A/N: sorry kung matagal mag update si otor ah? Huhu T.T it's just that super busy niya sa kalokohan. Charot! Sa pag-aaral 'no! Hahaha! Tska salamat sa mga taong in-add sa reading list nila ang story ko. Sabog ang notification ko mga bes! I have a pen, I have an apple! Ugh! apple pen! Tugs! Tugs! *nabaliw si otor, bows*
______________________________
The lost magical princess
Chapter 12Samantha's POV
"A-anak?" Agad akong napaupo sa pagkakahiga ko at tinignan ang may ari ng boses na yun.
Nakita ko sa dulo ng kama ang reyna. Malungkot na naka tingin sakin. Pinahid ko agad ang mga luha ko sa mata at agad na umayos ng upo.
"Ano yun?" Bagot kong sabi. Ayokong makipag usap kahit kanino lalo na't nakita niyang umiyak ako. Baka isipin lang niya na mahina ako.
"B-bakit ka umiiyak?" Malungkot niyang sabi habang papalapit sakin.
"Hindi ako umiiyak" pagtanggi ko.
Naupo siya sa tabi ko habang ako naman ay nakaupo at nakatingin lang sa full length mirror na naka tapat lang sakin.
"Anak, hindi mo man sabihin alam kong nalulungkot ka. Nakita mo ba yung mga fairies sa labas?" Naguluhan man ako sa tanong ni ina ay tumango na lang ako."Malungkot sila hindi ba? Malungkot sila dahil malungkot ka. Masaya sila pag masaya ka. Ang nararamdaman nila ay nag papakita lang sa kung anong nararamdaman mo kaya alam naming malungkot ka. A-anak, alam namin na marami kaming pag kukulang sa'yo pero sana naman mapatawad at maintindihan mo kami kung bakit namin yun ginagawa. Para yun sa ika-bu-buti mo."
Tumingin ako sa itaas dahil nararamdaman ko ang pag tulo ng luha ko.
"B-bakit kasi iniwan niyo ko? B-bakit ngayon lang kayo nag pakilala?"
"H-hindi ko pa masasagot ang tanong mo, anak pero ngayon nag kita na tayo ay sisiguraduhin namin ng tatay mo na pro-protektahan ka namin kahit anong mangyari.
Hindi ko na napigilan at nag unahan na sa pag tulo ang mga luha ko. Sa tagal kong nabubuhay dito sa mundo ngayon ko lang naramdaman ito. Yung may inang pupunta sa kwarto mo para pagaanin ang loob mo.
Niyakap ako ni ina kaya niyakap ko rin siya pabalik."Hush, my princess. Bukas ng tanghali ang alis n'yo kaya may gusto rin akong ibigay sa'yo." Pag-aalo sakin ni ina.
"A-ano po yun?" Humihikbing sabi ko. Mula sa kamay niya ay bigla na lang nag karoon ng isang kwintas. Napakaganda niya. Ang pendant nito ay isang kulay puting bato na kumikinang.
"Ingatan mo 'to, Laikeisha. Balang araw malalaman mo rin ang gamit nito." Naka ngiting sabi ni ina at inilagay sa palad ko ang kwintas.
Biglang may kumatok sa pinto kaya sabay kaming napalingon dun. Isang taga silbi ang pumasok.
"Ipagpaumanhin n'yo mahal na reyna ang aking pag abala sainyong pag-uusap ngunit kailangan niyo nang mag pahinga at uminom ng gamot mo" naka yukong sabi nito. Humarap naman sakin si ina.
"Sige na, Samantha. Mag pahinga kana ng mabuti" niyakap niya ulit ako bago lumabas ng kwarto ko.
Paglabas nila ay agad akong nahiga sa kama at pinag masdan ang hawak kong kwintas. Napaka ganda niya talaga. Salamat kay ina dahil naibsan ang lungkot kong nararamdaman. Tska totoo kaya yung sinabi ni ina na nararamdaman ng mga fairies ang nararamdaman ko?
Napag isip-isip kong lumabas ng kwarto dahil hindi pa ang makatulog. Gusto ko rin makalanghap ng hangin. Saan kaya ako pupunta? Ah! Alam ko na sa malawak na garden ng palasyo na'to.
Habang nag lalakad papuntang hardin ay nakakasalubong ko ang mga fairies. Nag kalat kasi ang mga fairies sa palasyo maliban na lang sa loob ng mga kwarto dahil hindi sila pumapasok dun. Maiingay na ulit sila na para bang nag bubulungan at nag tatawanan. Ang saya nilang pagmasdan kaya napangiti ako.
Nang makita ko na ang hardin ay agad akong tumakbo dun. Ang lawak! Mas malawak pa ito sa garden namin sa mansyon. Sabagay, mansyon lang yun eh ito palasyo. Masayang tinititigan ko ang mga bulaklak dito habang dumadaan. Mahilig kasi ako sa mga bulaklak. Environment lover nga ang tawag sakin ng mga kaklase ko dati eh, Isa pa yung garden namin sa bahay ay ako ang nag aalaga kaya wala kaming hardenero.
Masayang tinitignan ko ang isang bulaklak na may dalawang fairy na nag iikot dun habang nag tatawanan hanggang sa mapansin ko ang isang malaking puno malapit sa pwesto ko. Ang ganda ng punong yun dahil may iba't ibang kulay ang mga bunga? Parang sa movie na Best Friend Giant ba yun? Kaya agad akong lumapit dun at tinitigan. Ang daming fairies ang nag babantay sa punong iyon pero ang naka pukaw talaga ng atensyon ko ay ang kulay puting dahon sa itaas nito.
Mula sa puting dahon na yun ay may biglang lumitaw na fairy. Hindi ko masasabing katulad siya ng ibang fairy na nandito dahil iba siya. Mahabang buhok na kulay puti, pakpak na kulay puti, matang kulay pula katulad ng akin, at mas higit na nag liliwanag siya kaysa sa ibang fairies! Gusto kong mag freak out dahil sa mga nakikita ko pero ngayon pa ba ako mag re-react eh ang dami ko nang nakitanv kakaiba? Tska hindi naman 'to tatawaging magical world kung walang mahic, di'ba?
"Sa wakas nag kita na muli tayo, Laikeisha" nagulat ako ng mag salita siya dahil nakatulala na pala ako sakanya.
"T-teka. Hindi ako ang prinse- I mean hindi ako si Laikeisha" sambit ko.
Ngumiti siya, "alam kong ikaw ang prinsesa ng bayan na'to. Nga pala, ako si Lily. Ang reyna ng mga fairies na nakikita mo. At ngayon na ang tamang panahon para bantayan at protektahan ka, mahal na prinsesa" bahagya pa siyang yumuko pagkatapos sabihin yun. Samantalang ako ay naka nganga lang habang naka tingin sakanya. Tama ba ang narinig ko? Reyna siya ng mga fairies at babantayan niya daw ako?
Nagpagising sakin sa reyalidad ang palakpakan ng ibang fairies na nakapalibot samin dito sa puno. Hindi ko man lang napansin na nandito silang lahat at nakatingin sakin.
______________________________
A/N: sorry kung maikli ang chapter na'to.Gusto ko maging friend yung mga readers ko kahit konti sila. Hi sainyo! Notice me! Ehuehu. ^_^
Add niyo ko sa Facebook! Laikeisha Daunthoven ^_^
Sana maka-close ko kayo!Pa-vote, comment and share naman 'tong story ko. Solomots! Hohoho~
YOU ARE READING
The Lost Magical Princess
Fantasythere's a girl who live in mortal world. she's contented what her life until unexpected things come up. can you join me to know the life of the lost magical princess?