Nine

511 11 0
                                    

Nine

*ZYRA

Sa pagdaan ng mga araw mas lalo kong minahal si Aaron. Nasa kanya na talaga ang mga katangian na pwede mong hanapin sa isang lalaki minus lang yung pagsusungit nya sakin.

Naaalala ko pa rin noong una ko syang nakita. How she care for her girl. He was a good boyfriend yet sinaktan pa rin sya nito. Naiinggit ako sa kanya. She had Ron pero sinayang  nya.

"Sweetie andito na si Faith. She's waiting for you downstairs," tawag sakin ni Mom. Faith is my cousin.

"Zy! I miss you!" bungad sa akin ni Faith.

"Grabe naman Faith, sayo ako mamamatay eh!" pano ba naman? Ang higpit ng yakap nya sakin.

"Sorry Couz, hindi mo man lang ba ko namiss?"

"Ofcourse I miss you!"

Umakyat na kami ng room ko. Nagdala na lang kami ng food for midnight snack.

"Are you sure wala kang jetlag?" I ask her. She went here straight from New York. Sa kabilang panig ng mundo.

"Medyo. Pero I really wanted to talk to you. I miss you cous. Pwede namang buong araw akong magrest tomorrow," paliwanag nya.

"What about me? Tinanong mo na ba ako kung gusto kitang kausap?" pang-aasar ko sa kanya.

"Cous naman eh," nakapout pa ang lips. Pa cute na naman ang bruha. "Bakit kasi ayaw mong sumama sakin sa New York. Andun naman ako for you eh. Your family is there. Lagi kaming andito para sa'yo."

"Bakit ang drama mo?"

Ngumiti naman sya ng mapait. "Masisisi mo ba ako? Look at you. You're getting worst. 'Di mo na naaalagaan ang sarili mo," sabi nya ng may malungkot na tono.

"Faith naman eh. Wag na nating pag-usapan," paki-usap ko. I don't want anybody to know.

"Anong wag pag-usapan? Tell me about that guy that you choose to be with over me!" nakataas na ang kilay nya at seryoso ang mukha.

"Alright," pagsuko ko. Panigurado hindi naman ako titigilan nito. Besides, she's not just my cousin but also my bestfriend.

Kinwento ko naman sa kanya ang lahat ng pinagdaanan ko simula ng ligawan ko si Aaron. Binawasan ko lang ng konting kasungitan. Baka agad agad kasi akong isama sa kanila.

"Are you really sure about him? Do you really love him? Sige nga Mae, what if sagutin ka na nya? What if he fall for you hard? Naisip mo man lang ba yung nararamdaman nya? Huh? Mae, you know your situation. Your unstable. Magugustuhan mo ba na makita syang nasasaktan? Mae masakit ang maiwan! kaya please, if you really love that guy, if you really love your family, habang maaga Mae, habang hindi pa huli ang lahat. Please sumama ka na sakin sa States," mahabang litanya ni Faith.

It's like a hundred arrow straight into my heart. Para akong nabuhusan ng malamig na tubig. Realization kicks me. Sarili ko lang ba talaga iniisip ko? Hindi ko ba talaga inisip ang maramdaman ni Aaron kapag nawala na ko? I'm so stupid for realizing it just now.

She's Courting MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon