three BESTFRIEND

587 12 0
                                    

three- BESTFRIEND

"Edi sila na bagay"

Para akong baliw na kinakausap ang sarili ko. Ay mali! Baliw na pala talaga ako! Matagal na! Dahil sa lecheng love na yan!

Kahit ilang ulit ko sabihin sa sarili ko na OK lang. Ang sakit pa rin. Masakit na makita ang taong mahal mo na may mahal na iba. Na ang taong pinipilit mong pasayahin ay mas ikakasasaya ang iyong pagkawala at ang makasama ang iba!

Ibang klase talaga ako no? Di naman naging kame pero nagmomove on ako. Eh kase naman eh. Huhu.

I just continue my life. Dapat daw wag ma-istress. Baka daw makasama saakin. Kaya para mabawasan ang sakit na nararamdaman ko mas minabuti ko muna na wag lumapit kay Aaron. Bitter ako eh. Para na rin maging tahimik na ang buhay niya.

AARON

Hayy ! Sabi na nga ba effective ang plano ko eh . Di na ko ginugulo ng babaeng yun ngayon. Naging peaceful na ule ang mga araw ko. Wala ng makulit at maingay na umaaligid sakin.

Sinabi ko kase sa kanya na mahal ko ang bestfriend ko. And kame na. Pero di yun totoo. Matagal ko din bago ko napapayag si Jane. Pero buti na lang pumayag siya dahil kung hindi malamang andito pa rin yung Mae na yun. Marunong din pala siyang umintindi.

Andito ako ngayon sa canteen kasama si Jane.

"Sigurado ka ba sa ginawa mo Aaron? kawawa naman yung tao. Mukhang mahal ka lang talaga niya"

"Ano ka ba Jane? Mas naaawa ka pa sa kanya kesa saken diba ako ang bestfriend mo? Hayaan mo siya. Payapa na ule ang buhay ko simula ng nawala siya"

"Di naman sa ganun Ron. Ang akin lang mukha namang sincere yung tao. Baket di mo bigyan ng chance?"

"Chance ka dyan! Tigilan mo na nga lang yan. Ang mga tulad niya di dapat pinag-uusapan. Wag na natin siya pag-aksayahan ng panahon"

"Ewan ko sa'yo. Ikaw rin baka sa huli pagsisihan mo ang lahat"

"Hinding hindi mangyayari yun"

Ang kulit talaga nitong Jane na to eh. Sabi na ngang wag pag-usapan. Tsk.

"Ron, dahil ba to kay Kath? Mahal mo pa rin siya no ?"

Hay ! Ang kulit talaga ! Layasan ko nga. Naglakad na ko palabas ng Canteen at pumunta sa my field ng school at doon na lang tumambay.

JANE

"Ron, dahil ba to kay Kath? Mahal mo pa rin siya no?"

Nilayasan ba naman ako? hmp. Kung di ko lang siya mahal eh!

Yes! Mahal ko ang Bestfriend ko. Mahal ko si Aaron higit pa sa kaibigan.

But he just see me as his friend. just a FRIEND. Parang kapatid na ba? Kaya nga natatakot akong magtapat sa kanya eh. Kase baka pag nalaman niyang gusto ko siya baka masira ang pag-kakaibigan namen. Yun na nga lang ang pinanghahawakan ko eh! sisirain ko pa?

Kaya nga bilib ako kay Mae eh. Nagawa niyang sabihin kay Aaron ang nararamdaman niya. She's even courting him. I really admire her atittude. Sana ganun na lang din kalakas ang loob ko.

Naaawa nga ako sa kanya eh. Kase pag lumalapit siya kay Ron lagi na lang siyang sinisigawan at pinapahiya nito.

Lalo na ng magpanggap kame ni Aaron na may relasyon na kame. How I wish na totoo na lang yun. Pero hindi. Para daw di na siya guluhin ni Mae ako ang pinaka magandang solusyon.

Tuwing may bago kaseng girlfriend si Aaron that look decent. Dumidistansya sa kanya si Mae kaya kung ako daw ang magiging girlfriend niya baka tuluyan na daw itong lumayo.

Naging effective naman ang plano niya. Talagang di na nagpakita si Mae. Nagkikita kame sa ilang activities sa school pero di na siya lumalapit para mangulit.

He's always acting sweet to me whenever Mae was around. Sana lagi na lang andyan si Mae para laging ganun si Aaron saken but there's a part of me that tells na naaawa para sa kanya.

She's Courting MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon