five TITA ANDREA

518 13 0
                                    

five TITA ANDREA


Ang Boriiinnnggg!


Wala kase akong kasama sa bahay eh. May importanteng aasikasuhin si Mama.


Pinagbawalan nya naman akong lumabas.


Pero sandali lang naman ako diba? Haha.


Saka kila Ron babes naman ako pupunta eh!


Bawal pero tatakas ako. Talagang masarap talaga gawin ang bawal. Diba?


Malapit lang ang bahay nila Ron babes samen. Mga tatlong kanto lang. Haha. Pareho lang kase kame ng subdivision.


Nag-ayos na ako at nagpaganda. Dapat presentable akong makikita ni Aaron. Malay nyo? Maturn on na sya saken. Tapos sasagutin na nya ako. Tapos magiging kame na. Tapos.. Tapos.. Imagination -.-


--

*labas ng bahay nila Aaron my labs

Nagdoorbell ako. Maya-maya may isang anghel ang iniluwa ng pintuan. Kitang kita ko kase yung gate nila parang rehas. Haha.


"Hi Aaron. Good Morning" nakangiting bati ko pero nanatili syang pokerface.


"Hindi mo man lang ba ako pagbubuksan ng pinto?" tanong ko.


Binigyan nya naman ako ng napakabilis na sagot na hindi man lang lamang nagbabago ang expression sa mukha "Hindi" tapos akmang babalik na sya sa loob ng bahay.


"Ron naman eh!" daing ko sabay kalampag ng gate. Kala mo ha!


"Umalis ka nga dito! Pano ka nakapasok sa subduvision na to? tsk tsk. Dapat hindi sila nagpapapasok ng baliw dito eh."


"Ang sweet mo talaga eh no? Malamang papasukin ako kase dito ako nakatira." tapos ngumiti muna ako bago ko sabihing "Saka sa'yo lang naman ako baliw eh. Baliw na baliw sa'yo"


Nakita ko ang pagblush nya. Hangkyuuut.


"Uy si Aaron! Kinikilig" asar ko pa


"Asa" sabi nya tapos tumalikod na ule saken.


"Aarrroooonnnn!" sigaw ko habang patuloy na kinakalampag yung gate.


Tapos dahil siguro sa ingay ko ay may isa na namang anghel ang iniluwa ng pinto.


"Aaron what's going on?" tanong nung anghel


"Nothing Ma. May namamalimos lang po!"


"Ganda ko namang pulube!" bumaling naman ako sa mama nya. "Good Morning po!"


"Good Morning iha. What can I do for you? Hindi ka naman mukhang namamalimos ah." lumapit naman sa may gate yung mama ni Aaron kung nasaan ako. "You must be Mae. Right?"


"A opo" sabay tango ko pa. Tapos pinagbuksan na nya ako ng gate. "Saka totoo pong namamalimos ako. Namamalimos ng pagmamahal mula kay Aaron"


"Ikaw talaga! Finally na meet din kita! Lagi kang nakwekwento saken nitong anak ko!" masayang sabi ng mama ni Aaron.



"Ma correction! Hindi ako nagkwekwento tungkol sa kanya. Si Jane yun."


"Whatever!" sabi ng mama ni Aaron tapos umirap. Hala ang cute! Haha. "Let's go iha" sabay hila nya pa saken.


"Ma! Wag mo ngang papasukin yan!"



"Aaron stop it. Bisita naten sya ok?"


Nilingon ko si Aaron saka kinindatan. Naiwan kase syang nakatayo doon eh. "Bisita daw ako Mylabs"


Nang makapasok kame ng Mama ni Aaron nagkwentuhan agad kame at ipinaghanda nya ako ng meryenda.


Si Aaron naman agad agad na umaakyat. Malamang didiretso sa kwarto nya. Buti na lang talaga tumakas ako. Nawala lahat ng bagot ko. Kung magkwentuhan kame nitong Mama ni Aaron parang matagal na kameng magkakilala.


"Tita Andrea"


"Po?" tanong ko. Bigla na lang kaseng nagsalita yung Mama ni Aaron from nowhere. Pinagmeneryenda nya kase ako.


"Sabi ko just call me Tita Anrea. Ok? At pag napasagot mo na ang anak ko you can call me Mama na. Ok?"


"Oo naman po tita Andrea"


Kung makapag-usap kame ni tita parang matagal na kameng magkakilala. Kung ano ano ang kinukwento nya saken tungkol kay My labs. Feeling ko part of the family na ako. Hihi.


At isa pang hihi BOTO DAW SYA SAKEN! O dava? Kinikilig talaga ako.


"Ah tita pwede po bang magpasama kay Aaron?"


"Sure dear. Ofcourse. Just wait here. I'll call him"


"Thank you po tita"


Umakyat na naman si Tita Andrea para tawagin na si Aaron


AARON


Habang nagcocomputer ako bigla na lang bumukas yung pinto.


"Ma! Didn't you know how to knock?"


"Bahay ko to sweetie kaya wala kang karapatang magreklamo" sabi nya tapos pumasok na sya ng tuluyan sa room ko.


"Come on baby fix yourself"



"Why would I? Mamaya pa ang lakad ko"


"Mae like to go the mall. You'll come with her"


"No"


"YES. If you will not accompany her. I will cut your allowance. Are we clear?"


"Do I have a choice?"


"Wala na sweetie. Dalian mo. Masamang pinaghihintay ang babae"


"Alright"


Yun lang at lumabas na sya ng room ko at nag-ayos na rin ako. May magagawa pa ba ako?

She's Courting MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon