Twelve

565 12 0
                                    

Twelve

*Zyra Mae

Ito na ang araw na sinabi ko sa sarili kong, huli na. Pagkatapos ang araw na 'to, tatanggapin ko na sa sarili ko na kahit kailan, hinding hindi ako magugustuhan ni Aaron.

Pero kahit ganu'n pa man ang mangyari, masaya pa rin ako. Nagkaroon ako ng pagkakataon na makasama si Aaron na dating tinatanaw ko lang sa malayo at higit sa lahat naging kaibigan ko sya. Sapat na siguro 'yung mga bagay na 'yun para dalhin ko sa kabilang buhay.

Oo tanggap ko na. Matagal ko nang naitatak sa isip ko na ito talaga ang deadline ko. Hanggang dito lang talaga ang pahina ng kwento ko. Hindi na ko dumaan sa kung anu-ano pang mga gamutan.

Ang tagal akong pinipilit ni Mama na sumailalim sa operasyon o mga treatment pero 'di ako pumayag. Feeling ko kasi kapag pumayag ako, mas mapapadali ang buhay ko. Gusto ko na lang sulitin ang mga natitirang araw sa buhay ko. Mag-aaksaya lamang sila ng pagod. Kasi in the end, alam ko, maaga din akong mawawala. Alam ko. Nararamdaman ko. Hindi na kakayanin ng katawan ko.

**

Mabigat pa rin ang katawan ko pero pinilit kong tumayo. Baka kasi 'pag hindi pa ngayon, baka wala na 'kong bukas.

I want to see Aaron for the last time. Kung ano man ang nararamdaman nya sa'kin ngayon, maluwag kong tatanggapin. Maybe hindi lang talaga ako ang para sa kanya.

"Good morning handsome," bati ko sa kanya ng maabutan ko sya sa Cafeteria. Mukhang gulat na gulat naman sya ng makita ako. Bigla silang naglayo ni Jane ng makalapit ako. "Long time no see. Namiss mo ko 'no?" sabi ko pa na may malapad na ngiti at umupo sa harapan nila.

Ngumiti lang silang dalawa si Aaron.

"I want to go somewhere, can you come with me, Ron?"

Tumingin naman si Aaron sa bestfriend nya na parang humihingi ng permiso. Hinawakan naman ni Jane ang kamay ni Aaron at tumango ng marahan.

"Sige lang Ron, it's ok. Enjoy kayo," sabi pa ni Jane at tumayo na. "Pano ba yan? Una na ko ah? May klase pa ako, e."

Nag-b-bye na ako sa kanya at hinarap na si Aaron.

"So pano? Tara na?" aya ko pa sa kanya.

Nakaramdaman naman ako ng lungkot. Parang alangan syang sumama sa'kin. Ilang araw lang akong nawala parang bumalik na kami sa umpisa.

"Let's go,"

Tinanong nya pa ako kung saan ko gusto magpunta. Sinabi ko naman sa kanya na gusto kong maranasan yung mga usual dates. Dinner together, amusement parks, arcades at kung anu-ano pang ginagawa ng mga couple.

Bawat aya ko kay Aaron, sige lang sya. Pinagbibigyan nya naman lahat ng gusto ko pero parang 'di ko sya kasama. Wala sa'kin ang atensyon nya. Hanggang ngayon ba Aaron?

"Ano ba yan, Ron? Itago mo nga 'yang cellphone mo. Hindi mo ko pinapakinggan, e!" sabi ko ng nakapout. Nakakapagtampo. Kung sabihin ko kaya sa kanya na huli na to magiging mabait kaya sya sa'kin? Kung sabihin ko kaya sa kanya na mamamatay na ako mamahalin nya kaya ako? Definitely, no. Alam kong maaawa lang sya sa'kin.

Ngumiti naman sya at tumingin sa'kin. "Oo na po. Sige na. Wala na oh," pinakita nya pa ang palad nya sa'kin patunay na wala na syang hawak na phone.

"Tara MOA tayo!" bigla kong aya sa kanya.

"Are you sure? Nasa North tayo Mae! Seriously?" tanong nya na salubong na ang kilay.

Tumawa ako ng bahagya. "Kahit nakakunot ang noo mo, ang gwapo mo pa rin." puna ko sa kanya na ikinapula ng mukha nya.

"Dali na! May sasakyan ka naman eh. Dali na habang maaga pa. 'Dun na lang tayo mag-dinner." pinakita ko pa sa kanya ang napakagandang ngiti ko.

"Oo na. Oo na."

Kailangan kong sulitin ang araw na 'to. Pagkatapos nito. Kailangan ko ng gumising sa kahibangan ko.

Mabilis naman kaming nakarating sa Mall of Asia. Inaya ko sya sa isang fastfood.

