FEELING WRITER ALERT! XD Sorry kung matagal ang update ah? Hinahanap ko pa kasi yung draft ko nito eh. Maikli lang itey. Pag di ko pa nahanap, gagawa na lang ule ako ng bago. Chosss. Enjoy ♥
---
Chapter 8: AYOKO NA
AARON
Kakatapos lang ng class ko. Susunduin ko na si Mae para maisabay ko na sya pauwi. Nasanay na talaga ako sa baliw na yun. Pero pwede naman akong di tumupad sa deal na yun diba? Laro-laro lang naman yun. Di ko maintindihan ang sarili ko kung bakit nagpa-uto ako.
Nang makarating ako sa tapat ng classroom nila, may narinig akong babaeng umiiyak. Wala pa namang kataotao sa hallway kaya rinig na rinig ko ang bawat hikbi ng babaeng yun, dahil wala nang maingay.
Sumilip ako sa pintuan ng classroom at nakita ko si Mae na nakasubsob ang mukha sa desk nya. Dahan dahan akong pumasok sa room para hindi ko sya magulat.
"Mae" pagtawag ko pa sa atensyon nya. Ano kaya ang nangyari dito? Nag-aalala ako.
Dahan dahan nyang inangat ang ulo nya para silipin ako. Nakita ko ang mapupula at namamaga nya ng mga mata, marahil dahil sa kakaiyak. Hindi pa rin tumitigil ang paghikbi nya.
"What happen? Bakit ka umiiyak?"
"Ayoko na Ron, ayoko na"
"Anong ayaw mo na? Tell me" hinagod ko pa ang kanyang likod para patahanin sya. "Andito lang ako"
Bigla syang umayos ng pagkakaupo at tinignan ako diretso sa mata ko. Kitang kita ko sa mga mata nya na malunglot sya. Bigla nya naman akong niyakap na ikinagulat ko. Bigla na lang bumilis at naging abnormal ang tibok ng puso ko. Para bang biglang nagkaroon ng kung ano mang nilalang sa tyan ko. Hindi sila basta paruparo, mas malaki pa ata sa mga yon. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko.
Natauhan naman ako ng bigla syang nagsalita. "Ron, ayoko na talaga" sabi nya sa pagitan ng mga hikbi.
"Tahan na" niyakap ko sya ng mahigpit at patuloy na pinapatahan. Patuloy lang sya sa pag-iyak. Kumalas ako sa yakap ko sa kanya at hinawakan ang magkabilang balikat nya. "Ano ba kasi talagang nangyari?"
"Ron.. Ron.. Ayoko na sarili ko. Ayoko na. Pagod na ko. Ayoko na. Pwede bang.. Sayo na lang ako?" bigla naman lumuwang ang mga ngiti nya matapos nyang sabihin yun. "Uy nag-alala sakin si My labs. Love na nya ako. Pero seryoso, sa'yo na lang ako please!"
Binitawan ko na ang balikat nya. "Are you making fun of me?" Shit. Naiinis ako. Nangtitrip lang pala sya. Nakita nya tuloy na nag-aalala ako para sa kanya.
"Hi-hindi naman yun ang gusto kong mangyari eh. Gusto ko lang naman bumanat sa'yo" diretso na yung pagsasalita nya. Wala na yung mga hikbi. Ang galing umarte.
"Hindi nakakatuwa" naiinis talaga ako. Pagsabi ko nun, umalis na ako sa room nila at iniwan sya. Bahala sya! Umuwi sya mag-isa. Hindi magandang biro ang ganun. Nag-alala talaga ako sa kanya. Akala ko pa naman may kung ano na ang nangyari.
Shit! Anong sabi ko? K fine. Nag-aalala ako. Kasi, kasi.. ah basta!
*ZYRA MAE
Gusto ko lang naman talagang bumanat kay Ron. Pano ba naman kasi? Lahat na lang ng ibabanat ko, alam na nya. Nag-isip tuloy ako ng gimik para di nya ako maunahan sa banat ko.
Nakita ko kung gaano nag-alala si Ron para sakin. Kitang kita sa seryoso nyang mukha. May part sakin na natutuwa dahil nag-alala sakin si Ron, kaso may part na naguguilty. Ano ba naman kase yung ginawa ko? Ginalit ko yung tao. Nag-alala sya para sakin.
