Samantha's POV
Nagising ako sa isang kwarto. Napa balikwas ako ng bangon ng maalala kong kasama ko si Drake. Akala ko nasa palasyo pa rin ako ng Vana na yun.
Nasan si Drake? Naka piggy back ride ako sakanya ah? Pano ko napunta sa isang malaking Queen size bed na'to? Kulay gold pa ang design ng dingding, may malaki ring chandelier dito at isang veranda.
Akala ko nasa kwarto ko na ako pero di pala. Di naman kasi kulay gold ang design ng dingding ng kwarto ko e.
Pumunta naman ako sa veranda at nakitang nasa mataas pala akong palapag. Nakikita ko mula dito ang isang bayan. Teka bayan!?
Dali-dali akong lumabas ng kwartong iyon. Pag labas ko bumungad sakin ang mahabang coridor. May mga katabing kwarto rin at sa tapat naman ng mga kwartong naka hilera ay may vase na halatang mamahalin at may mga larawan.Lumapit ako sa isang larawan. Larawan ng pamilya sa tingin ko dahil may isang lalaki at babae at may yakap silang sanggol na babae. Mukhang masaya sila.
Bigla na lang kumabog ng mabilis ang puso ko ng titigan ko ng maigi ang babae at lalaki. Parang nakita ko na sila.
Naramdaman kong may paparating kaya naman agad akong nag tago sa likod ng malaking vase.
Isang lalaki ang dumaan. Parang taga bantay? Yung katulad ng mga napapanood ko sa mga palasyo scene. Mga taga bantay na may espada tas naka armor. Yung ganun!
Nababaliw na ba ako!? Asang lupalot ba ko ng pilipinas? Nasa pilipinas pa ba ako? Asan na si Drake?
Pag lagpas ng lalaki dahan dahan na akong nag lakad sa kabilang way hanggang sa may nakita akong hagdan. Puta lang! Ang ganda tas ilang hakbang ba tong hagdan? Di ko mabilang e, may red carpet pa! Aba bongga!
Agad akong bumaba kaso pag baba ko may naka salubong akong taga bantay.
"Binibini, saan ka pupunta?"-tanong ng taga bantay.
"A-ah.. Ano jan lang sa labas. M-may hahanapin lang"-I said stuttering. Ghad!
"Sumama na lang po kayo sakin, binibini"-akmang hahawakan n'ya na ako ng kumaripas ako ng takbo. Lumiko ako sa sa isang hallway at tumama ako sa isang matigas na bagay.
Napa hawak ako sa noo ko at tumingin sa naka bangga. At olala~ Si Drake! Shocks! Knight in Shining Armor ko talaga siya! *^O^*
"Drake!"-masayang sabi ko sakanya at niyakap siya.
Hinawakan niya ang mag kabilang balikat ko at tinulak ako ng marahan.
"Hindi ako si Drake. I'm Dwayne"-masungit na sabi niya.Napa nganga naman ako dahil dun. "Kung hindi ikaw si Drake, asan si Drake? Tska kaano ano mo siya? Bakit mag kamukha kayo?"-tanong ko sakanya.
"I'm his twin brother. Now, Drake is in meeting with Queen and King"-dwayne.
Napa tango na lang ako kahit na naguguluhan dahil ano daw? Queen at King? Tas kambal niya si Drake?
Tinitigan ko siya ng maigi at ngayon ko lang napansin na kulay Gold ang buhok niya at ang suot niya ay isang kulay pulang tela na parang dress pero may pants ito.
"Wala ka na bang itatanong? Aalis na ko"
Ang sungit naman nito! -__-
Bago pa ko maka sagot nag umpisa na siyang mag lakad palayo."T-teka! Drake este Dwayne!"-sigaw ko sakanya at nag umpisa ng tumakbo dahil ang bilis ng lakad niya. Susundan ko na lang siya tutal wala naman akong alam dito e kaysa naman maki pag habulan pa ko sa mga bantay, diba? Tska kambal naman niya si Drake kaya malamang mabait din 'to.
Sabay lang kaming nag lalakad at ngayon naka labas kami sa palaayo na yun. Tinigna ko pa nga at shocks! Ang laki at ang taas pala! Ang ganda pa dahil pag labas mo nang main door ng palasyo ay bubungad sayo ang mga bulaklak. Ngayon ko lang nakita ang mga bulaklak na'to. Kakaiba sila tulad ng nakita ko nung nasa gubat kami ni Drake.
Pag labas na talaga namin Drake este Dwayne ay may mga taong parehas ng suot ni Dwayne. Iba nga lang ang kulay dahil kulay dilaw ang kanila.
Parang nasa bayan kami. May mga nag titinda ng prutas, isda, at gulay. Meron din akong nakitang tao na nag pe-perform sa entablado. May lumalabas na puting usok sa kamay niya.
"Dwayne, may bibilhin ka?"-tanong ko sa katabi kong kanina pa tahimik.
"Obvously stupid girl"-masungit na sabi niya.
"Grabe ka naman maka stupid! Hmp!"
Di na niya ako pinansin at pumunta na lang siya sa isang ale na nag bebenta ng mga prutas. Pagkatapos, pumunta siya sa isang matandang lalaki na nag pupukpok ng espada.
"Manong, yung akin?"-tanong ni dwayne.
"Ikaw pala, ito saglit kukunin ko"-may kinuha namam si manong na maliit na kutsilyo pero napaka talim. May mga naka ukit din dito na hindi ko maintindihan.
"Salamat"-binayaran niya rin si manong at pansin ko lang na di peso or what na pera tulad ng sa ibang bansa ang ibinabayad nila kundi ginto.
Tinitignan ko ang ibang tinda na nandito. Pansin ko rin na parami na ng parami ang mga taong nakaka salubong ko. Oh well, baka naman nasa pinaka center na kami ng market nang bayan na'to kaya ganun.
I just shugged my shoulder.
Kakausapin ko sana si Dwayne ng mapansin kong wala siya sa tabi ko.
Asan na yung lalaking yun!? Nawawala!? Teka. Bakit siya mawawala e alam naman n'ya to? Damn! Ngayon pa gagana ang katangahan ko? Ako ang nawawala! I'm lost. Dammit!Nag umpisa na akong kabahan dahil na rin sa takot na baka may mangyari sakin dito lalo na't hindi naman ako taga rito.
Inikot ikot ko ang pamilihan dahil baka nasa paligid lang si Dwayne pero di ko makita.Lakad lang ako ng lakad hanggang sa dinala ako ng mga paa ko sa isang eskinita. Sa dulo nun ay may daan pakanan at pakaliwa.
Nag iisip pa ko kung saan ako dadaan ng may narinig akong palakpak. Naramdaman ko rin ang presensya nila. Sa tingin ko ay nasa dose sila.
Mula sa kanan ay may lumabas na anim na lalaki at sa kaliwa naman ay anim din. Ang mga damit nila ay kulay dilaw di tulad ng kay Dwayne.
"Kung swene-swerte ka nga naman oh, may magandang dilag pa ang napadayo sating lugar"-naka ngiting demonyo na sabi ng isang lalaki habang ang iba naman ay dahan dahang lumalapit sakin.
______________________________
A/N: vote and comment
YOU ARE READING
The Lost Magical Princess
Fantasythere's a girl who live in mortal world. she's contented what her life until unexpected things come up. can you join me to know the life of the lost magical princess?