Samantha's POV
Nagising ako sa isang kwarto. Puro kulay itim ang paligid. Walang bintana at tanging lock na pinto ang nandito.
Naka higa lang ako dito sa malamig na simento. Teka! Hindi ba't nasa party kami? S-sila mommy.. Asan na kaya sila? Kamusta na sila? Sana naman nasa mabuting kalagayan sila.
Naalala ko pala na may malalim akong sugat sa likod pero bakit wala na? Kahit bakas ng peklat o dugo? Ginamitan kaya nung babaeng naka itim na cloak ng magic? Eh bakit naman n'ya ko gagamitan para gumaling? Dapat pinatay n'ya na ko. And speaking of magic asan na si Drake!? Nakita ko s'ya na nabalutan nang puting usok bago ako mawalan ng malay ah? May magic kaya s'ya? Kung meron. Di ko na alam ang gagawin ko. Mababaliw na ko. May mga tao bang may magic? Alam ko na hindi sila nag e-exist. Sa mga movies at story sa wattpad ko lang sila nababasa at napapanood.
Napa buntong hininga naman ako. Ilang minuto, oras o araw na ba kong nandito? May nag hahanap kaya sakin?
May naramdaman naman akong presensya na papasok dito sa kwarto or more like kulungan ko. Agad akong sumiksik sa dulo at itinago ang mukha sa pagitan ng tuhod ko.
"Gising ka na pala, laikeisha"-malamig ang boses n'ya. Sigurado akong ito ang babaeng naka cloak.
"A-ano bang kailangan mo sakin!? Sino ka ba!? Pakawalan mo na ko dito!"-sigaw ko sakanya habang naka yuko pa rin.
"Ako si Vana ang pinaka makapangyarihan sa lahat. Di pa kita papakawalan hanggat hindi ko pa napapalabas at nakukuha ang kapangyarihan mo, laikeisha. Dito ka muna sa palasyo ko. Mag sasanay ka hanggang mapa labas mo na ang kapangyarihan mo. Naiintindihan mo ba?"
Tinignan ko s'ya at marahas na iniling ang ulo. "Wala akong kapangyarihan! Demonyo ka! Iuwi mo ko samin! Demon--" di ko na natapos pa ang sasabihin ko dahil sinampal n'ya ko ng malakas. Sa sobrang lakas namanhid ang kanang pisnge ko. Napa iyak na lang ako dahil dun.
"Demonyo!? Sge ipapakita ko sayo ang demonyo! Sa araw-araw mo dito mag hihirap ka! Ipaparanas ko sa'yo ang ginawa sakin ng mga magulang mo!"-sabi n'ya at lumabas na agad. Narinig ko pa ang pag click ng pinto.
Wala akong ibang nagawa kundi umiyak. Ano bang ginawa ko? Bakit ako napunta sa ganitong sitwasyon? Kapangyarihan? Wala ako nun! Isa pa anong ginawa sakanya ng mga magulang ko para ganun na lang ang galit n'ya!?
Ibig bang sabihin kilala nila mommy yung babaeng vana ang pangalan?
Naramdaman ko na naman ang paparating na presensya kaya niyakap ko ng mahigpit ang sarili ko.
Tumingin ako sa ibaba ng pintong naka sarado pero wala akong makitang paparating dito. Maya-maya pa may lumitaw na kulay puting usok sa harap ko kaya napa atras ako.
"Samantha.." Bigla na lang lumitaw si Drake sa puting usok.
"Drake!?"-may halong saya at kaba ang nararamdaman ko. Pano na lang kung makita s'ya ni Vana? Baka saktan n'ya si Drake.
"Shh~ wag kang maingay. Itatakas na kita dito.. Ayos ka lang ba?"
"Oo ayos lang ako, pano naman tayo tatakas dito? May bantay sa labas ng pintuan na yan sigurado"-sabi ko sakanya at tumingin sa pinto.
"Mamaya ko na ipapaliwanag sayo,samantha. Sa ngayon kumapit ka lang sakin ng mabuti"-sabi n'ya. Seryoso s'yang naka tingin sakin kaya wala na kong ibang nagawa kundi ang kumapit sakanya.
Maya-maya pa pinalibutan na kami ng puting usok kaya naman napa pikit na ko ng mata. Naramdaman ko na lang na parang paikot-ikot kami at babagsak.
Bumagsak ako sa malambot. Pikit mata pa rin ako dahil natatakot ako.
"Ayaw mo na bang umalis, samantha? Pwede naman hanggang gabi na lang tayo dito"-narinig kong tumawa si Drake kaya napamulat ako ng mata. Nanlaki naman ang mata ko at namula ang mag kabilang pisnge dahil naka patong pala ako kay Drake.
Tumayo naman agad ako.
"S-sorry"-sabi ko.
Nilibot ko naman ang paningin ko at nakitang nasa magubat kaming lugar pero nasa maraming bulaklak kami lumanding. Tinignan ko ang isang bulaklak na malapit sakin dahil kakaiba s'ya. Ngayon ko lang nakita ito. Kulay red at pink ang kulay ng petals n'ya pero kahit ganun pa man maganda s'ya."Nasaan tayo,Drake? Tska b-bakit kanina may puting usok? Saan nang galing yun? Tas ano yung sinasabi ng Vana na yun na may kapangyarihan daw ako? Magulang ko rin daw ang may kasalanan kung bakit s'ya nag hihirap? Anong ginawa nila mommy sakanya? Tska asan pala sila mommy!? Ibalik mo na ko dun!"-sabi ko at napa iyak na lamang dahil sa frustration.
Andaming nangyari sakin ngayon. Di ko na alam kung nananaginip lang ba ako o talagang na babaliw na ko.
"Shh~ don't cry sam. I'm here, okey? I will protect you from that bitch Vana. Andito tayo ngayon sa frellia. Nasa mundo tayo ng wizards. Wag kang mag alala dahil mag papaliwanag ako mamaya. Kailangan muna natin maka rating sa bayan dahil maaari tayong masundan dito ni Vana"-sabi ni drake. Tumango na lamang ako.
"Sumakay ka na sa likod ko. Alam ko namang pagod ka."
"H-hindi *sniff* na.."
Tumalikod at yumuko pa rin sa harap ko si drake.
"Sakay na o iiwan kita dito?"-sabi n'ya ng naka ngiti. Bumilis naman ang tibok ng puso ko dahil sa ngiti n'ya. Wala akong nagawa kundi sundin s'ya dahil ayokong maiwan na rin dito.Nag lalakad lang kami I mean si Drake dito sa gubat. Naamoy ko s'ya. Ang bango bango n'ya siniksik ko tuloy lalo ang mukha ko sa likod n'ya.
"Haha baka naman maubos amoy ko n'yan"-narinig kong sabi ni drake.
Hinampas ko naman s'ya ng mahina. "Hindi ah!"-pag dedeny ko.
Narinig ko lang s'yang tumawa. "Matutulog muna ko,drake" di ko na sya hinintay pang maka sagot dahil bumigay na ang mata ko.
___________________________
YOU ARE READING
The Lost Magical Princess
Fantasythere's a girl who live in mortal world. she's contented what her life until unexpected things come up. can you join me to know the life of the lost magical princess?