"Seriously Zyra Mae? Nagpunta tayo from North to South para lang kumain ng Jollibee?" nakakunot na naman ang noo nya.

"Hehe. Sorry na!" nagpeace sign pa ako. "Iba naman kasi ang ambiance dito!"

He just roll his eyes. Ang gwapo talaga.

Pagkatapos kumain. Inaya ko na lang syang maglakad sa seaside. Gusto kong makita ang sunset.

******

*AARON

Nakita ko kung gaano kasaya si Mae ngayong araw na 'to. Kung saan saan kami nagpunta. Kahit saan nya maisipang pumunta hinihila nya lang ako. Nagpapahila naman ako.

Kahit itanggi ko, hindi kayang pigilan ng mga labi ko ang mapangiti. Makita ko lang si Mae parang gumagaan na yung pakiramdam ko. Parang ang gaan gaan nya. Parang walang syang problema.

Parang ngayon na kung makasingot ng hangin, akala mo walang polusyon dito sa syudad. Pinagmasdan ko lang ang nakapikit nyang mga mata at nakangiting mga labi habang dinadama ang hangin.

Hindi naman maipagkakaila na maganda si Mae. Sobrang payat nga lang nito at sobrang putla. Kung hindi ko lang alam na hyper ang isang 'to aakalain kong may malubha syang karamdaman.

Bigla naman dumilat ang mga mata nya at tumingin sa akin. "Alam mo pangarap ko talagang makapunta dito kasama ang taong mahal ko para manood ng sunset," nakangiti nyang sambit. "Parang ang romantic kasi, e. Pero mas romantic siguro kung mahal din ako ng mahal ko."

Ngumiti sya. Pero 'yung 'di aabot sa tenga. Malungkot na ngiti.

"Mae, I have something to tell you,"

Ito na. Kailangan ko ng sabihin sa kanya. Para hindi na sya umasa. Naalaala ko ulit yung huling text sa'kin ni Jane bago ko itago ko ang phone ko nang mapansin ni Mae.

'You have to tell her no matter what. Para hindi na sya umasa. Kapag pinatagal mo pa mas lalo lang syang masasaktan. I love you'

Inaamin ko. Gusto ko na si Mae. Pero ayaw kong masaktan si Jane. Siguro si Jane talaga ang para sa'kin. I have this feeling kasi na kagaya lang sya ni Kath. Iiwan nya din ako. Pero kay Jane, I know my heart will be safe.

Lumapad naman ng ngiti ni Mae. "Don't tell me, mahal mo na ako? OMG!" sabi nya pa at nagpaypay pa ng sarili gamit ang kanyang mga kamay.

"No, not that," bigla na naman syang nag-pout.

"May girlfriend na 'ko, Mae," inasahan ko na iiyak sya at magdadrama pero hindi. Nginitian nya lang ako na lalong nagpasikip ng dibdib ko.

"Is it Jane?" tanong naman nya. Tumango lang ako kaya nagpatuloy sya. "Masaya ako para sa inyo. Nakikita ko naman sa mga mata mo kung pano mo sya tignan, e. You care for her. You love her. Mas magiging panatag na pala ang pag-alis ko."

"What do you mean? Aalis ka?" parang nalungkot naman ako sa isiping 'yun.

"Yeah. Ang totoo nyan, ipinangako ko sa sarili ko na ito na ang huling araw na kukulitin kita. Sakto naman ang pag-amin mo na may girlfriend ka na at si Jane pa. Sigurado ako na 'di ka nya papabayaan. Panatag na ako," nakangiti nya pang saad. "Pangako simula bukas, hindi na kita guguluhin. Magiging panatag na rin kayo ni Jane. Sana magtagal kayo,"

Ewan ko pero nasasaktan ako. Gusto kong bawiin lahat ng sinabi ko at sabihing nagbibiro lang ako pero 'di ko nagawa.

"Hindi mo man lang ba ako yayakapin? Sige ka mamimiss mo ko!"

Niyakap ko naman sya. Halos madurog ko na ang maliit nyang katawan. Bakit gan'un? Parang I have this feeling na after this day 'di ko na sya makikita? Mas hinigpitan ko pa ang yakap sa kanya.

"'Wag mo akong ipitin Aaron. Mas mapapaaga ako nyan, e."

"Huwag ka ngang nagsasalita ng ganyan! Tara na nga hatid na kita. Gumagabi na, oh,"

"Hindi na kailangan. May pupuntahan pa ako, e. Mauna ka na. Kaya ko na ang sarili ko."

"Sigurado ka?" tumango naman sya bilang tugon.

"Magkikita pa tayo, ok?"

Hindi sya sumagot bagkus binigyan nya ako ng makahulugang ngiti. Naglakad na sya palayo at kumaway na sa akin.

She's Courting MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon