Chapter 11

240 16 0
                                    

The lost magical princess
Written by yourdestinedgirl

Chapter 11

Samantha's POV

Di ko namalayan na naka tulog na pala ako. Nagising na lamang ako ng isang taga silbi ang pumasok sa kwarto ko. Kahit naman na natutulog ako ay malakas pa rin ang senses ko. Nakakamangha ba? Di naman kasi ganito ang ibang tao 'eh.

"Mag palit na muna po kayo ng damit at kakain na daw po" naka yukong sabi nito.


Tumango na lamang ako at umalis na siya.
Pag tingin ko sa gilid ay isang magandang dress ang naka lagay. Diba pwedeng mag short na lang o kaya pants? Argh!


Kaysa mainis sa susuotin ko, pumasok na ko sa banyo para maligo. Pagkatapos ko mag bihis ay tumingin muna ako sa wall clock dito sa kwarto na halatang mamahalin din at nakitang 7 na pala ng gabi. Sumulyap muna ako sa full length mirror sa kwarto ko saka lumabas.


Hanggang ngayon, namamangha pa rin ako sa palasyo na 'to. May mga nakakasalubong din Akong malilit at lumilipad na Tao. Ang cute nila! Siguro Ito yung tinatawag na 'fairy'. Yung pakpak nila ay kakulay ng damit na suot nila at may glitters.

Bumaba na agad ako ng makita ang mahabang hagdan pababa. Nasa kalagitnaan na ako ng pagbaba ko ng mapatid ako sa red carpet dahil nakatingin ako sa mga paintings at chandelier dito. Napapikit na lamang ako at hinintay na bumagsak pero ilang segundo na ang nakalipas ay di ko pa rin maramdaman ang sahig kaya napamulat ako.

Nagulat ako ng may hangin na kumikinang dahil parang may glitters din ang naka palibot sakin at dahan-dahan Akong binababa.

"N-nawala?" Gulat Kong Tanong sa sarili ng pag kalapag ko ay bigla na lamang Ito nawala. Naka rinig naman ako ng tawa kaya lumingom ako sa pinanggalingan at nakita si Drake. Kitang kita ko ang kanyang dimples.

"Hahaha! Wag kang mag alala, mahal na prinsesa dahil maaari pa kitang pakitaan niyan mamaya. Remember, it's my power" nakangiting sabi niya.

"O-oo nga pala. Sige" Naalala ko nga pala na sinabi niya na wind at fire element ang hawak niyang kapangyarihan.

"Halika na. Hinihintay na nila tayo" nakangiti niyang sabi at hinila na ako.

Bumungad sakin ang mahabang lamesa at ramdam ko agad ang kaseryosohan lalo na pag tumingin ka sa mukha nila.

Nasa dulo ng mahabang lamesa si ama at sa kanan niya naka upo si ina.
Ginaya ako ni Drake sa tabi ni Dwayne na katabi ni ama sa kaliwa saka siya naupo sa tabi ko. Bale, napapagitnaan ako ng mag kapatid.

"Anak, bukas ka na aalis papunta sa central kasama sila Drake at Dwayne. Wag kang mag alala dahil babantayan ka nila dun habang inaalam mo pa at pinapalakas ang kapangyarihan mo. Isa pa, Samantha Ford pa rin ang gagamitin mong pangalan dahil ang alam ng mga tao ay matagal ng patay ang prinsesa namin, si Laikeisha. Pero wag kang mag alala dahil ipakikilala ka din namin pag handa ka na. Naiintindihan mo ba anak?" Mahabang sabi ni ama.

"Bukas na po? Hindi po ba pwedeng sa susunod na araw na lang?" Blanko Kong sabi. Hindi ko maipakita ang reaksyon ko dahil hanggang ngayon hindi pa ko sanay sa kanila bilang mga magulang ko tska ganito na rin siguro ako dahil minsan kahit kila mommy at daddyㅡmrs. And Mr. Fordㅡ ay malamig ako. Nasanay na nga sila sakin eh. Kaya wag na kayong magtataka kung minsan ay malamig ang trato ko sakanila. Lalo na't ayokong pinapakita na mahina ako.

