Thirteen
*Aaron
Halos dalawang linggo na 'mula nung huling pagkikita namin ni Mae. Hindi ko na sya nakikita sa school at hindi ko naman sya naisipang dalawin sa kanila.
Natatakot kasi ako. Natatakot ako na baka pag nakita ko sya, babawiin ko lahat ng sinabi ko at sa huli, ang bestfriend ko naman ang masasaktan.
Pero tama ba 'tong ginagawa ko? Sa desisyon kong ito alam kong nasaktan ko si Mae and to be honest, nasasaktan din ako. Sobra.
Bawat araw na dumadaan lalo ko lang syang namimiss. Hindi ko na maipagkakaila pa sa sarili ko na nahulog na ako sa kanya. Pareho kaming nasasaktan. Pareho naming mahal ang isa't isa. Pero pano si Jane? Baka naman sa tamang panahon, mahalin ko din sya gaya ng pagmamahal nya sakin. Pero hanggang kailan? Dahil sigurado na ako ngayon na iisa lang ang itinitibok ng puso ko. Si Zyra Mae.
Nung umpisa, nakikita ko sa kanya ang babaeng minsang minahal ko din ng sobra. Pero dahil din sa kanya kaya ako nakalimot. Dahil sa kanya nawala lahat ng sakit sa puso ko at natuto ulit akong maging masaya. Dahil sa kanya, hindi ko na napipigilan ang sarili kong mapangiti. Iba talaga si Mae. Hindi ko dapat sya ikinukumpara sa kahit na sino pa man.
"Hey, are you listening?" biglang tanong sa'kin ni Jane while snaping her fingers on my face.
"Ha?" matagal na pala akong nag-iisip. Wala man lang akong naintindihan sa sinabi ni Jane ni isa.
"Lutang ka na naman," malungkot na saad nya. "Kanina pa ako nag-k-kwento dito wala ka man lang narinig."
"Sorry Jane, may iniisip lang ako."
"It's Zyra right? Simula nung date nyo last last week naging ganyan ka na. Tayo na nga pero 'di ako masaya. Alam mo kung bakit? Kasi alam kong napipilitan ka lang. Kasi alam kong may iba kang gusto."
"J..jane"
"Alam ko naman Ron, e. Nagbubulagbulagan lang ako. Bago pa man ako humingi ng chance sa'yo alam ko na na may nararamdaman ka na para kay Zy. Nakikita ko kung gaano ka kasaya kapag kasama mo sya. Bestfriend mo ko Ron kaya nakita ko na kay Mae ka lang naging tunay na masaya at humihingi ako ng tawad dahil pinigilan ko ang kasiyahan mo," mahaba at naiiyak na litanya ni Jane.
"I'm sorry,"
"Hindi mo kailang magsorry Ron. Kasiyahan mo yan. At dahil mahal kita, pakakawalan na kita." nakangiti sya pero may luha ang mga mata nya.
"Pero Jane.."
"Ok lang ako 'no! Akala mo ba ikaw lang ang lalaki sa mundo? Aba! Feeling pogi ka masyado. Sa ganda kong 'to? Marami pa akong makikita na mas better sa'yo!"
Hindi ako umimik.
"O bakit parang gulat na gulat ka? 'Di ako bitter 'no! Samahan pa kita kay Zy, e."
"Samalat Jane. Maraming salamat."
"Sige na puntahan mo na sya bago pa mahuli ang lahat at baka magbago pa ang isip ko."
Sa sobrang tuwa ko. Niyakap ko sya ng mahigpit at hinalikan sa pisngi at nagpaalam na sa kanya. Iba talaga ang bestfriend ko.
Hintayin mo ko Mae. Malapit na ako.
***
Nang makarating ako sa kanila, mabilis akong nagdoorbell. Excited na ako na makita si Mae. Wala ng hadlang sa relasyon namin. Naamin ko na sa sarili ko na mahal ko sya at ok na kami ng bestfriend ko.
Ang Mama ni Mae ang nagbukas ng pinto at nagulat pa ito nang makita ako.
"Good morning po Tita. Pwede po ba kay Mae?"
BINABASA MO ANG
She's Courting Me
Short StoryYes. She's a she. The girl who's the one courting. Pero may pag-asa kaya na sagutin sya ni Aaron kahit na she reminds him of his past? May happy ever after kaya?