six-- Deal
MAE
Yipee. Kasama ko si Aaron sa mall!
"My labs san mo gusto pumunta?" tanong ko sa kanya habang naglalakad kame. Bali patalikod akong naglalakad.
"Ako ba nagyaya?"
"Tss. Sungit! Kaya nga tinatanong eh. Kung di lang kita mahal naku!" sabi ko tapos kinurot ko yung pisngi nya.
"Ano ba?"
"Oo na titigil na. Ang cute mo kase eh!"
"I know"
Buti naman at medyo lumelevel up na ako. Kinakausap na ako kahit papano ni Ron babes. Kaso may may pagkamasungit lang talaga. May red tide ata lagi to eh.
"Salamat sa pagsama saken ah. kahit alam kong napilitan ka lang. Wala kase ako magawa sa bahay eh. Nakakabaliw kaya ang walang kausap"
"Like I care"
I just forced a smile. Kahit minsan ba di nya kayang magpakabait saken?
AARON
Bigla naman daw akong nakonsensya sa nasabi ko.
No choice naman talaga ako kaya ako sumama. Pero andito na rin lang naman ako diba? Why not enjoy?
Hinila ko lang sya sa kung saan. Kumain lang kame ng kumain at nagpicture picture.
Una nagulat pa sya sa ginawa ko. Pero bigla ding napalitan ng saya ang mukha nito.
Lalo syang gumaganda.
AARRRRGHHH! Ano ba tong sinasabi ko?
Matapos namen kumain ay pumunta naman kame sa may arcade. Ako ang nagbayad ng token namen. Pati lahat ng ginastos namen sa date daw na ito. Kahit pa sya ang nagyaya, ayoko na pinagbabayad ang babae.
Unang stop namen ay yung arcade, sa may tekken.
"Marunong ka nito?" biglang tanong ko sa kanya.
"Oo naman. Magaling ata ako dyan" proud pa na sabi nya
"Talaga lang huh? Ok ganito.." tapos humarap ako sa kanya. Nakaharap na kase kame dun sa may arcade "Let's have a deal. Kailangan sundin ng natalo ang mananalo. Ok ba yun?"
"Eh baka paglayo ko pa ang hilingin mo eh"
"Akala ko ba magaling ka? Bakit parang natatakot ka?"
"Ihhh. Pero... Sige na nga. Baka sakaling maging instant boyfriend na kita"
"Bawal yun!"
"Andaya naman"
"Edi pwede din ang paglayo mo saken"
"Sige na nga.. Wag na muna yung boyfriend thingy. Alam ko naman na sasagutin mo din ako eh. In time eh.." tapos kinindatan nya ko.
"Asa. Pano deal?"
"Sige na nga! Deal!"
"Ok deal!"
Nag-umpisa na kameng maglaro. At langya! Ang galing pala neto. Halos masira ko na tong machine kakapindot ko, sya naman gentle lang. Sanay na sanay. I should have known. Ang daya!
Natalo na ako sa unang round. Tapos...
Game over. Player 1 wins...
"Shit" napamura tuloy ako.
"Haha. Weak ka pala Aaron eh. Hahaha" walang tigil na sya sa kakatawa. Kahit maingay dito sa loob rinig na rinig ko sya. Malamang magkatabi kame.
"What's funny?" seryoso kong tanong
"Ah-hehe. Wala.. Pano? Yung deal ah! Wala ng bawian." paninigurado nya
"Yeah Yeah. Whatever.."
After noon. Hinila nya ako sa may kuhaan ng laruan. Ikuha ko daw sya para sweet..
"Dali na Ron. Pleasseee!"
"So ito na yung gusto mong gawin ko?"
"Hindi ah. Madali lang yan eh"
"Madali pala eh. Baket hindi ikaw ang kumuha?" tss. Madali lang daw.
"Dali na kaseee! Para sweet nga diba?"
"I don't want to act sweet lalo na sa'yo" walang reaksyon na sabi ko
Bigla na namang lumungkot ang mukha nya. Hayyyy!
"Oo na. I'll get you one. Uuwi na tayo after this ok?"
"Yes sir!" sabi nya tapos nagsalute pa. Ang cute lang..
Nakakaisang token pa lang ako nakakuha na agad ako. Swerte siguro.
"Wow Ron ang galing mo talaga! Kung ako ubos na lahat ng token ko wala pa kong makukuha"
Hindi na ko nagsalita pa..
Hinatid ko na sya sa kanila. Papaandarin ko na sana ang sasakyan ng bigla syang kumatok sa may bintana.
"What now?" iritado kong tanong
"Tsss. Sungit. Sunduin mo ko bukas ah. Remember our deal? You should start being good to me tomorrow specially in school. And to start with.. You should ride me to school."
"WHAT??!!"
"Wala ng bawian. Bye Ron. Good night..."
BINABASA MO ANG
She's Courting Me
Short StoryYes. She's a she. The girl who's the one courting. Pero may pag-asa kaya na sagutin sya ni Aaron kahit na she reminds him of his past? May happy ever after kaya?