Agad agad ko syang sinundan matapos nyang lumabas ng room. Ang bilis nyang maglakad. Ang laki ba naman ang hakbang eh.
"Ron, wait lang naman oh. Sorry na!" sabi ko ng hingal na hingal. Kakapagod kaya maghabol. Pero kung mahal mo, worth it.
Patuloy lang sya sa pagkalakad. Hindi na nya ko pinapansin. Nagtatampo ang My labs ko. Hihi.
"My Labs naman. Sorry na. Di na mauulit" sabi ko nang maabutan ko sya sa paglalakad pero di na nya pa rin ako pinapaansin.
Pumasok na agad sya sa kotse. Sumunod naman agad ako. Mahirap na, baka iwan nya ako eh.
"Ron sorry na please." pagmamakaawa ko pa sa kanya. Ang hirap talaga suyuin nito. "My labs naman eh. Akala ko kasi kikiligin ka sa banat ko eh. Pansinin mo na ko please."
Ang dami ko ng sorry, wala pa ring epek. Huhu.
Andito na kame sa sasakyan pero di nya pa rin pinapaandar. Mukhang badtrip talaga to.
Tumahimik na lang ako kaya nagulat na lang ng bigla syang magsalita. "Hindi yun magandang biro. May paiyak-iyak ka pa. Akala ko kung ano ng nangyari sayo. Sa susunod wag na ganun ah. Hindi nakakatuwa" seryosong sabi nya.
"Sorry na. Promise di na mauulit" sabi ko pa ng may malapad na ngiti.
"Dapat lang" dugtong pa nya bago nya pinaandar yung sasakyan.
Lalo namang lumapad ang pagkakangiti ko. Nag-alala sakin si Ron. Means may part na ko sa buhay nya. Kinikilig ako. Hihi.
"Anong nginingitingiti mo dyan?" tanong nya ng mapansin ang pagtitig ko sa kanya habang nakangisi.
"Wala lang" nagkibit balikat lang ako. Di ko pa rin inaalis yung ngisi at titig ko sa kanya.
"Stop staring at me" sabi nya sakin ng di inaalis ng tingin sa kalsada.
"Ayoko nga. I just can't stop staring at you. Kasalanan mo. Ang gwapo mo kasi" nakita ko naman ang pagpula ng mukha nya. "Uy kinikilig si My labs." sabi ko sabay tusok tusok ko sa braso nya.
"Mae stop it" naiinis na yung tono nya.
"Alright" sa bintana na ako humarap pero di pa rin maalis ang ngisi ko. "Kinikilig ka lang eh"
Dahil sa lutang ako dahil sa pag-aalala ni Ron, di ko namalayan nakauwi na pala kami. Ay ako lang pala. Nasa tapat na ako ng bahay ko.
"Di mo man lang ba ako pagbubuksan ng pinto?"
Tinignan nya lang ako ng masama.
"Sige na. Bababa na po!" sabi ko ng nakapout. "Sandali lang pala, patingin muna ng kamay mo"
"Bakit?" nagtatakang tanong nya
"Basta akin na" nakalahad na yung kamay ko. Hinihintay ko yung kamay nya. Binigay din naman nya. Ang sarap hawakan shet! Parang ayaw ko na bitawan.
"Ano ba kasi yun? Chansing ka lang eh" nginisian pa ako ng poging. Kalainlove.
"Bakit ganun?" sabi ko pa habang ineeksamin yung kamay nya. "Hindi naman malaki ang kamay mo pero bakit hawak mo ang mundo ko?" ang lapad pa ng ngiti ko.
Wala na naman syang reaksyon. Bakit ganun? Huhu.
"Ang corny mo talaga. Bumaba ka na nga o gusto mo kaladlarin pa kita pababa?"
"Che. Ang sama mo talaga sakin. Bababa na nga oh"
Hinintay nya naman akong makababa at makapasokng gate namin. Pagkakaway ko sa kanya saka nya lang pinaandar yung sasakyan at umalis.
***********
a/n:
Sorry kung lame at maikli. Hindi ko mahanap yung draft. Baka gagawa na lang ako ng bago.
BINABASA MO ANG
She's Courting Me
Short StoryYes. She's a she. The girl who's the one courting. Pero may pag-asa kaya na sagutin sya ni Aaron kahit na she reminds him of his past? May happy ever after kaya?