Huminga muna ng malalim ang hari, "Laikeisha,Anak, kahit gustuhin namin ng reyna na makasama ka pa ng matagal lalo na't ngayon lang tayo nag kasama-sama ay hindi maaari. Kailangan nating mag madali dahil matagal pa bago mo matutunan ng tama ang kapangyarihan mo. Sinabi pa naman ng Vana na yun na hindi basta-basta ang kapangyarihan mo hindi ba?" malungkot pero seryosong sabi ni ama.

Tumango na lamang ako at sinimulan ng kumain. Wala namang imik sila Drake at Dwayne dahil alam nilang usapang pam-- Hays. Hindi ako sanay. Okay, fine. Pamilya. Usapang pamilya.

Sa totoo lang, naiintindihan ko naman ang nais nila ama sadyang nalulungkot lang ako dahil kailangan ko na agad umalis para mag aral sa Aria Academy eh hindi pa ko nakaka pag paalam kila mommy. Isa pa, wala bang bonding para saamin? Tsk. Bakit sila mommy? Kilan ba sila nag karoon ng pake sakin? Hindi na ko magugulat kung pati ang tunay kong mga magulang ay di ako bibigyan ng oras.

"Aakyat na po ako para mag pahinga" hindi ko na hinitay pa ang sagot nila at agad na umakyat sa kwartong tinulugan ko kanina. Wala akong pake kung sabihin nilang bastos ang ginawa ko basta ang alam ko naiinis at nalulungkot na naman ako.

Habang nag lalakad ako sa corridor napapansin kong malungkot ang mga fairies. Hindi sila maingay at ang lungkot-lungkot ng mukha at aura nila. Bakit kaya? Aish! Bakit ko ba sila pinapansin? Tch.

Pumasok na agad ako sa kwarto ko at agad nahiga sa kama. Nakipag titigan lang ako sa kisame.

Iniisip ko, kahit saang pamilya siguro ako mapunta siguradong wala silang pakielam at oras sakin? Bakit ganun? Kila mommy at daddy, ginagawa ko naman ang gusto nila ang mag aral ako ng mabuti except dun sa pakikipag away ko na hindi nila alam. Tinatakot ko kasi yung dean at mga binu-bully ko. Ang pamilya Ford ang pangalawa sa pinaka mayaman hindi ba? Ginagamit ko yun panakot sa dean na kapag nag sumbong siya sa mga pinaggagawa ko sa school kila mommy ay i-pu-pull out yung malaking shares namin dun kaya ayun hindi siya nag susumbong.


Alam n'yo bang parang pang-teleserye na ang buhay ko? Nakaka pagod ang cycle.
Gigising sa umaga, baba para kumain mag isa habang may bantay sa paligid mo na mga maids, ihahatid ng driver sa school, mag aaral, makikipag away, uuwi, kakain, kakausapin via phone call sila mommy pag tumawag sila, then tulog. Ganun! Nakakasawa! Ang lungkot-lungkot! Yung tipong mag kakasakit ka na nga lang iba pa ang mag aalaga sayo? Parang hindi nag e-exist ang katulad ko sakanila, sa kahit na sinong nakapaligid sakin.

Hindi ko namalayan na nag uunahan ng tumulo ang mga luha ko kaya hinayaan ko na lang ito.

"A-anak?"

________________________________
A/N: guys, I'm so sorry kung ang tagal ko na namang mag update. Tinopak yung phone ko at yeah ako? Hehehe. Hindi kasi ako nag ta-type sa computer or loptop. Dito lang talaga sa phone ko. gomennasai/ ごめんなさい! [/bows my head;

Keep supporting! ^_^

The Lost Magical PrincessWhere stories live. Discover now