lang at tapos na ito. Yey! Umabot sya ng taon bago ko matapos. Hahahaha. Ang ikli lang naman eh pero bakit ganu'n katagal? Hindi ko alam. Tamad at feeling lang siguro talaga ako.

Comments please :)

She's Courting MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon